Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 5, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto  5, 2020,  Miyerkoles – Ngingiti ang suwerte sa iyo. Maraming mga pangyayaring papabor sa iyong kagustuhan. Upang lalo pang magtuloy-tuloy ang pagdating ng suwerte iwasan mong magsungit at sumimangot. Dahil kapag lagi kang simangot at masungit, sisimangutan at pagsusungitan ka rin ng kapalaran.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 5, 13, 23, 38, 41, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kung sa iba bingi ang langit at hindi naririnig ang kanilang panalangin, sa iyo ay kakaiba,  ikaw ay hindi kailan man pagdaramutan ng langit. Anuman ang bagay na kakailanganin mo sa buhay ay ipagkakaloob, kaya marami ang lihim na maiingit  sa iyo. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 37, 42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Akala ng iba, malungkot ka at bigo dahil hindi mo nakuha ang iyong gusto. Ang hindi nila alam, mas malaki sa gusto mo ang suwerteng paparating na sa iyo ngayong nalalapit na ang buwan ng Setyembre. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 12,  27, 30, 39, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi matatawaran ang talas ng iyong isipan. Tulad ngayon, masosolusyunan mo ang suliranin ng isang kaibigan. Tatanawin niyang malaking utang na loob ang napakaganda mong advice na ipinagkaloob sa kanya.  Mapalad na kulay ang royal blue. Masuwerteng numero 5, 8, 14, 18, 31, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag ang puso ay nagmamahal kusang gumaganda ang kapalaran. Marunong ka bang magmahal? Dapat marunong ka! Ipadama mo na ngayon ang iyong pagmamahal sa mga taong nakapaligid sa iyo. Kapag nagawa mo ito kusa ka ng susuwertehin at lalo pang gaganda ang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 27, 42, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Wag mong hanapin ang wala sa tabi mo, dahil hindi iyon darating. Magsaya ka ngayon kung sino ang nakakasama mo, dahil siya ang tunay na  nagmamlasakit at nagmamahal sa iyo.  Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 17, 25,  32, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ipinanganak ka ng may kakaibang galing sa pagsasalita. Ang totoo nga nito, napakasarap mong kausap. Hahanap-hapin ka ng sinumang iyong makakakuwentuhan.  Kaya dapat lang may produkto o bagay kang ibinebenta, dahil hindi nila magagawang tanggihan ang anumang bagay na iyong iaalok.  Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 2, 14, 27, 32, 41, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Ituring mong ito na ang huling araw. Magpakasipag ka. Gawin mong lahat ang magagawa mo. Hagkan mo ng may init ng halik ang mga mahal mo sa buhay. At kapag hindi pa ito ang naging kahuli-hulihang araw, mamayang gabi bago matulog, lumuhod ka at magpasalamat sa Diyos. Mapalad na kulay ang carnation pink. Masuwerteng numero 6, 15, 22, 33, 42, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Sa umpisa ay aakalain mong mahirap. Pero kapag nasimulan na, tuloy-tuloy at masarap na pala. Hanggang sa makamit mo ang matamis na bunga ng tagumpay na may kasamang mga pagpapapala  na iyong pinaghirapan. Mapalad ang kulay na old rose. Masuwerteng numero 4, 16, 25, 34, 38, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Wag mo nang pilitin ang umaayaw, dahil sa bandang huli, kapag nakita nilang tagumpay ka, magsisisi sila kung bakit ba inayawan nila ang alok mo. Pero huli na ang lahat, dahil sa panahong iyon, hindi mo na kailangan ang pagsang-ayon nila.  Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero 4, 9, 22, 34, 41, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ikaw na naman ang masusunod. Pero alalahanin mong hindi mahalaga na ikaw lagi ang nasusunod. Sa halip ang importante ay hindi siya mawala sa buhay mo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 9, 19, 22, 31, 42. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wag mong kayanin ang mga bagay na hindi mo kaya. At wag mo ring gawin ang mga bagay na hindi mo naman magagawa. Sa araw na ito tutulungan ka ng langit, siya ang kakaya sa mga bagay na hindi mo kaya at siya rin ang taatapos sa mga gawaing matagal na rin namang na nabinbin.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 1, 4, 19, 28, 38, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kung sino ang magpapakita ng tapang, siya ang higit na makikinabang. Kaya pansamantala, itago mo muna ang kaduwagan mo, at ang mahalaga ngayon ay tumapang ka.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 5, 22, 28, 34, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here