Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 24, 2019

0
529
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 24, 2019, Sabado  –  Bihira lang ang katulad mo na pinagkalooban ng kakaibang ganda. Maganda na ang panlabas mong kaanyuan, maganda pa ang iyong kalooban. Kaya naman kapag patuloy mong pinaganda ang iyong pamumuhay, gagantimpala ka ng langit ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran na sobrang dami talaga. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 3, 18, 27, 32, 38, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mahalaga ang pag-ngiti dahil ito ang nagpapaganda ng umaga. Ngitian mo ang bawat taong iyong makakasalubong. Sa araw na ito ngingiti rin sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 3, 11, 19, 25, 36, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Magaganyak ka na namang gumala at matatagpuan mo ang isang kaibigan na ay mamahalin mo pa. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 9, 12, 21, 27, 33, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ikaw na hindi mainipin at marunong maghintay ay may makakamit na magandang kapalaran buhat sa itaas. Bukod pa sa kung sino ang hinihintay mo, darating din ito sa iyong buhay. Basta tulad ng nasabi na, wag ka lang maiinip at wag masyadong mareklamo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 13, 34, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag mong pansinin ang iyong kinaiinisan. Mahirap paniwalaan pero sa kapapansin mo sa kanya, ang makikita mo ay ang kanyang mapang-akit na katangian.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 1, 13, 22, 31, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Naghahanap ng gagantimpalaan ang langit. Sa araw na ito, gumawa ka kahit na muting kabutihan at makikita mo, ang mga suwerte ay magdaratingan sa iyo. Mapalad na kulay ang  gold.  Masuwerteng numero 3, 12, 23, 31, 410 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw upang ayusin mo ang iyong silid tulugan. Sa sandaling nilinis at inayos mo ang iyong silid tulugan, susuwertehin ka at magkakaroon ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 13, 20, 31, 40, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Nagmamadaling pumasok ang malalaking suwerte sa iyong kapalaran. Ang mabuti mong magagawa ngayon ay itakwil ang masasama mong ugali na maaaring humadlang sa pagganda ng iyong buhay.  Mapalad na kulay ang  maroon.  Masuwerteng numero 1, 14, 24, 29, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na sobrang lakas ng iyong kapangyarihan. Kung puwede at hanga’t maaari wag kang magsalita ng masasa sa iyong kapwa, dahil tiyak na mangyayri.   Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 11, 29, 34, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kusang mag-aalisan ang mga taong hindi nakatutulong sa iyo. Wag mo na silang habulin, dahil may darating na mga taong higit na makatutulong sa iyo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 7, 16, 25, 28, 37, 44. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi nagrereklamo ang baka kahit na mahirap ang trabaho nya sa bukid, kaya naman patuloy siyang lumalaki at lumusuog. Ganon din ang gawin mo, hindi ka dapat magreklamo kahit mahirap ang iyong ginagawa, dahil sa gawaing iyan ka, uunlad hanggang sa  yumaman.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 17, 26, 31, 41, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Madaling kang matatangay ngayon ng iyong damdamin. Mas mabuti kung ang kasama mo at kaututang dila ay ang talagang mahal mo. Kaya umiwas ka muna sa mga talagang hindi mo naman gusto. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  7, 24, 29, 35, 37, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) ) Ito ang araw na nagpasya na ang nasa malayo upang ibahagi niya sa iyo ang kanyang suwerte. Magpasalamat sa kanya at sa nasa itaas.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 8, 16, 21, 27, 33, 41.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here