Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 20, 2019

0
912
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 20, 2019, Martes –  Ito ang araw na magpapasya na ang langit. Ang napagpasyahan, bigyan ka ng suwerte. Napabilang ka sa mga taong mahina ang loob, pero may likas na buti at linis ng kalooban. Dahil sa iyong likas na             kabutihan, dadagdagan pa ng dadagdagan ang iyong suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay  ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang ipo-ipo ay tinatangay ang mga nasa ibaba, paitaas. Ganon din ang mangyayarisa iyong kapalaran, tatangayin ka ng suwerte at buenas  pataas. Kahit gusto kang ibagsak ng mga taong lihim na naiingit sa iyo, mamamangha sila, susuwertehin ka pa rin ng susuwertehin at itataas ng itataas ng langit. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Bakit ba ikaw mismo ang nag-aalinlangan sa iyong kakayahan?  Sa araw na ito, kakampi mo ang nasa itaas. Kahit may pagdadalawang isip sa iyong mga binabalak, ipatutupad ito ng langit. Kapag nabuo naman ang iyong loob, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Dumikit ka sa mga may ambisyon sa buhay at lumayo ka sa mga walang pangarap baka mahawa ka pa. Sa malalaking mga tao ka magsasama, dahil sila ang magiging modelo mo. Balang araw, lalaki rin ng malaking-malaki ang iyong kabuhayan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Isip ang nagbibigay ng solusyon sa mga problema. Gamitin mo ngayon ang isip mo upang malutas ang mga suliranin. Isip din ang nagbibigay ng kalungkutan. Wag mong isipin ang mga negatibong bagay, upang hindi ka malungkot. Ang  isipin mo lang ay puro masasaya at magaganda lang. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi totoo ang iniisip mo na hindi ka suwerte. Dahil kumukuha lamang ng bueano ang nasa itaas, upang ipagkaloob na sa iyo, ang lahat ng suwerte na matagal mo ng inaasam-asam. Ang mahalaga sa ngayon, matuto kang mag hintay, at wag na wag magrereklamo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi pa dumarating ang iyong kaarawan pero ngayon pa lang walang tigil na ang langit sa pagbibigay sa iyo ng mga kasayahan at biyayang hindi mo naman inaasahan. Magpasalamat ka sa nasa itaas, dahil mentras lumalapit ang kapaskuhan, marami pang suwerte ang darating sa iyo.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kahit alam mong dinadaya ka okey lang sa iyo.  Dahil masaya ka pa ring makasama ang ilang mga taong alam mo nagsasamantala sa iyong kabutihan. Pero ang tanong, hanggang kailan ka ba magpapauto at magpapaloko sa kanila? Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Pahihiramin mo ng tapang at lakas ng loob ang iyong makakausap. Pero pag alis niya, lihim kang mangingiti. Dahil alam na alam mo, isa ka ring duwag at mahina ang loob. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ayaw mo sa bahay. Kaya gagawa ka ng paraan upang mag-shopping. Kapag nangangati na ang iyong mga paa upang lumabas ng bahay, nakatutuwang kataon namang binibigyan ka ng langit ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi mo ba napapansin, kahapon at ngayon lagi mong karamay ang langit. Hindi ka basta-basta nabibigo sa kabila ng mga pagsubok. Ang tunay na dinisenyo kasi sa iyong kapalaran ay ang magtagumpay, hindi lang tagumpay, kundi isang napakalaking tagumpay, basta’t tsaga-tsaga at hintay-hintay ka lamang.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi sa salita nakikilala ang isang tao kundi sa gawa. Wag ka na uling magpaloko sa matatamis na pangako. Timbangin mo ang ugali at gawain ng isang tao. Sa ganyang paraan, makasusumpong ka na ng pang habang buhay na ligaya. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi mapapa sa iyo ang inaasahan mo, pero ang ibibigay sa iyo ay higit sa inaasahana mo. Hindi lang ikaw ang mapapasaya, kundi ang buong pamilya at ganon din ang iba pang mga taong malalapit sa puso mo.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here