Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 19, 2019

0
836
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 19, 2019, Lunes –  Iaangat ka ng langit sa mataas na antas ng suwerte at magandang kapalaran. Patuloy ka pang iaangat sa bawat araw. Kaya malabo at  hindi na makahabol pa ang iyong mga kakumpetensya at ang mga taong matagal ng naiinggit.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ikaw ang napili ng langit upang maging sangang daluyan ng mga biyayang ihuhulog niya patungo sa mas maraming mga nangangailangan. Dahil ikaw ang sanga o daluyan ng mga biyaya, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mapapasaiyo.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na bukas ang pinto ng langit. Kaya maaari kang humiling sa langit ng mga bagay na magbibigay sa iyo ng kagalakan. At ang isa pang mabuting balita, puwede kang humiling upang masolusyunan ang suliranin ng isa sa mga mahal mo sa buhay.   Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi ka dapat magrunung-runungan sa panahong ito sa halip, humingi ka ng payo sa mga may alam. Dahil hindi puwedeng ituloy mo ang iyong balak ng hindi pa hustong-husto ang iyong kaalaman.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wala kang dapat na panigan. Kahit na kaninong panig ka pumanig, lagi ng sa iyo mapupunta ang pula at sisi. Ang pinakamabuti mong gawin ngayon ay mag-shopping dahil sa pagmo-malling mas magiging masaya ka pa.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Dumikit ka sa mga mauunlad ang buhay, walang pagsalang ikaw din ay uunlad. Dumikat ka sa mga sawing palad at sawi sa pag-ibig, ganon din tadhana ang iyong sasadlakan.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung ano ka, yon ang dapat mong ipakita. Ganon din ang gagawin ng kapalaran, kung ano ang para sa iyo, iyon ang ipagkakaloob sa iyo.  Habang nagpapakatotoo ka, maraming suwerte at mga pagpapala ang ibibigay sa iyo ng langit.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ito ang araw upang magsuot ng bago at paborito mong damit. Alin man sa dalawa ang isuot  mo, bago o paborito mong damit, ang suwerte at magagandang kapalaran ay sadya namang mahihigop mo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tulad din ng papel na tinatangay-tangay ng hangin. Magiging magaang  ang pakiramdam mo, sa sandaling pinabayaan mo ng lumayo ang mga taong imbis na magpapaligaya sa iyo ay nagbibigay pa ng sama ng loob. Mapalad na kulay  ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) May magbabalik. Tulad ng mga taong umalis ay muling darating.  Ngunit ang pinakamahalagang magbabalik, ay ang mga dati ng magagandang kapalaran na dapat sana ay noon pa napasaiyo.  Tanggapin mo silang muli ng may ngiti at pasasalamat sa iyong mga labi. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi lang ang mga masisipag ang dinadatnan ng suwerte, kundi ganon din ang mga makukulit. Kulitin mo ng kulitin ang langit. Hindi ka nya kayang tanggihan. Ipagkakaloob niya sa ‘yo, kahit ano pa ang iyong hilingi dahil makulit ka kasi. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nagpasya na ang langit. Ang mga mayayabang at hambog ay mapapahiya. Ang mga nagpapakumbaba ay itataas. Ngunit ang mga katulad mong mapagparaya at mapagbigay ang  dadatnan ng maraming suwerte at mga pagpapala.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa araw na ito makakapulot  ka ng suwerte at magandang kapalaran. Kaya kailangang lagi kang nakayuko pag naglalakad o luminga-linga ka sa iyong paligid. Sa sandaling nakapulot ka na ng suwerte, dahil hindi mo naman ito pinaghirapan, pahalagahan mo ito at ingatan. Habang nagpapatuloy ang tag-ulan at ang hindi maintindihang panahon, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang mahuhulog sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here