Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 1, 2018

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Disyembre 1, 2018,  Sabado  –  Dahil malapit na ang Pasko, susuwertehin ka ngayon at ang mga suwerte mo ay manggagaling sa malalayong lugar. Buenas ka rin sa mga taong malalapit sa puso mo na lagi mong pinagpapasensyahan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 10, 22, 31, 40, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Huwag na huwag kang mabibigla sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan sa magandang balita na darating sa iyo, kung saan, kung ano ang kahilingan mo sa langit yon  mismo ang mangyayari at matutupad. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 36, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Patatagin mo ang iyong magandang kalagayan ngayon. Ibig sabihin pakisamahan mo ang lahat ng taong nakapaligid sa iyo na nakatutulong sa iyong pinansyal at materyal na pangangailangan. Wag na waga mo silang bibigyan ng sama ng loob, dahil habang pinapakisamahan mo sila marami pang suwerte at magandang kapalarang kang matatanggap sa kanila. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  14, 25,  28, 32, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Pagpapatansya ang iyong pinakamahigpit na kalaban ngayon. Wag mong kalilimutang para magtagumpay at umunlad, kailangan ang kilos at aksyon. Umaksyon ka at kumilos, kapag ganyan ka ang suwerte at magandang kapalaran ay magsisimula na ring kumilos patungo sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 2,  20, 25, 34, 39, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag magpatangay sa iyong emosyon. Ang pag-alis sa kasalukuyang trabaho ay hindi inirerekomenda para sa iyo. Mas mabuti na manatili ka muna hanggang sa may malipatan kang mas maganda at mas malaki ang suweldo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3,  15, 24,  33, 36, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kabilang ka sa iilan na may mayamang imahinasyon. At kung ang malikhain mong ideya ay lalakipan mo ng aksyon, sa taong papasok sa 2019 magsisimula ka ng umunlad hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  1, 7, 13, 16,  37, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bibigyan ka ngayon ng kalayaan ng langit. Tulad ng isang ibon, malilipad mo ang kalawakan ng walang sagabal. Ibig sabihin hindi ka hahadlangan sa mga plano mo kaya ngayon ang masuwerteng araw upang gawin ang mga unang hakbang upang ikaw ay yumaman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 17, 29,  31,  42, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ikaw ang panggagalingan ng lahat ng uri ng suwerte, pero kapag hindi mo ito iningatan, mawawala ang iyong suwerte pero silang mga taong iyong pinagbigyan ay mapapanatili nila ang magaganda nilang kapalaran na nagmula sa iyo. Ano ngayon ang dapat mong gawin? Ingatan mo at mahalin ang anumang suwerte na mahahawakan mo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mahihirap lalo na sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 33, 41, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Panahon na upang ikaw ay makatulong sa iba, kung saan, kahit hindi mo gusto ang iyong maririnig, wag mong basta-basta tatalikuran ang iyong kausap dahil kailangan ka niya sa mga araw na ito na siya ay sobrang problemado at malapit na ang pasko ay wala pa rin siyang nahahawakang malaking halaga ng salapi. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 1, 10, 19, 32, 38, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Napakabilis ng panahon at mga kaganapan sa iyong kapalaran dahil  sobrang bilis ka ring magpasya. Kaya ang suwerte at magandang kapalaran ay sobrang bilis ding darating at aalis sa iyong karanasan. Ngunit kahit umalis ang ilang magagandang kapalaran, mananatili pa rin ang mga bulto at malalaking suwerte sa iyong karanasan lalo na pagpasok ng taong 2019. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 9, 14, 27, 34, 37, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kapag sumobra ang taas ng punong kawayan, walang duda, siya ay yuyukod at mababali na. Tama ang kinagawa mong pagpapakumbaba at wag kang maging mapagmataas ng labis ng sa ganon ay manatili kang naka-angat kaysa sa iba. Ngayong kapaskuhan nilaynilayin mong si Jesus ay hindi isinilang sa marangyang tahanan, kundi sa sabsaban. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 9, 12, 24, 36, 41, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hinihintay ka ng isang may gusto sa iyo. Nagdadalawang isip ka! Takot kang pumasok sa malalimang pakikipagrelasyon. May basehan ang takot mo dahil pupuwedeng ang relasyon ito ay lumawig ng lumawig hanggang sa ikaw ay mapalautan.  Subalit alalahanin mo rin namang malungkot ang pasko kung walang nagmamahal sa iyo at kung wala ka rin namang minamahal. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  5, 23, 29, 31, 34, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Tama ang priyoridad mo ngayon ay ang iyong pamilya. At ayos lang na pahalagahan mo pa itong lalo, dahil ang totoong kaligayahan ay ang buo, sama-sama at masayang pamilya.  Kaya ngayong papalapit na ng papalapit ang kapaskuhan anuman ang pagkakamali ng mga mahal mo sa buhay ay dapat lang na unawain mo silang lagi at pagpasensyahan. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  3, 18, 24, 33, 42, 45.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here