Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 13, 2019

0
367
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 13, 2019, Linggo –  Napakalakas ng iyong karisma sa taong ito ng 2019 marami ang magkakagusto sa iyo. Bukod sa magugustuhan ka ng mga tao, magugustuhan ka rin ng langit, kaya’t padadalhan ka ng magagandang kapalaran, isa-isa na ring matutupad ang mga hinihiling at pinapangarap mo sa buhay. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 13, 25, 31, 40, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Maraming nilalakad ang mga tao pero wala namang nagiging positibong resulta. Ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi ka lumakad, ang suwerte at magagandang kapalaran ang kusang lalapit sa iyo kahit nasaang lugar ka pa nakatambay. Kaya sa araw na ito, uuwi ka ng tagumpay at maligaya. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 4 7, 22, 29, 37, 41.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Tatamaan ka ngayon ng isang hindi nakikitang liwanag, na ang pangalan ay sinag ng suwerte. Kaya kahit na anupa ang ginagawa mo, at kahit saaan ka pa magpunta, tiyak na susuwertehin ka at magtatamo ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  1, 19,  25, 34, 40, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  May magtatangkang magsamantala sa iyo, kaya lang matalas ngayon ang iyong pandama.  Kaya mong malaman ang nasa puso ng mga tao. Lumayo ka kapag nararamdamam mong may masamang motibo ang isang tao, upang hindi nila masamantala ang iyong kabutihan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 18, 21, 24, 34, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Didikitan kang muli ng isang tao na nakagawa sa iyo ng pagkakamali. Inaakala niya na muli ka na namang niyang maiisahan. Pero sorry na lang siya, dahil sadyang malayo na talaga ang loob mo sa kanya at sa ngayon ay sadya ngang matalino ka na. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 4, 12, 24, 31, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Iwasan ang mga taong kontrabida sa buhay mo. Sila ang sisira sa magandang araw mo. Sa halip, makipag kaibigan at dumikit ka sa mga taong alam mong nagpapasaya sa buhay mo. Sila ang mag-aabot sa iyo ng malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   8, 16, 25,  31,  37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kahit na natapos at lumipas na ang taong 2018, hindi pa tapos ang pagdating sa buhay mo ng magagandang kapalaran. Maging masinop at pahalagahan ang mga dati ng napunta sa iyo at ang mga darating pang mapupunta sa iyo. Dapat matuto ka ng mag-savings. Tandaan mong “hindi araw-araw ay pasko!” Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  7, 18, 23, 27, 34, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Manipis ka ngayon kaya madaling masaktan ang iyong damdamin. Ngunit pakakapalin ka ng langit, upang kapag hindi ka na gaanong nasasaktan at lumuluha, magiging matatag na ang iyong pagkatao at kapag matatag na ang iyong pagkatao, marami ng suwerte at magagandang kapalaran ang darating na sa iyo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3,  19, 22, 27, 31, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kapag masama ang panahon umiihip ang hangin kung saan-saang direksyon, nagugulo ang mga sanga at dahon ng mga punong kahoy. Hindi dapat matulad sa ganito iyong isipan. Sa halip, kailangan mong itutok na muli ang iyong isip mo sa iisang kongkretong pagpapasya lamang. Kapag hindi ka nagpabago-bago ng isip, mapapasa iyo na ang pagyaman na noon mo pa pinapangarap makamit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 19, 21, 27, 34, 45.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hiniling mo sa langit ang mga bagay na magpapaunlad sa iyong pamilya at ang personal mong kaligayahan. Pakikinggan ka, kaya ang biglaang pagbabago sa buhay mo patungo sa pag-unlad ng iyong pamilya at kaligayahan ay mapapa sa iyo na.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 11, 25, 23, 34, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Susundan ka ng kalungkutan sa araw na ito, ngunit hindi siya makakahabol. Bago ka pa niya abutan, makakaalis ka na ng bahay. Sa isang kaibigang Libra, hindi makakaporma ang lungkot. Sapagkat ang kaibigang Libra ang magbibigay sa iyo ng suwerte, ng tuwa at ng saya. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11, 29, 35, 40, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pera at materyal na bagay ang nagbibigay ng ligaya sa mga tao, at dahil patuloy kang papaboran ng langit, ito ngayon ang matatanggap mo, pera at materyal na bagay, kaya naman lalong magiging masaya ang pasok ng buwan sa nalalapit mong kaarawan. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 11, 20, 25, 35, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May kukumusta sa iyo ngayon. At pagkatapos kang kumustahin, darating ang magagandang oportunidad sa buhay mo na magdudulot ng ligaya at saya.  Nangyaring ganon dahil ang mangungumusta sa iyo ay ang  suwerte. Tatawagin ang taong ito ng 2019 bilang:  “Suwerte at mapalad na taon ng iyong buhay!” Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  3, 13,  18, 29,  31, 44. 0000000

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here