Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 8, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto  8, 2020,  Sabado – Kapag nag-utos ka agad na natutupad. Sa pautos na tinig, utusan mo ngayon ang langit. ‘Wag kang matakot. Makikita mo, anuman ang iutos mo sa langit ay masusunod. Ingatan mo lamang ang iyong iuutos at siguraduhing mabuti at matuwid ang bibigkasin ng iyong bibig. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 7, 16, 28, 35, 37, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ginto ang magiging kulay ng langit sa araw na ito. Ibig sabihin darating na ang suwerte na matagal mo ng hinihintay. Hindi mo dapat na ubisin ang magagandang kapalarang dumarating. Kailangang matututo kang magsinop ng kabuhayan. At sa sandaling nakita ng langit na pinahahalagahan mo ang mga bagay na iyong natatangap, mas marami pang biyaya ang ipagkakaloob sa iyo sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang lavander. Masuwerteng numero 9, 15, 24, 33, 39, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Parang lampara ni Aladin ang mangyayari. Habang nagkukoskos at nakakalikot ka ng mga gawaing bahay, uusok ang iyong paligid, bigla kang may maiisip na ideya o kahilingan na gusto mong mangyari. Kusa naman itong matutupad bago matapos ang taong ito ng 2020 at bago matapos ang pandemiya ng Covid 19, may dagdag pang malaking bonus ang kapalaran na hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 3, 6, 21, 24, 27, 39.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Sabay na darapo sa iyo ang maliit at malaking suwerte. Ang una ay saglit lang at mawawala din na halos hindi mo mapapansin. Ngunit ang ikalawa ang mananatili sa iyo habang buhay. Mapalad na kulay ang royal blue. Masuwerteng numero 5, 13, 23, 35, 41, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) May dalawang klase ng dilim. Ang dilim na nagsisimula paglubog ng araw. At ang dilim na nagaganap bago sumikat ang araw. Madilim ba ang buhay mo ngayon? Wag kang mag-alala, dahil ang dilim na kumukubabaw sa iyo ngayon ay ang dilim ng madaling araw. Magalak ka at magsaya! Maya-maya lang ipupukol na sa silangan ang liwanag ng araw na may hatid ng bagong suwerte at magaganang kapalaran. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 10, 19, 31, 37.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Tama ka, ano ba ang gagawin mo sa pera? Hindi naman ito mdadala sa langit? Pero tama din naman sila, medyo nagiging magastos ka nitong nagdaang mga araw. Umaangal sila ng palihim dahil hindi mo sila naaambunan. Sa muli mong pamimili, uwian mong lahat ang mga taong dadatnan mo sa inyong bahay. Mapalad na kulay ang oranger. Masuwerteng numero 1, 14, 29, 31, 34, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sabay na darapo sa iyo ang maliit at malaking suwerte. Ang una ay saglit lang at mawawala din na halos hindi mo mapapansin. Ngunit ang ikalawa ang mananatili sa iyo habang buhay. Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 4, 10, 19, 35, 37, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Lilitaw ang pagiging mahiyain mo. Pero sandali lang ito at mawawala din. Sapagkat ang magiging papel mo ngayon sa mundo ay ang pasiyahin ang isang taong nalulungkot. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 20, 18, 22, 35, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Malalantad ang lihim mong katangian na ikaw pala ay isang alagad ng sining. Mula ngayon linangin mo pang lalo ang pambihira mong talento. D’yan ka sisikat, d’yan ka makikilala at d’yan ka yayaman. Mag-ingat sa mga LGBTQ+ dahil sila ang unang maaakit mo at sila rin ay magiging bahagi ng buong buhay mo. Mapalad ang kulay na black and red.  Masuwerteng numero 6, 9, 21, 27, 30, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Munting problema ang ihaharang sa harapan mo ng langit. Sa una kakabahan ka, pero ang totoo, kusa itong malulutas at sa sandaling nasolusyunan ang  maliliit na problemang ito na akala mo ay malaki, ang kasunod agad-agad nito ay dambuhalang agos ng malakas at mas maraming pang mga suwerte. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero ang 1, 4, 27, 39, 41, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Maglalaho at kukupas ang lahat ng bagay, ngunit may isang mananatili. Ito ay ang tibay ng iyong kalooban  na dahil hindi ka sumusuko, bubukal ang maraming suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mga suwerteng marami talaga at sobrang malaki.  Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 4, 8, 19, 23, 34,  45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Medyo tinatamad ka nitong mga nagdaang araw. Hindi tuloy malaman ng langit kung likas ka talagang tamad o nakakatamad lang talaga ang panahon. Anu’t-anuman ang katotohanan, sa buong buwang ito ng Agosto, kumilos kaman o hindi, darating naman talaga sa iyo ang maraming suwerte. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 17, 19, 25, 38, 49.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ngayon ka pa ba titigil at pang hihinaan ng loob? Ngayong nakikita mo ng unti-unti ng lumalaki ang bunga ng iyong pinaghirapan. Makatuwiran lamang na anuman ang problema, magpatuloy ka ng magpatuloy. Malalagpasan mong lahat iyan tungo sa nalalapit na mas malaking taugmpay at ligaya. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 4, 7, 25, 34, 44, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here