Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 9, 2018

1
493
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Disyembre 9, 2018,  Linggo  –  Sasanayin ka ng iyong kapalaran para mamuno at mamahala. Dahil taglay mo ang kakayahang mapaangat at mapaunlad ang anumang bagay o samahang pamumunuan mo. Kung ang iyong kasanayan sa pamamahala ay gagamitin mo sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan, yayaman ka ng ubod yaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Suwerte ka ngayon at patuloy pa ng patuloy na muling bumabalik ang iyong mga suwerte kaya muling mandidilat ang mga mata ng mga inggit sa ‘yo dahil sa bigo na naman sila sa kanilang panalangin na ikaw ay malungkot.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw para sa ‘yo na kung kailan ay sobrang liligaya ka sa mundo ng pakikipag-relasyon. Wag nang aksayahin pa ang bawat sandali sa ibang bagay dahil dapat ay kapiling mo ang iyong mahal. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Masyado kang natatangay ng iyong damdamin kaya naiisahan ka ng iyong mga kaibigan. Pahalagahan mo ang iyong mga pinaghirapan. Ito ang araw at ito ang panahon na kailangang ikaw ay maging masinop na masinop sa mga biyayang iyong natatanggap upang matiyak ang iyong pagyaman. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag mong intindihin ang intriga at mga paninira sa iyo. Dahil ang mga bagay na yan ang bumubuhay ng iyong dugo at nagdadagdag ng suwerte mo. Tunay ngang higit na mas magiging mapalad ka kung may pumapansin sa iyo kaysa sa nabubuhay ng tahimik at nag-iisa. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Pakikialam ka ngayon sa iyong pagdedesisyon ng isang taong pinahahalagahan mo dahil ayaw niyang mamali ka ng iyong mga pagpapasya. Mapapasunod ka niya, pero ikagagalit mo ito at ikatatampo. Ngunit sa dakong huli, matutuklasan mong tama pala siya, dahil sa pagsunod sa kanya, may mga suwerte at magandang kapalarang darating sa buhay mo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Walang masalimuot na suliranin na hindi mo kayang malutas dahil ikaw ay pinagkaloban ng talas ng isip at kakaibang talino na wala ang ibang tao. Kaya hindi lang ang saliri mong suliranin ang kaya mong lutasin pati na rin ang suliranin ng ibang mga tao, dahil dito gagantimpala ka ng suwerte at magandang kapalaran ng langit.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Hindi bagay at hindi rin hayop ang pampasuwerte mo ngayon dahil ang mismong mahal mo ay siyang magsisilbing iyong lucky charm. Yakapin mo siya at hagod-hagurin mong lagi ang kanyang ulo na parang aso na inaamo-amo. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Nagbabala ang araw na ito na hihina ang iyong resistensya kapag hindi mo hinaluan ng pagsasaya at paglilibang ang iyong trabaho. Kailangan lumabas ka at mamasyal. Puwede ring manood ng sine, mag-food trip o kaya’y mamasyal sa parke at iba pang masasayang lugar.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na sobrang suwerte ka na naman. Kaya anumang hilingin mo sa langit ay ibibigay sa iyo pero may kundisyon. Ang kundisyon lagi mong pasyalan ang mga kaibigan mong naghihirap at iyong abutan ng kahit na anong tulong  puwedeng pagkain, gamot at puwede ring cash.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) )  Iyo ang araw na ito. Hinhintay na ng langit ang iyong magiging kahilingan. Dahil sa ginawa mong kabutihan noong nagdaang mga araw, bibigyan ka ng prayoridad kaya kagyat ang mga hiling mo ay agad na matutupad. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw na ang mga suliranin mo ay magiging suwerte mo. Kaya wag ka ng malungkot, sa halip ay magsaya ka at humalakhak. Paparating na ang mga magagandang kapalaran nagkukubli sa maliit na problema na ikagugulat mo ang magiging resulta. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Wag kang magtataka kung tatalunin ng damdamin mo ang iyong isip. Ito ay dahil iiral ang likas mong maawain kaya matutulungan at dadamayan mo na naman ang isang taong hindi karapatdapat tulungan. Pero dahil sa ginawa mong iyan, nakikita ka ng nasa itaas, kaya ang langit ang gaganti sa ‘yo, pagkakalooban ka ng dagdag na suwerte at magagandang kapalarang hindi mo inaasahan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

 

1 COMMENT

  1. Good eve Poe sir !
    Ask koe Lang Poe Kung Anu Poe ibig sabihin ng panaginip ko,dalawang ahas Poe na Malaki na kulay green,pagkita koe SA isang ahas natakot akoe kea tumakbo ako tas nagulat ako may isa din poeng ahas na Malaki same color at size Lang ! Anu Poe ba Yun ! Salamat Poe! Sana masagut nio Poe Ang agam agam koe ! God bless Poe !

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here