Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 12, 2019

0
396
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 12, 2019, Sabado –  Sa araw na ito, makatatanggap ka na ng regalo. Darating na ang malaking suwerte at magandang kapalaran kaloob sa iyo ng langit na noon mo pa hinihintay. Tunay ngang dapat kang magpasalamat at kapag sumobra sa iyong pangangailangan ang iyong natanggap sa taon ding ito ng 2019, kailang maipamahagi mo ito agad-agad sa mga mahihirap. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero 1, 9, 21, 23, 39, 42. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2019 aangat na naman sa isa pang level ang iyong tagumpay. Ibig sabihin namumunga na ang lahat ng iyong mga pagsisikap. Kaunting tipid at kaunting sipag pa, malapit na malapit ng lumago sa todo niyang lakas ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  1, 17,  25, 34, 40, 44. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kapag malakas ang hangin kusang nalalaglagan ang mga bungang kahoy mula sa sanga. Sa panahong ito halos ganon din ang mangyayari sa iyo. Isang kembot lang, ang suwerte at magandang kapalaran ay  maglalaglagan na sa iyong harapan ng  walang kahirap-hirap. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 15, 19, 33, 42, 45. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi ka bibiguin ng kapalaran sa taong ito ng 2019. Kung ano ang pinakamalaking mong ambisyon, ipagkakaloob sa ‘yo. At kapag nakamit mo na ang malaking ambisyon na noon mo pa gustong-gustong makamit, tatawagin ang taong ito ng 2019, bilang “Taon ng katuparan ng mga pangarap!” Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3,  9, 21, 23, 33, 41. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maraming natututunan ang tao sa kabiguan. Kaya hindi ka dapat matakot o malungkot na mabigo. Dahil sa mga natutunan mo darating ang saktong panahong, puro tagumpay at ligaya naman ang dadapo sa iyong pagkatao.  Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 5, 10, 28, 31, 43, 44. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) ) Isang batas ng kalikasan na hindi lang lakas ang nagbibigay ng tagumpay, kundi pati na rin ang isip. Pero ang sa ‘yo ay kakaiba, magpaganda ka lang, kahit hindi mo gamitin ang iyong lakas at isip, darating sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 4, 18, 25, 27, 34, 44.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na magdaratingan sa iyo ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Hindi mo ito dapat na aksayahin, sa halip ito rin dapat ang panahon na dapat na matuto kang magpundar at mag-ipon. Kapag ganyan ka, tuloy-tuloy na ring uunlad ang iyong kabuhayan hanggang sa yumaman. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 8, 13, 19, 34, 40, 44. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Alam mo ba na lagi mong pinipili ang maganda? Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga gamit mo sa bahay at personal mong gamit  ay magaganda rin. Pero ang hindi mo alam, dahil mahilig kang pumili ng maganda, habang buhay ng mananatiling maganda ng iyong kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 12, 27, 33, 42, 43. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kapag panahon ng taglamig, nagpapahinga ang mga hayop sa kagubatan. Panahon ngayon ng taglamig pero hindi ka dapat mamahinga. Kumilos ka ng kumilos at ipatupad mo ang lahat ng iyong mga pangarap at ambisyon sa buhay. Bukod sa panahon ngayon ng taglamig panahon din ngayon ng iyong suwerte  at marami pang magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit habang patuloy kang kumikilos ng kumikilos.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  4, 16, 23, 27, 34, 40. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa panahong ito ng iyong buhay hindi ka dapat mag-madali, sa halip, i-priority mo pa ring lagi ang iyong kalusugan. Ang totoo magmadali ka man o hindi, ang suwerte at magandang kapalaran ay talaga namang darating sapagkat ito ay matagal ng inilaan na sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 9, 7, 24, 29, 36, 41.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sumasaya lamang mga ibon sa langit kapag malayang nakalilipad. Ganyan din ang iyong tadhana, sa taong ito ng 2019, kapag nawalan ka ng laya, lilisan ang ligaya. Kaya nga ang payo, palayain mo ang iyong sarili sa kalungkutan, at mga alalahanin sa buhay  –  magsaya ka! Kapag nagawa mo yan, magdaratingan na ang suwerte at magandang kapalaran.   Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 13,  18, 28,  31, 45. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa taong ito ng 2019 ang saya ay nakakaaakit ng suwerte at magandang kapalaran. Wag ka ng malungkot, inuutusan ka ngayon ng langit na magsaya. Gawin mo na agad, upang suwertehin ka! Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  34,  37, 43. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Naiinip ka at sobra ang iyong pagkainip. Nakita ng langit ang iyong kalagayan, kaya sa taong ito ng 2019 mabilis na ibibigay sa iyo ang katuparan ng iyong pinakagusto sa buhay. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 11, 19, 25, 35, 41. fff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here