Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Disyembre 1, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Disyembre 1, 2020, Martes  – Malayong-malayo ang iyong mararating ibig sabihin magiging matagumpay ang buha mo. Ito rin ay nagsasabing makararating ka sa malalayong mga lugar. Mapalad na kulay ang yellow.  Masuwerteng numero 6, 10. 19, 25, 28, 32.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi mo ba alam, ubod ng husay at ubod ng galing mo at ang totoo pa nga nito, walang matayog na ambisyon sa ‘yo kapag ginusto mong makamit. Simulan mo na ngayon at siguradong makakamit at mararating mo ang anumang matayog na layunin o ambisyon na iyong pinapangarap. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 18, 27, 33, 40, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Bakit ka naniniwala sa mga nariinig mo? Oo, mas maganda kung hindi ka agad maniniwala sa mga pinagsasabi ng mga nasa paligid mo. Mas mabuti na ikaw mismo ang makakita at makaranas at pagkatapos mong ranasin, magplano kang mabuti ng sa gayon ay hinid ka mamali ng pagdedesisyon. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  5, 16, 21, 27, 34, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung hindi ka magpapakita ng malakas na pagkontra sa halip ay sasangaayon ka lang, sa panahong ito ng kapaskuhan, dadalhin ka ng iyong tadahana sa isang lugar kung saan ka uunlad, at magiging maligaya.  Mapalad na kulay ang silver.  Masuwerteng numero 1, 5, 14, 24, 27, 32.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ngayong panahong ito ng Disyembre at malapit ng magpasko, mula sa malayo magmumula ang mga alalay at tulong na iyong kinakailangan sa ngayon na sasagot sa magagaang at mabibigat mong mga suliranin. Mapalad na kulay ang tangerine.  Masuwerteng numero 7, 13, 16, 25, 34, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ito ang araw na muling magbabalik ang mga suwerte mo kaya sa panahong ito ng kapaskuhan, ang lahat ay sasaya maliban lang sa mga taong lihim na naiinggit sa iyo.  Ibahagi mo ang iyong mga suwerte sa mga taong tunay na malalapit sa buhay mo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7, 14, 22, 28, 37, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sapat ang lakas ng loob na nasa sa iyong pagkatao kaya lang naaapektuhan ka ng mga negatibong pananaw ng mga taong nakapaligid sa iyo. Wag mo silang pansinin, tuloy-tuloy mo lang gawin ang iyong mga balak at mga plano mo, malapit na malapit ka ng manaig at magatgumpay. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero  1, 7, 10, 19, 25, 28.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Maiinis ka ngayon dahil sa tingin mo ay sobrang mababagal ang mga tao sa iyong paligid dahil noon paman mas gusto mong mas mabilis na matapos ang mga bagay. Pabayaan mo na lang sila, habang sa sarili mo, ituloy mo ang iyong ginagawa at lalo mo pang pagbutihin, upang tuloy-tuloy ka ng umunlad hanggang sa yumaman.  Mapalad na kulay ang white. Muwerteng numero 6, 12, 24, 25, 27, 33.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Huwag mong pakinggan ang ibang tao sa kung ano ang dapat mong gawing career, inegosyo o karerahin. Higit na magtatagumpay ka at magiging maligaya kapag ang hilig mo ang iyong susundin, at dapat lang na simulan mo na ngayon. Mapalad  ang kulay na red. Masuwerteng numero 9, 10, 19, 27, 38, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Malalaki at sobrang marami ang mga pangarap mo. Isa lang sa mga ito ay sapat na para yumaman ka ng sobra. Kaya wag mo ng pangarapin ang mga bagay na malayo sa katotohanan at imposibleng mangyari. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero  3, 9, 12, 24, 36, 43.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa panahong ito ng kapaskuhan, huwag mong pahirapan ang mga taong nakapaligid sa iyo, ganon din naman wag mong pahirapan ang sarili mo. Dahil sa bandang huli magugulat ka pa at mamamangha sa mga mangyayari. Sapagkat ang mangyayari, makukuha mo ang anumang ginugusto at inaasam-sama mo, dahil ang lahat ng ito ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 8, 13, 22, 27, 31.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Matatangay ka ngayon ng iyong emosyon. Sa huli, sasabihin mo sa iyong sarili kung bakit ba hindi gumana ang isip mo? Magkagayon paman hindi naman mababago ang nakatakda magiging pabor pa rin sa iyo ang sitwasyon, hindi mo rin aakalaing sa iyong pagkamamali mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 4,  13, 15, 19, 37, 45

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa buong buwang ito ng Disyembre ikaw ngayon ang kakapusin dahil sa pagtulong mo sa iyong kapwa. Magkagayuman, magiging masarap ang iyong pakiramdam, dahil nakagawa ka na naman ng isang kabutihan. Dahil sa kabutihang ito, bubuksan ng langit para sa iyo ang pintuan ng grasya at huhulugan ka ng ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran na magsisimula ng magdatingan sa buwang ito ng Disyembre. Mapalad ang kulay na lavander. Masuwerteng numero  2, 7, 16, 23, 25, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here