Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 14, 2019

0
310

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 14, 2019, Lunes – Paulit-ulit na darating sa iyo ang oportunidad na puwede kang yumaman. Kahit palagpasin mo man ang iba, babalik at babalik sa iyo ang mga ito, hanggang sa magpasya kang tuluyang tanggapin ang nasabing mga pagkakataon upang yumaman. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 14, 20, 32, 35, 41. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hinding-hindi ka puwedeng sumuway sa kapalaran lalo na sa taong ito ng 2019 dahil ito na mismo ang nakatakda. Ang kapalaran mo ngayon kahit tumanggi ka pa, ay magkakaroon ka ng hindi inaasahang suwerte, na may kaugnayan sa materyal na bagay. Magaganap at tiyak na mangyayari sa buong taong ito ng 2019. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  33,  37, 43. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hindi mo dapat ibinbin ang mga gawain ng pangmatagalan. Tapusin mo agad. Unahin mo ang madali at isunod mo na lang ang mahirap. Pinapanood ka ng langit  sa sandaling natapos mo ang mga gawain, bibigyan ka ng panibagong suwerte ng higit pa sa mga dati mo ng natanggap. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 14,  25, 34, 41, 44. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ngayon pa lang lubusang nagsisimula ang taglamig, kasabay nitong magsisimulan ang pagdatin ng suwerte. May isang kundisyon lang upang ang suwerteng ito ay tuloy-tuloy na pumasok sa iyong  pagkatao, wag kang mag-aalinlangan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 15, 21, 23, 34,  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag madilim ang langit nagbababala ng malungkot at pangit na panahon. Hindi ganito ang kapalaran mo, sa taong ito ng 2019, sa halip kahit na magdilim ang langit, ang suwerte at magagandang kapalaran ay ibibigay pa rin sa iyong langit. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  2, 18, 20, 27, 34, 41.  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi ka mapapakali hangga’t hindi ka nakapamimili. Tunay ngang ang pagsha-shopping ang nagpapaligaya sa iyo. Ang nakamamangha, kung ang iba ay pinapayuhang magtipid dahil baka maubos ang pera, ang sa iyo naman ay kakaiba, habang gumagastos ka, dating ng dating pa rin sa iyo ang pera. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 23, 27, 30, 45.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sobrang makapangyarihan ang salita mo ngayon. Anuman ang iyong sabihin ay magkakatotoo. Subukan mong magsabi ng magagandang mga bagay, pihadong ito ay matutupad. Kaya ingatan mo ring magsalita ng masama sa iyong kapwa, dahil yon ang saktong mangyayari. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 22, 29, 31, 41. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Malakas ka ngayon. Susuko sa iyo ang mga karibal mo at kung hindi sila susuko, magagapi mo sila ng napakadali. Kaya ito ang araw na puwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo, dahil nakaisisgurong mapapasa iyo ang tagumpay at pagwawagi. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 20, 32, 43, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang ilog na mababaw ay maingay, habang ang ilog na tahimik ay malalim. Hindi ka dapat mag-ingay sa ngayon. Tumahimik ka lang at isekreto mo ang pagdating ng magandang kapalaran. Kapag natututo kang tumahimik, mas marami pang suwerte at magandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 10, 22, 28, 31, 45.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mabilis na umiihip ang hangin at biglang nawawala. Pero ang sa iyo ay kakaiba, mabilis na dadapo sa iyo ang suwerte, pero ito ay hindi na mawawala kailan man. Mananatli sa iyo ang suwerte ng pang habang panahon, lalo na kung ito ay ipamamahagi mo sa iba, lalo na sa mga kapos palad at sa mga mahihirap. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 35, 43, 45. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakakahuli ng daga ang pusa kapag tahimik lang siyang nag-aabang sa lungga. Itahimik mo ang iyong damdamin sa araw na ito at wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Kapag nagawa mo yan, darating ang sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 40, 43.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Isa lang ang kailangan mo sa araw na ito, ang ikaw ay sumaya. Oo kailangan mong maging masaya, dahil kapag nalulungkot ka, malulungkot din  ang iyong kapalaran. Sa masayang attitude at pananaw sa buhay, sasaya ang kapalaran. At kapag masaya ang kapalaran, bubuhos ang maraming biyaya at suwerte sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 1,  7, 17, 29, 37, 41.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ikaw ngayon ang reyna ng sarili mong mundo. Hindi ka susuwayin ng sinumang uutusan mo. Minsan upang mawala ang stress, masarap mangarap na ang buhay ay isang “fairy tale”. Utusan mo ngayon ang sarili mo at siguradong siya ay susunod sa ‘yo.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 18,  21, 29,  31, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here