Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 18, 2019

0
1147
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 18, 2019, Linggo –  Mahirap malayo sa mga bagay na matagal mo ng nakasama. Pero sa iyo ay kakaiba, ito ang araw na lalayuan ka na ng mabibigat na mga problema. Matutulad ang bawat pag-gising mo sa isang bago at napakagandang umaga.  Mapalad ang kulay na metallic blue. Masuwerteng numero 2, 17, 22, 29, 30, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi maglulubay ang pagdating ng magandang kapalaran sa iyong buhay. Kaya naman dapat na matututo kang mamigay at magbalato, upang lalo ka pang gantimpalaan ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 11, 19, 25, 29, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Batiin mo ng may pag-ibig at ngiti ang sinumang makakasalubong mo. Sapagkat sa araw na ito ang sinumang iyong babatiin at ngingitian ay magtatamo ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 14, 19, 27, 36, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi nawawala ang mga problema. Pero ang magandang balita, masosolusyunan mo ang iyong mga suliranin at pagkatapos ay uulanin ka na ng mga suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 9, 18, 32, 37, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag aksayahin ang oras sa paghahanap ng solusyon sa iyong problema. Basta’t lagi ka lang magdasal. Lulutasin na ngayon ng langit ang lahat ng iyong mga suliranin. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 8, 11,  29, 31, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na magbabago ang buhay mo. Isang pagbabagong ngayon mo lang mararanasan, dulot ng isang taong biglang dumating sa buhay mo, na magdadala sa iyo sa isang malaking pag-unlad at tagumpay. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 8, 19, 25, 34, 43 at 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Makikita mong ang araw na ito ay mabigat sa mga taong nakapaligid sa iyo. Subalit para sa iyo, madarama mong parang ang gaang-gaang ng mundo.  At sa susunod na mga araw, marami pang suwerteng bagay ang darating sa iyo. Mapalad na kulay beige. Masuwerteng numero 7, 11, 27, 39, 41, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mabilis na pagkilos ang nararapat upang malagpasan ang mga problema. Kapag babagal-bagal ka lalo ka lamang sasabit. Sa agarang pagpapasya maraming suwerte at magandang kapalaran ang makakamit. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 5, 18, 25, 38, 41, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Lahat naman ng tao ay hindi nawawalan ng problema. Ang pagkakaiba mo lamang sa kanila makikita mong yong mga taong naiingit sa iyo magkakaroon na mas mabigat na problema, habang ang sa iyo naman ay nagmamahal magaang lang at bale wala ang kanilang prolema.  Mapalad ang kulay na white. Masuwerteng numero 2, 13, 22, 31, 38, 42

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Marami kang napapabayaan sa kalalakwatsa. Minsan mas mainam na pakitaan mo ng kalinga at simpatsa ang mga taong malalapit sa iyo upang magpatuloy na dumapo ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 5, 11, 28, 38, 41, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Walang pagdududa na yayaman ka. Dahil ang kahulugan ng iyong kapanganakan, Disyembre hanggang Enero ay pagyaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 35, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dagdag na suwerte at magandang kapalaran ang iyong mapapala sa mga taong makukulit at mapagpilit kung pagbibigyan mo sila. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 2, 9, 19, 22, 31, 39.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag kang matakot, hindi mo dapat talikuran ang bawat hamon ng kapalaran, dahil sa bandang huli ikaw ang mananaig at magwawagi. Mapalad na kulay ang green.  Masuwerteng numero 5, 8, 17, 28, 38, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here