Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 6, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto  6, 2020,  Huwebes – May nag-aabang sa iyo upang tambangan ka saan ka man dumaan. Hindi mo siya maiiwasan. Likas kasi sa iyo ang pagiging mabuti at matulungin. Kaya naman oras mo na ngayon, wala kang magagawa kundi tanggapin ng tanggapin ang malalaking suwerteng tatambang sa iyo at bigla na lang kukubabaw sa iyong pagkatao. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 3, 15, 21, 27, 39, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magpapatuloy ang pagganda ng kapalaran mo at sa susunod na mga araw paganda pa ng paganda. Panatiliin mo ang kababaang loob, dahil kaya ka pinagpapala ng langit ay dahil sa katangian mong ito. Mapalad na kulay ang lavander. Masuwerteng numero 3, 9, 21, 36, 39, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Masyado kang matagal mag-plano na humahadlang sa sana ay mabilis mong pag-asenso. Hindi ka dapat matakot sa kabiguan. Kung talagang buo ang loob mo at ikaw ay talagang pursigido – magpatuloy ka! Dumating na ang takdang araw na ang bawat hakbang mo ay papatnubayan ng langit, kaya naman ang lahat ng gusto mo ay isa-isa ng matutupad at magkakatotoo. Mapalad na kulay ang royal blue. Masuwerteng numero 6, 12, 26, 33, 41, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi ka dapat malibang. Tumatanda ka na. Dapat mo ring malaman na ang tukso ay hindi lamang sa pagkagusto, kundi tinutukso rin ang mga tao sa mga walang kuwentang gawain. Kung ganon, alam mo na ba ang gagawin mo? Wag kang patukso sa mga walang kabuluhan at walang kuwentang Gawain. Mapalad na kulay ang metallic blue. Masuwerteng numero 5, 14,  23, 31, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka dapat maduwag. Ngayon pa, na naririyan ka na. Magbalik tanaw ka sa mga araw na walang-wala at bigong-bigo ka. Upang pahalagahan mo ang kasalukuyan mong hawak. Ito ang araw upang doblehin mo pang lalo ang lahat ng biyaya na ipinagkaloob sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 7, 13, 16, 25, 34, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huhusgahan ka ngayon ng kapalaran. Ang magandang balita, nakahihigit ka sa mga karibal mo. Dahil mas lamang ka sa kanila, mas malaking premyo ang matatanggap mo. May magandang kapalaran ding inilaan sa iba, ngunit higit na mas marami at mas bonggang-bonggang suwerteng ipagkakaloob sa  iyo ng langit sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 4, 10, 19, 34, 43, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magpapatuloy ang masasayang araw mo. May sisingit na hindi mo ikatutuwa pero panandalian lang at muli ka na namang mabubuhay sa kaligayahan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 5, 7, 19, 23, 27, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Hindi sinsadyang magkakaroon sa iyo ng pagtingin ang isang malungkot ang buhay. Sasaya siya tuwing kasama ka at makita ka lang. Aalukin ka niyang magsimula ng isang pagkakakitaan. Kung itoy tatanggihan mo may iba pa siyang iaalok sa iyo. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 9, 18, 23, 39, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Lumalakas na naman ang iyong karisma na tulad ng isang mabagsik na gayuma. Ibig sabihin hahangaan ka. Maaakit sila sa iyo. At bukod sa hahanggan ka at maaakit sila sa iyo, mamahalin ka, at hindi ka lang mamahalin, hahanap-hanapin ka pa ng sinumang makaka-amoy sa iyo  at ng sinumang makaka-relasyon mo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 6, 18, 27, 33, 45. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Oo makukuha mo ang gusto mo. Pero parang may kulang. Isa lang ang kulang, maglaan ka ng konting cash o kaya ay gift ngayon panahon ng pandemiya sa mga taong malalapit sa puso mo, tulad ng iyong mga kamag anak at mga kaibigan. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 17, 21, 24, 39, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi masamang magsipag, pero dapat na ingatan mo rin ang iyong kalusugan. Sa panahong ito ng pandemiya, umiwas ka muna sa pagpupuyat. Dagdag na ehersisyo ang dapat at regular na magtake ng vitamins. Sa ganyang paraan, kapag malusog at masigla ang iyong pangangatawan, makikita mo, sunod-sunod ang dating ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 16, 22, 31, 39, at 40.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Akala ng iba, bigo ka at malungkot dahil hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pero nagkakamali sila. Ang hindi nila alam, mas malaki sa inaasahan mo ang suwerteng malapit na malapit ng dumating sa iyo. Sa sandaling dumating na ang magandang kapalarang ito, tipirin mo upang magtagal sa iyong mga kamay. Mapalad ang kulay na mint green. Masuwerteng numero 4, 13, 19, 25, 28, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Susuwertehin ka ngayon at magugulat ka pa dahil nga sinusuwerte ka. Pero may kundisyon, tulungan mo sa abot ng iyong makakaya, ang isang kakilala mo na alam mo namang walang-wala. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero  7, 13, 23, 22, 44, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here