Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 23, 2019

2
1001
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 23, 2019, Biyernes  –  Muling ibinalik ng langit ang masuwerteng araw mo at ito ay ang ngayon. Gawin mo na ang gusto mo gawin at tiyak na ikaw ay bubuwenasin. Sa sandaling nagtuloy-tuloy ang buenas, balatuhan ang mga taong nakapaligid sa iyo upang hindi na mawawala kailan man ang mga suwerte dumikit na ng husto sa buhay mo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 3,  4, 15, 28, 37, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Dapat na sumunod lang sa iyo ang iyong mahal. Dahil kung hindi siya susunod, hindi kayo makapagsisimula, kailan man. Dapat nyang malamang ikaw ang kanyang suwerte na nagbibigay sa kanya ng magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 16, 27, 31, 40, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Wag kang mag-alinlangan lalo na sa mga araw na ito. Wag mo ring hayaang talunin ka ng mga negatibong pananaw. Panatiliin mo ang pag-iisip ng mabuti at magaganda, upang ang mabuti at magagandang kapalaran ay patuloy at walang tigil na dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 36, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kapansin-pansin ang hilig mo sa pagkukuwento na ang tunay na ibig sabihin sa kuwentuhan ay nakakalimutan mo ang iyong kalungkutan at mga problema. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 35, 38, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Marami ang nagtataka sa iyo. Dahil ikaw na gipit ay nagagawa mo pang tumulong sa mga nangangailangan. Marami ang mamamangha sa iyong kapalaran dahil sa ginagawa mong ito bigla kang pagkakaloob ng dambuhala at sobrang laking suwerteng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang  lilac. Masuwerteng numero 7, 11, 25, 34, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hawakan mo ang galit mo at hawakan mo ng mahigpit. May babala na mabilis kang maiinis at mabubugnot. Ang galit ay nagpapahina sa maseselang bahagi ng katawan. Habang ang masiyahing puso naman ang naghahatig ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 3, 12, 18, 27, 33, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Wag kang pumayad na talunin ng iyong damdamin ang iyong isipan. Kontrolin mo ang iyong damdamin upang hindi ka masaktan. At sa sandaling nasupil at na kontrol mo ang iyong damdamin, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 7,  19, 34, 34, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Magplano muna bago kumilos. Marami ng nabigo at nalugi nang dahil sa lakas ng loob na inakalang sapat na ito upang umasenso ang buhay. Kapag nakaplanong mabuti ang lahat ng iyong ginagawa, papabor sa iyo ang langit.  Susuwertehin ka at pagkakalooban ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  18, 21, 27, 36, 39.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Pinag-iingat ka ngayon sa bawat sasabihin mo. Kung hindi naman maganda ang ibubukas ng iyong bibig, wag na lang magsalita, upang wala kang makaaway at walang taong sasama ang loob sa iyo. Sa bawat magagandang bagay na lalabas sa bibig mo, susuwertehin ka. Kaya tulad ng nasabi na, puro magagandang bagay lang dapat ang ilalabas at sasalitain ng bibig mo. Mapalad ang kulay na red.  Masuwerteng numero 1, 10,  19, 34, 38, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang bangka na sumasalungat sa alon ay nawawasak, hindi mo ito dapat na gawin. Sa halip, sakyan mo lang ang mabilis na agos  ng iyong kapalaran at makakaasa kang dadalhin ka nito sa baybayin ng isang napakalaking tagumpay. Mapalad na kulay ang  maroon. Masuwerteng numero 5, 9, 14, 23, 27, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa iyo ang araw na ito. Walang sinoman ang puwedeng komontra sa mga kagustuhan mo. Ang mabuti nilang magagawa ay makiayon sa lahat ng iyong sasabihin. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 10, 25, 29, 37, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wag mong takasan ang mga pagsubok na nasa iyong harapan. Kumukuha lang ng buelo ang langit, anumang oras mula ngayon darating na ang iyong tagapaglitas. . Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero 1, 13, 28, 32, 38, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang langit ang kikilos para sa iyo sa araw na ito. Hindi kapani-paniwala na matsa-tsamabahan mo ang tamang dapat na gawin. Kahit ikaw sa sarili mo ay magugulat. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 5, 15, 24, 33, 39, 44.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

2 COMMENTS

  1. Hi po god day.
    Pwede nyo po ba akong hulaan ng libre.
    Shiella Marie Tabonda at Marnico Tamayao : 3/21/1985 at 9/4/1977 birthday po namin.
    Nais ko pong malaman kung suswertihin po kami.
    Meron po ba kaung maipapayo sa amin na negosyo.
    Ano pong naghihintay sa aming kapalaran sa katapusan nang taong ito at sa susunod na taon kailangan ko po ng gabay.

    Maraming salamat po.

    P.S. Meron pong tao na nais kaming pabagsakin sya po si Marilyn Sumuhid Baroro 3/14/1985.
    ano pong dapat namin gawing sa kanya.

    Kahit kami na po nagpapakumbaba sa kanya.
    Meron po ba kaung dasal na maidadagdag sa dasal na dinadasal ko para swertihin po ako.

    Slamat kung magrereply po kayo

    Masugid nyo pong tagahanga

    Shiella

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here