Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 6, 2018

0
246
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Disyembre 6, 2018,  Huwebes  –  Bagamat papalamig na ang panahon, patuloy namang magiinit ang iyong mga hangarin. Oo magniningas ng husto ang hangarin mong umasenso nang umasenso hanggang sa maabot mo ang iyong mga ambisyon. At sa bandang huli hindi lang  ang ambisyon mo ang iyong maabot gagantimpalaan ka rin ng langit ng malaking pagyaman.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kakaibang lakas at kasiglahan na nakamamangha ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa araw na ito. Kaya anuman ang mga binabalak mong gawin ay tiyak na matatapos mo. Mananaig ka rin ngayon sa lahat ng kokontra at kakalaban sa ‘yo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Pansamantala lang naman ang problema mo. May mga pagkakataon talagang naaantala ang iyong suwerte, pero bukas-makalawa, magugulat ka pa, muli na namang papabor sa ‘yo ang magagandang kapalarang hindi mo inaasahan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Maganda ang pangako mo para sa iyong kinabukasan kaya lang ang hindi maganda sa ‘yo ay ang kapus na kapus ka sa pagkilos. Kumilos ka ng kumilos at sipagan mo pa, upang sa ganon paboran ka ng nasa itaas  at kapag pumabor sa iyo ang nasa itaas, siya mismo ang magbibigay sa ‘yo ng dagdag na suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Makipagkuwentuhan ka ngayon sa ilang malalapit sa ‘yo dahil mula sa kanila ay may makukuha kang pormula ng iyong tagumpay. Sundin mo ang mga ito ng letra-por-letra at makikita mo, ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan, tatanglahawan ka ng kakabiang liwanag ng mga bituin sa langit. Oo hindi lang isang bituin ang iyong magiging liwanag, kundi marami, na nagpapahiwatig din ito na maraming-maraming suwerte ang maguunaunahan ng darating sa iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 13, 19, 27, at 34.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Alisin mo ang iyong pagaalala na may kaugnayan sa iyong kinabukasan, dahil dapat na ang mag-alala para sa ay ang kapalaran. Sapagkat bago ka pa isinilang inilista na ang pangalan mo sa aklat ng mga masusuwerte at mapapalad, kaya may nakaayos ng pangyayari sa iyong kinabuakasan – ito ay ang ikaw ay yayaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Damdamin ang pinakamahigpit mong kalaban ngayon. Wag  kang masyadong maging emosyonal. Kapag pinairal mo na naman ang awa, muli kang magsisisi. Pairalin mo ang wisyo at ang suwerte at magandang kapalaran ay biglang  mapupunta  sa ‘yo.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Wag kang patatangay sa mga lungkot ng mga tao sa iyong paligid dahil ikaw ang kanilang pag-asa at sa ‘yo rin sila humuhugot ng lakas. Kaya ang kailangan ikaw ay laging matatag at masaya.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Limitahin mo pang lalo ang iyong mga pangarap, kung baga, unahin mo ang para sa ‘yo at wag nang isipin ang para sa iba nang sa gayon ay mapabilis ang iyong pag-unlad.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Suriin mo ang iyong sarili. Baka sumosobra na ang iyong tiwala at naiirita na sa iyo ang iyong mga kasama. Ito ang araw na kailangang magkuwanri kang mahina, upang hindi ka nila kainggitan. Sa bagay, kahit mainggit pa sila ng mainggit sa ‘yo at tanggkain ka nilanhg ibagsak, mangapapahiya sila dahil patuloy kang aangat at tataas ng taaas ng napakataas hanggang sa hindi ka na nila maabot. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw upang ibasura mo na ang mga taong naging sanhi ng iyong kalungkutan at maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Gawin mo ito nang sa gayon ay magkaroon ka ng mga bago at mas magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag mong panghinayangan ang mga nawala sa ‘yo. Sila dapat ang manghinayang dahil sa wala ka sa buhay nila. Magtatangka silang bumalik “pero ‘wag na!” Yan ang sabihin mo sa iyong sarili. Sa pagbabagong buhay na wala sila, mas madali mong maaakit ang swuerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here