Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 10, 2019

0
229
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Enero 10, 2019, Huwebes  – Ito ang araw na matatabunan ng saya at ligaya ang iyong mga problema. Ang totoo pa nga nito lahat ng tao ay namumroblema, pero ang kakaiba sa iyo, mas marami ang saya at ligaya kaysa sa problema. Kaya naman sa taong ito ng 2019 kahit saan ka magpunta, parang multo, ang ligaya at saya ay laging susunod sa ‘yo ng susunod.    Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 7, 13, 28, 34, 43, 44. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2019 mismong ang langit ang hahatol sa mga ginagawa mong kabutihan. At ang hatol,  bibigyan ka ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ng higit sa iyong inaasahan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 8, 18, 21, 28, 36, 44.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Habang naka-couple’s shirt kayo, magkasabay kayong dadapuan ng suwerte ng taong mahal mo. Magkagayuman mas kagit ang mapapa sa kanya, habang ang sa iyo ay medyo maliit lang. Subalit ‘wag kang malungkot, habang nasa kasukdulan ang panaho ng Chinese New Year, mas magiging malaki naman ang suwerte mo at ang sa kanya ay medyo maliit lang. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 2, 10, 19, 28, 35, 44. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ang mga walang disiplina ay hindi nagtatagumpay sa kanilang buhay. Pero ang sa iyo ay kakaiba, may disiplina ka man o wala, naguglat ang mga kaibigan mo, kung bakit lagi kang sinusuwerte at pinagpapala ng nasa itaas. Ganon talaga ang buhay minsan may mga taon talagang likas na masuwerte. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 11,  18, 20,  33, 45. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mahina ka ngayon dahil hindi mo maiiwasan ang malakas na karisma ng isang taong sobrang mabait sa iyo na magpapakita ng aakalain mong pagmamahal. Mag-ingat, baka ka matukso at madarang! Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 13, 19,  30,  37, 42. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Binilinan mo ang iyong sarili na isip na ang susundin, ngunit ng muli kang umibig at magmahal, puso na naman ang nasunod. Sa susunod siguraduhin mong isip na ang mamamayani, upang hindi na muling lumuha pa at masaktan.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 2, 14, 20, 34, 40, 43. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magpapatuloy ang iyong kakaibang lakas ng loob at tapang. Walang pupuwedeng makapigil sa iyo. Dahil sa kasalukuyan, patungo ka sa malaking tagumpay.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  9, 18, 21, 27, 33, 42. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ito ang araw na hindi ka dapat magreklamo. Pinapanood ka ng nasa itaas kung gaano ka matiisn.  Oo, sa tuwing nakikitang nagrereklamo at hindi masaya, hindi maihulog-hulog ang biyayang laan sa ‘yo. Mula ngayon, matuto kang magpasalamat sa kahit anupamang nangyayari sa buhay mo. Kapag muling tumingin ang langit sa iyong kalagaya at nakitang marunong ka ng magpasalamat, agad-agad mahuhulog sa iyong harapan ang suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 19,  25, 34, 41, 44. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi kanyang dakutin ng palad ang lahat ng butil ng ginto. Ito ngayon ang mararanasan mo. Mapapa sa iyo ang maraming suwerte, pero marami pa ring makakalagpas na hindi mo makukuha. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 14, 19, 29, 31, 39. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) May hahabol sa iyo at kahit saan ka magpunta at kahit na bilisan mo pa, aabutan ka. Sa taong ito ng 2019, hahabulin ka ng suwerte at sa sandaling abutan ka, dapat alam mo ang gagawin mo. Alam mo na ba ang gagawin mo? Ipamahagi mo sa iba at sa mga taong lalo pang nangangailangan ang suwerte at magandang kapalaran upang lalo pa itong lumago at dumami. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 5, 7, 23, 29, 32, 41.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lilinisin ngayon ng langit ang iyong mga daraanan. Kung noon dati nahihirapan kang makamit ang pag-unlad, ngayon ang suwerte at magandang kapalaran na ang sa iyo ay kusang lalapit. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, upang magpatuloy pang lalo ang magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 3, 9, 12, 21, 42, 45. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Lumayo ka sa mga malulungkitin dahil baka mahawa ka. Hanapin mo ang may masayang personalidad dahil mula sa kanila makakahigop ka ng masabaw na suwerte at mas magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero  4, 13, 17, 26, 31, 40. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Bawal sa iyong manatili sa bahay lang. Lakwaksa ang hinihingi ng iyong pagkatao sa taong ito ng 2019. Sa bagay tama ka naman, dahil sa labas ng bahay, mas malaking halaga ang kikitain mo. Oo sa pakikipagusap kung kani-kanino, ang suwerte at magagandang kapalaran ay madadapuli mo na sa taong ito ng 2019.   Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 9, 20, 27, 34, 41. 00000000

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here