Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 9, 2020

2842
Horoscope wheel chart

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na nasa mataas na level ang iyong pagkatao.  Gumawa ka ng kabutihan. Ilihim mo ang ginawa mong pagtulong. At kahit na ito ay lihim, may nanonood sa iyo. Ang langit ang na nanonood sa ginawa mo, kaya’t gagantimpalaan ka ng sobrang laki at bonggang-bonggga, mangyayari at magsisimula na ngayon sa buwan ng Agotos. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 3, 6, 20, 34, 42, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Mahal ka ng langit kaya dapat mahalin mo rin siya. Sa araw na ito umiisip ka ng isang bagay na kakaiba para makatulong ka ng lihim sa mga kapos-palad at sa mga biktima ng Covod 19 sa inyong lugra. Naka isip ka na ba? Gawin mo na agad, habang papalapit na ng papalapit ang tag-ulan. May malaking gantimpala ang langit na sa iyo ay nakalaan.  Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 15, 18, 27, 29, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Pinalalagpas mo ang pagkakataon na lalo pang magiging masaya ang buhay mo dahil natatakot ka at naduduwag.  Ganon paman, mahal ka pa rin ng langit, dahil kahit na may alinlangan sa iyong puso, gagantimpalaan ka pa rin ng suwerte at magagandang kapalaran, basta’t wag ka lang maiinip. Mapalad na kulay ang metallic blue. Masuwerteng numero 5, 13, 23, 34, 41, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dumating na uli ang araw na ang mga pangarap mo ay madali  mo ng maaabot at ito ay magsisimula na ngayon. Ngunit dapat may pangarap ka. Ano ba talaga ang pangarap mo? Dapat alam mo kung ano? Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero1, 2, 7, 28, 33, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nananariwa ang mga bulaklak dahil sa hamog na nagmumula sa langit. Ngayon ang araw na ikaw din ay mananariwa, dahil sa hamog na ididilig sa iyo ng  isang taong tinatangi-tangi mo. Mapupuno ng mga hugis pusong emoticon ang imahinasyon mo sa buong maghapon at sa mga araw pang darating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 4, 19, 25, 34, 35.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ngayon ang araw upang ibulalas mo ang laman ng iyong puso. Sa isang tahimik na lugar  ibulong mo ang lahat ng laman ng iyong damdamin at ang mga kinikimkim mong saloobin. Matapos mong magawa iyan, gagaang ang pakiramdam mo. Sa magaang na pakiramdam, papasok ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 5, 25, 29, 36, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Abot-tanaw mo na ang tagumpay. Pero hindi naman puwedeng tanaw ka lang ng tanaw. Ituloy mo ang ginagawa mong mga pagsisikap at pag-iipon. Hindi rin kasi puwedeng kumikita ka lang, dapat may ipon ka. Oo ngayon na ang araw upang mag-savings. Mapalad na kulay ang carnation pink. Masuwerteng numero 6, 17, 21, 30, 37, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Pansinin mo ang iba.  Pinaglalaban nila kahit na mali. Ikaw ay dapat ding lumaban. Ipaglaban mo ang karapatan mo at dahil ikaw ay nasa tama, tiyak na magwawagi ka. Sa iyong pagwawagi gagantimpalaan ka ng langit ng dagdag na suwerte at ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 3, 6, 15, 18, 27, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ang bubuyog ay masaya na sa kakaunting nektar na nasisimsim sa mga bulaklak. Ganon din ang gawin mo sa araw na ito. Hindi mo dapat pagkaitan ang iyong sarili na sumaya kahit na sa maliit na bagay lamang. Kapag sumaya ka, kikislap ang liwanag. Ang liwanag ng saya na ito ang maghahatid ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 3, 19, 21, 36, 42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hinahanap mo ang isang bagay na hindi mo alam kung ano. Inaakala mong hindi pa siya ang talagang para sa iyo. Wag ka ng maghanap ng mag-hanap. Dahil ang “hindi nakukuntento ay mawawala pa, habang ang nasisiyahan na sa kasalukuyang hawak ay madaragdagan pa ng madaragdagan.”  Mapalad na kulay ang  maroon. Masuwerteng numero 7, 18, 27, 34, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung ano-ano ang ginagawa mo na hindi mo napapansin na hindi naman para sa iyo kundi para sa ibang tao? Sa maghapon mong nagdaan, may kaugnayan ba sa pamilya at sa sarili mo ang inatupag mo?  Ngayon ang araw na nilaan sa iyo ng langit upang paligayahin mo ang sarili mo – gawin mo na ngayon! Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 29, 31, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hugutin mo na, ang lakas ng loob na matagal mo nang kinikimkim sa iyong puso.  Anuman ang iniisip mo at binabalak, ipatupad mo na ngayon. Hindi ka masasawi. Sapagkat ito ang tanging araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang malaking tagumpay na may kaakibat na suwerte at magandang kapalaran na ngayon mo lang makakamit sa tanang buhay mo.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero ang 2, 9, 19, 24, 27, 42. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here