Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 7, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 7, 2019,  Sabado  –  Makakaranas ka ngayon ng hiwaga ng kapalaran na nagsasabing sa mga sandali na nakadarama ka ng lungkot biglang mapapangiti ang iyong mga labi sa galak at ikaw ay biglang ring susuwertehin.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) ) Inaasahan ng iyong mga mahal sa buhay na bibigyan mo sila ng kasiyahan. Hindi sila dapat mabigo kaya ngayon pa lang ay paglaanan mo na ang mga bagay na gusto nila higit lalo ngayong panahon ng kapaskuhan. Habang pinaglalaanan mo ang mga mahal mo sa buhay, sa parte mo naman, magdaratingan ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Pakinggan mo ang mga suhestiyon ng iyong mga kaibigan. Sila ang magbibigay sa iyo ng dagdag na suwerte at magandang kapalaran. Wala sa isip nila na dayain ka. At sa panahong ito ng kapaskuhan, ang mga kaibigan ding ito ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagadang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ito ang araw upang iplano mo na at ihanda ang mga dadalhing gamit para sa isang malayuang paglalakbay. Sa malayong lugar wala kang dapat gawin kundi ang mag-relaks at mag-enjoy upang muling ma-recharge ang iyong galing at kakayahan. Kapag  na-recharge na ang iyong kaluluwa, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang tuloy-tuloy pang darating. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tunog sa iyong bulsa ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayon. Kaya dapat ay hindi ka mawalan ng barya sa iyong bulsa at wallet.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mabubuhay ka ngayon na tulad ng isang hari o isang reyna, kukuyakuyakoy na walang ginagawa, dahil ang mga tao sa iyong paligid ay lihim na tatanggap ng utos mula sa langit na ikaw ay paglingkuran. Habang may naglilingkod naman sa iyo, tuloy-tuloy na gaganda ang career at lalago ang kabuhayan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Huwag sayangin ang pagkakataon mong maging bahagi ng buhay ng mga kilala sa lipunan. Bihira ang nadidikit sa kanila. Samantalahin mo ang masuwerteng oportunindad na sumasa iyo ngayon. Magagamit mo yan, upang lalo pang umunlad at sumagana ang iyong pamumuhay. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Pasasayahin ka ng isang nilalang na ikaw ay sobrang sasaya. Bawal na magkaroon kayo ng malalimang relasyon dahil siya ay mapapalayo sa ‘yo ng mahabang panahon. At kung sakali mang makabuo ng isang relasyon ito ay sobrang magiging maligaya, ngunit ito ay panandalian lamang. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sumunod ka sa gusto ng iyong mahal kahit medyo hindi mo gusto dahil ayon sa iyong kapalaran siya ang magsisilbi mong pampasuwerte at pampasuwerte rin siya ng iyong pamilya lalo na sa salapi at sa materyal na bagay. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Wag ka ng magmukmok at malungkot dahil suwerte ka na ngayon. Kahit hindi ka kumilos, kikilos ang langit para sa iyo para bigyan ka ng makulay, masaya at maligayang kapaskuhan. Magpasalamat kang lagi, dahil sa bawat pagpapasalamat na iyong gagawin, ito ay may katumbas pang dagdag pang magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag kang patangay sa mga hindi nagpapahalaga sa kanilang kabuhayan. Ituloy mo ang pagtutok  sa pagpapaunlad ng iyong career at negosyo ito sadyang mapapasa iyo at noon pa ito sa iyo nakalaan. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Itabi mo ang iyong damdamin, kung baga wag mong pakinggan ang iyong puso . Isip ang paganahin mo ng sa gayon ay maayos ang iyong love life. At kapag naayos na ang iyong love life, kasunod nito ang pagdating ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa buhay mo. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag kang magmamdali dahil may kasabihan na ang nagmamadali ay nadarapa. Ibig sabihn pag-aralan mo muna ang pagkatao ng nagpapakita sa ‘yo ng pagmamahal at pag aralan mo rin muna ang lahat ng diskarte sa inaaturga mong proyekto, upang kapag iyong pinatupad, perfect na, magandang-maganda at walang kamali-mali. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SHARE
Previous articleHindi mo matuturuang magbasa ang isang bata at mas makakabuti ba ang pagpapanuod ng video dito?
Next articleChinese Horoscope; Disyembre 7
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here