Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Enero 14, 2021

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 14, 2021, Huwebes  – Nakasalalay sa mga kamay mo ang magandang kinabukasan ng mga nasa paligid mo. Wag mo silang biguin. Kaya kailangang lalo mo pang pagbutihin at paunlarin ang kabuhayan mo. Wag kang mag-alala, nakikita ng langit ang mga pangyayari, kaya padadalan ka ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero  1, 13, 25, 28, 38, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iilan lang ang tinatawag na masuwerteng nilalang at ikaw ay kabilang sa kanila. Ibahagi mo sa mga kapus-palad ang iyong mga biyaya na nakatakda ng magdaratingan sa buong taong ito ng 2021. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 14, 20, 25, 33, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Malaki ang tiwala sa iyo ng mga nasa paligid mo. Kaya kahit na medyo hirap ka, kailangang mo pa ring maipakita ang maganda at kahanga-hanga mong personalidad. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 12, 18, 27, 32, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Malikhaing kaisipan ang sandata mo na kaloob sa iyo ng langit mula pa ng ikaw ay isinilang. Kaya ito ang dapat mong gamitin sa anumang gusto mong mangyari sa iyong buhay sa taong ito ng 2021, lalo na sa iyong pagpapayaman. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  5, 8, 11, 23, 25, 27.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagdaratingan ngayon sa buhay mo ang mga taong makatutulong sa iyong pangarap. Ibig sabihin hindi ka gaanong mahihirapan na matupad ang iyong mga ambisyon sa buhay. Dahil bukod sa mga taong tutulong sa iyo, ngayong taong ito ng 2021 tutulungan ka rin ng langit upang tuloy-tuloy ka ng magtagumpay at magwagi. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 13, 19, 22, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi mo namamalayan, palaki ng palaki ang suwerteng ipinatitikim sa iyo ng langit. Kapag napanatili mo na hindi ka sobrang nagyayabang, ang iyong kaban-yaman ay lalo pang pupunuin at aapaw ngayong taong ito ng 2021. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  1, 4, 11, 22, 28, 31.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May babala na kapag natuwa ka o sobrang naging masaya, mababawasan ang laman ng iyong kabang-yaman. Isipin mo na ang mas mahalaga, ay ang iyong pagpupundar para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero  5, 8, 13, 24, 28, 42.    

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Kung saan ka masaya at kung saan ka maganda roon ka makikita. Ito ang dahilan kung bakit patuloy kang sinusuwerte. Lagi kang masaya at lagi kang maganda, kaya naman ang langit ay lagi kang bibigyan ng mas marami pang biyaya. Kaya alam mo na ang gagawin mo sa taong ito ng 2021, iwasan mo ang malungkot at lagi kang magpaganda! Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 9, 16, 18, 24, 39.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na kung kailan ay kailangan mo ng magdahan-dahan sa mga pagpapasya. Nasa pagiging mahinahon mo ang susi upang ikaw ay magtamo ng dagdag na suwerte at magagandang kapalaran sa taong ito ng 2021. Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 32, 34, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Pagkakataon mo na ngayong na simulan ang iyong mga ambisyon na noon pa man ay nasa puso mo na at isipan. Makaaasa ka na ang mga unang hakbang na gagawin mo ay maghahatid sa iyo sa tiyak na tagumpay. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 3, 9, 21, 33, 39.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Aakalain ng mga kontrabida sa iyong buhay na bagsak ka na. Pero sa bandang huli ikaw ay babangon at magugulat sila. Dahil mas maraming suwerte at mas magagandang kapalaran ang mapupunta sa iyo habang sila naman anuman ang kanilang ginagawa ay patuloy silang mamalasin.  Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 4, 9, 13, 22, 35, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kaya lang naman nadarama mo na hindi umuusad ang kapalaran ay dahil ayaw mong baguhin ang mga puwedeng baguhin. Alisin mo na sa isipan mo ang pagiging negatibo at maghanap ka ng mga bagong pakikipagsalaparan. Alalahanin mong ginawa ang bangka upang pumalaot sa dagat at hindi para manatili na lamang sa pampang. Mapalad  ang kulay na green. Masuwerteng numero 4, 10, 17, 20, 29.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Umaasa sa iyo ang maraming mga tao. Ito ay sa dahilang kinukunsinti mo sila sa patuloy mong pagbibigay ng tulong na hindi naghihintay ng kapalit. Dahil dito sa taong ito ng 2021, lalo kang pagpapalangin ng langit, marming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong makakamit. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero  2, 7, 16 , 25, 29,  43. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here