Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 25, 2019

0
690
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 25, 2019, Linggo  –  Hindi ka pagdaramutan ng kapalaran, sa halip ngayong araw na ito magiging galante sa iyo ang langit. Hindi mabilang na suwerte at magagandang pangyayari ang darating sa iyong buhay na dapat mong ipagpasalamat sa nasa itaas sa pamamagitan ng pamumudmod ng iyong handa sa mga kapit bahay at kasamahan sa trabaho. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 7, 10, 13, 22,  28, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Aangat ka sa ngayon kaya lang madaragdagan ang iyong responsabilidad. Kahit na marami kang responsabilidad, unahin  ang personal mong saya. Sa pagiging masayahin, lalo pang bubuti at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 8, 13, 17, 40, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hindi ka gaanong katalinuhan, pero ikaw ang panggagalingan ng magagandang ideya. Kaya marami kang mapapayaman. Kung sila ay napayaman mo, ikaw din ay maaaring yumaman, gamit ang iyong mayamang kaisipan.   Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  1, 13, 19, 28, 34, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  ) Dadalawin ka ngayon ng suwerte at ang suwerteng dadalaw sa ‘yo ay suwerte ay hindi na aalis, sa halip mananatili at pipirmis na ito sa iyong buhay. Kaya magnegosyo ka, dahil mananatili sa ‘yo ang suwerteng ito hanggang sa ikaw ay yumaman. Kaya ito ang panahon upang magnegosyo ka ng kalakal na matagal mo ng plinaplano gawin pero hindi mo maituloy-tuloy. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 33, 39, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) )  Iiral ang malakas mong karisma sa araw na ito. Tatalunin ng kabaitan mo ang reklamo at di pag kagusto  ng mga makakausap mo, kaya papaboran nila ang mga bagay na hinihiling mo.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 16, 28, 34, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ang galit at init ng ulo ang magpapahamak sa ‘yo. Sa araw na ito, palitan muna ng pag-ibig ang pagkabugnot. Sa pagpapasensya at pagmamahal sa kapwa, susuwertehin ka at maguunahang magdadatingan sa iyong harapan ang magaandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 31, 41, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi magkakaunawaan ang mga kumakalaban sa ‘yo. Dahil sa nakikita nilang pag-unlad mo, sila ay magkakagulo. Habang sila ay nagtatalo-tatalo, aandar namang mabilis ang kabuhayan mo, hanggang sa ma-agwatan mo na sila ng milya-milya. Kapag nakita nilang malayong-malayo ka na, magsisisi sila kung bakit hindi na lang sila sumanggayon sa iyo.   Mapalad na kulay ang  maroon.  Masuwerteng numero 6, 15, 18, 24, 38, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) ) Ikaw ang panginoon ng iyong buhay. Gawin mo ang gusto mong gawin dahil sa totoo lang hindi ka naman maawat lalo na buo ang loob mo. Habang lagi ng buo ang iyong loob, ang magandang kapalaran at suwerte ay lagi ng papabor sa ‘yo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 9, 18, 27, 33, 42, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Pinalakas ka upang alalayan at gabayan ang mga mahihina. Habang tumutulong ka sa mga mahihina at sa mga nangangailangan, lalong lalakas ang iyong kapangyarihan at lalong lalago ang iyong kabuhayan.   Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 17, 25, 29, 37, 41.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Gusto mo bang makinabang? Makikinabang ka, kung sa halip na komontra, mas makabubuti sa ‘yo ang sumakay lang ng sumakay sa agos ng mga pangyayari.  Sapagsang-ayon sa mga sinasabi nila, ikaw ang unang-unang mabibiyayaan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  7, 11, 13, 20, 37, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Pag-iisipan ka ng masama ng mga lihim na taong naiingit sa ‘yo at ng mga lihim na kagalit mo.  Matutuwa sila sa bawat pagkabigo at kalungkutan mo. Ang hindi nila alam, yong masama nilang iniisip sa ‘yo ay sa kanila mangyayari at magaganap.  Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 30, 37, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Naghahanap ka ng sarap at saya. Ito ay matatagpuan mo sa pagtatapon ng pera. Mag-ingat sa pag-gasta at bago mamili ng mga gamit na hindi naman gaanong kailangan, unahin mo muna ang pag-iipon. Pag maraming-marami ka ng na-ipon, puwede ka na uling mag-aksaya ng pera at gumastos ng gumastos. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 4, 16, 22, 28, 31, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May kanya-kanyang tanglaw ang bawat zodiac sign. Bilang isang Pisces ang tanglaw mo ay ang buwan. Sa gabing ito humiling ka langit at makakaasa kang ang kahilingan mo sa iyo ay ipagkakaloob.  Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 38, 40.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here