Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 26, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 26, 2019, Lunes  –  Talo mo ang kahit na sino ngayon, dahil ikaw ang magwawagi at ang mismong langit ang makakakampi mo, kaya ang nagsasabing mas suwerte sila sa iyo ay magugulat, at hindi makapaniwalang mas magaling ka at mas marami kang suwerte sa kanila na matatanggap at magsisimula na ngayon. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 17, 27, 29, 37, 41.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Wag mong sayangin ang mga matatalino at magagaling na taong nakakahalubilo mo.  Kumuha ka ng magagandang aral sa kanilang buhay at sa kanilang mga sinasabi. Magagamit mo ito para lalo ka pang suwertehin at magkaroon ng maligayang pamumuhay.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 28, 34, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Magdadalawang isip ka sa ngayon. Pero sa pagdadalawang isip matsa-tsambahan mo ang pinakamagandang desisyon na magdadala sa ‘yo ng suwerte at magandang kapalaran. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 18, 21, 37, 40, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Magiging mahiwaga ang tinig mo ngayon. Ikaw ang tinig na sumisigaw sa ilang, ngunit imbis na magbingibingihan ang makaririnis sa iyo, sila ay maakit mo.  Kaya hindi ka dapat tumahimik. Susuwertehin ka habang ikaw ay patuloy na nagsasalita. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 8, 17, 22, 31, 40, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hahanguin ka ng langit sa pangit na kalagayan, dahil hindi bagay sa iyo ang dumanas ng kahirapan. Ilalagay ka sa suwerteng kalagayan, dahil ang suwerte ang likas sa iyong kapalaran, lalo na kung lagi kang magbibilad sa araw sa sandaling nahawi na ang ulap at ang tag-ulan.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  4, 11,  19, 25, 31, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Habang ang marami ay nagbabalak na manatili sa bahay, ikaw naman ay nagiisip kung saan ka mamamasyal. Saan ka man makarating wag mong kalilimutang manalangin at laging magpasalamat sa mga biyayang iyong natatanggap. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 3, 18, 25, 33, 38, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Pasan mo ang suwerte pero kailangan mo itong ipamahagi sa iba, upang gumaang ang iyong pasanin sa buhay. Sa sandaling naipamahagi mo ang bulto-bultong suwerte na nasa iyong balikat, makakaramdam ka ng masarap na pakiramdam, na magduduyan sa iyo sa isang hindi mailarawang labis na kaligayahan. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 1, 19, 26, 31, 40, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Malakas ka ngayon dahil ang malalakas ay iyong mabibihag. Habang nabibihag mo ang malalakas at makapangyarihan, sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang  maroon.  Masuwerteng numero 7, 10, 19, 28, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Maraming humahanga sa iyo ngayon at nagnanais na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Sila ang mga taong dating lihim na nanira at naghahangad ng iyong kapahamakan. Pero sa ngayon “sorry na lang sila”, hindi sila makakatikim ng masarap na mantikang pinagpapasasaan mo sa ngayon. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 8, 18, 21, 33, 39, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi makasisingit sa iyo ang kalungkutan ngayon, dahil sa isang palakuwentong makakausap mo.  Hahanap-hanapin mo siya, dahil maiisip mong siya pala ang taong kailangan mong makausap lagi na mapaghihingahan ng lahat ng sama ng loob mo. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 8, 14, 19, 23, 31.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Saya at ligaya ang mapapala ng sa ‘yo ay laging sumasama. Kung baga sa piling mo ay walang lungkot at dusa. Pero mahirap paniwalaan, ikaw mismo ay may lungkot sa iyong kalooban. Parang  “the wounded healer”  ang buhay mo –  ikaw na nakapag-papagaling, may sakit ka rin na hindi mo magamot-gamot. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 25, 31, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nasa harapan mo ngayon ang suwerte. Pero puwedeng hindi mapasaiyo dahil ang ibinubulong ng puso mo ay iba kaysa sa nasa harapan mo. Kailangan mong pumikit sandali at magnilay, tanungin mo ang sarili mo: “Ano ba talaga ang gusto ko at inaasam-asam ko?” Kapag may sinabi at sinagot ang sarili mo, ang suwreteng nasa harapan mo ay tuluyan ng papasok sa buhay mo. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 9, 15, 27, 33, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Bihirang matupad ang ipinapangako sa isang tao, pero ang ipinapangako ng langit ay matutupad na sa iyo. Dininig na ng nasa itaas ang iyong dalangin. Lahat ng bagay na noon mo pa pinapangarap  ay isa-isa ng magdaratingan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 13, 25, 28, 31, 43.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here