Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 3, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 3, 2019,  Martes – Patatagain ng husto ng langit iyong buhay, kaya ang mga dahilan ng panghihina ng loob mo at mga pag-aalala ay magmamadali ng lumisan sa iyong harapan. Kaya magkakaroon ka na ng kapanatagan at ang kapanatagan na ito ang sasagap ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  9, 13, 21, 28, 39, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ikaw ang dapat manguna sa iyong mga kasama. Kapag pinangunahan mo sila at pinamunuan, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay ngayon papalapit na Kapaskuhan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 9,  27, 34, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Payag ngayon ang kapalaran na ikaw ay magdikta ng kung ano ang gusto mong mangyari. Puwede ka ring magdikta ng kung anong wish mo ngayong pasko. Kapag may hiniling ka, isa alang-alang mo dapat ang kaligayan ng iba. Kapag ganyan ka, mas marami pang biyaya at pagpapala ang darating sa iyong buhay. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 11, 21, 31, 35, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Higit sa inaasahan ang mapapasa kamay mo. Ibig sabihin ang ibibigay sa iyong suwerte ng langit ay mga biyayang ngayon mo lang matitikman. Ipamahagi mo ito sa iba, upang ang nasabing suwerte at mga biyaya ay lalo pang dumami ng dumami. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 5, 16,  27, 35, 38, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung ano ang gusto mo yon ang gawin mo. Hindi ka dapat mag alinlangan sa iyong kakayahan. Dahil kapag nabuo na ang iyong loob, ang suwerte at magandang kapalaran ay sunod-sunod ng ng magdaratingan. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 8, 10, 23, 26, 39, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi ka mawawalan ng mga taong laging handang sumunod sa iyong mga utos, dahil ikaw ay isinilang na mas mataas kaysa sa mga pangkaraniwang tao, kaya naman ang suwerte mo at magandang kapalaran ay mas mataas din kaysa sa iba. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  6, 12, 19,  37,  39, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Susuwertehin ka ngayon,  sa kahit na anong larangan, pero may kondisyon na nagsasabing ngayong kapaskuhan, tumulong ka sa isang taong hirap na hirap ang pamumuhay at halos walang pambili ng damit at pang handa sa darating na kapaskuhan. Kapag ganyan ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay aapaw sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  8,  22, 38, 40, 44.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Gandahan mo ang iyong paraan ng pamumuno sa mga tauhan. Kapag napalapit ang loob nila sa iyo ay tatanggap ka ng mga grasya at maraming mga suwerte na magmumula mismo sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 9, 27,  33, 38, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Bawal sa iyo ngayon ang magalit, dahil ang mas marami pang mga suwerte ay darapo sa iyo sa mga sandaling payapa ang iyong kalooban at sa mga sandali na masaya ka. Kaya alam mo na ngayon ang gagawin mo? Alam mo na ba? Magsaya ka! Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 4, 17, 25, 35, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay hahangaan ng iyong mga makakausap. Pero ikaw mismo ay nakakaalam na hindi mo kayang sundin ang mga ito. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 13, 25, 32, 34, 44.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwag kang mag-alinlangan sundin mo ang iyong mga paa. Dahil ang iyong mga paa, ang tunay na nakakalaam kung saan mo matatagpuan ang iyong ikauunlad at ang iyong ikaliligaya. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 4, 25, 32, 41, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Katahimikan ng puso ang kailangan mo ngayon. Kapag payapa ang iyong isip at kapmpante ang iyong damdamin, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang maguunahang dumapo sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 7, 14,  24, 36, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Papatagin ng langit ang lahat ng mga bako-bakong daan na iyong lalakaran. Kasabay nito, parang winalis, mawawala na rin isa-isa ang iyong mga problema at suliranin sa buhay. Nangangahulugang sa susunod na mga araw, kikinis na uli ang daan ng iyong paglago at malalaking tagumpay. Masuwerteng numero 11, 18, 24, 31, 32, 44

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here