Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 17, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 17, 2019, Sabado –  Masuwerte ka sa araw na ito. Ang iyong pangalan ay natagpuang nasa unahan ng listahan ng mga taong tatanggap ng maraming mga biyaya at malalaking mga pagpapala matapos ang mga pagsubok at pahihirap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19)

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hihilahin ka ng iyong kapalaran sa malayong lugar na kung saan ay dapat kang magpatangay at wag kumontra, dahil naroon mismo sa malayong lugar at makakaharap mo ng personal ang tunay mong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Madidikit ka sa may magandang kalooban. Humahanga siya sa iyo dahil nakaaaliw kang kakuwentuha. Ang inyong pagsasama ay magbubunga ng maganda hindi lang sa personal kundi maging sa negosyo at sa kabuhayan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Masuwerteng araw ito para sa pakikipagkaibigan. Mapapakinabangan mo sila sa iyong negosyo kaya lalo pang maiiwan mo ng milya-milya ang iyong mga kakumpetensya at karibal. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) ) Napakabisa sa iyo ang mga sandaling hindi ka kumikibo dahil sa ganitong diskarte sumusuko sa iyo ang mahal mo at lalo mo pa siyang mapapsunod sa lahat ang gusto mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Bawasan ang iyong sobrang pagsisipag at pagpapagod. Oo mahalaga ang yaman at salapi sa mundong ito pero ang higit na importante ay ang iyong kalusugan at ang mahalaga ay yong wala kang sakit na nagpapahihirap sa ‘yo.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na madaragdagan pang lalo ang iyong sigla at sigasig. Isa lang ang pinahihiwatig nito, magtutuloy-tuloy na ang pagdating ng iyong suwerte at magagandang kapalaran hanggang sa buwan ng Disyembre. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Malaki ang posibilidad na mabihag ang puso mo ng isang bagong kakilala na labis mong hahangaan at hahangaan ka rin niya. Mapupuno ng masasaya at masasarap na araw ang inyong karanasan, hanggang sa marating ninyo kapwa ang rurok ng kaligayahan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang magtatangkang magpapayat dahil ang lihim ang iyong kapalaran ay nagsasabing habang pataba ka ng pataba, pataba rin ng pataba ang iyong bulsa.  At kung payat ka naman, marahil ay alam mo na ngayon kung bakit mapayat din ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay  ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Makulay ang iyong buhay. Punong-puno ng masasayang kaganapan. Kung saan, marami pang sopresang pangyayari ang magaganap na panggagalingan ng dagdag pang suwerteng hindi inaasahang pagyaman. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kikilos ang iyong kapalaran kaya sa ayaw at sa gusto mo makakagawa ka ng isang bagay na akala mo ay hindi maganda pero ang totoo pala ay ito ang magbibigay sa iyo na maunlad at masaganang pamumuhay. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung ano ang dikta ng puso mo iyon mismo ang iyong sundin. Dahil hindi rason at isip ang magpapayaman at magpapaunlad ng buhay mo, kundi puso. Sa pagsunod sa iyong damdamin, ang suwerte at magagandang kapalaran ay magsisimula ng dumating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kang makihalo sa mga usapang wala ka namang kinalaman. Baka madamay ka at ikaw pa ang mapasama. Ang pinakamabuti mong gawin ngayon ay ang aturgahin ang mga bagay na pagkakaperahan at kung saan ka kikita ng malaking halaga, dahil dininig na ng langit ang iyong dalangin magsisimula ka ng ngayong umuunlad ng umaunlad at susuwertehin sa langaranngan ng salapi at materyal na bagay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here