Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 16, 2019

0
737
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 16, 2019, Biyernes –  Inuutusan ka ngayon ng kapalaran na magsaya at lalong mas maganda kung magsusuot ka ng masasayang kulay at mga magagarang mga alahas nang sa ganon ay lalo pang madoble ang mga suwerteng magdaratingan sa iyong buhay sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Isang mahiwagang kislap ang darating sa iyong harapan. Ito ang kislap ng suwerte at katuparan ng iyong mga ambisyon at pangarap. Humiling ka ngayon sa langit at ito ay tiyak na matutupad. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero ang 7, 10, 18, 27, 34, at 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hindi mo ba napapansin habang tanong ka ng tanong kung ano ang mabuti at kung ano ang hindi lalo kang hindi makakilos? Kaya ang payo ay kumilos ka ayon sa gusto mo dahil kung kikilos ka ng naaayon sa gusto mo na wala ng tinanaong kahit sino, tuloy-tuloy ka ng susuwertehin at magdaratingan ng walang kaawat-awat ang marami pang magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Huwag mong pansinin ang isang taong may galit sa mundo idamay ka lang niya at gusto ka lang niyang matulad sa kanya. Sa halip ang pinakatama at dapat dumikit ka sa mga taong may malinis na pagkatao dahil sila ang panggagalingan ng suwerte mo at magagandang kapalaran.   Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag mong hanapin sa malayong lugar ang maganda mong kapalaran, sapagkat ibinabalita sa ‘yo ng araw na ito, na ikaw mismo ang lalapitan ng suwerte at magagaandang kapalaran, pero may kundisyon, ang kundisyon, wag kang magiisip ng negatibo. Puro magagandang bagay lang ang isipin mo, at makikita mo kusa ng lalapit at didikit sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na nasa todong lakas at mataas na antas ang level  na ng iyong kakayahan na mas mapaunlad mo pang lalo ang iyong buhay. Kaya ito ang panahon upang itutok mo ng husto ang nasabing enerhiya sa mga bagay na lalo pang magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magpapayaman sa ‘yo.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi ka dapat mapabilang sa mga taong pabago-bago ng isip at nang mga pangarap. Tapusin mo muna ang isa at saka ka mag-isip ng iba pa. Kapag ganyan ka, tinatapos muna ang isa sa mga ambisyon at layunin mo sa buhay sa halip na kung saan-saan nagsusuot ang malikot na isipan susuwertehin ka na at magtatagumpay ka.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Bakit papansin mo ang mga naiingit sa iyo? Oo naiiinggit lang sila sa iyo.  Kapag kinaiingitan ka, ibig sabihin, umaasenso ka at ang walang naiingit ay wala ring kabuhay-buhay dahil malamang na stagnant ang career nila at hindi umaasenso ang kanilang kabuhayan. Mapalad na kulay  ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Disiplina ang kailangan mo upang hindi ka mabigo sa napakaraming gawaing nilatag sa ‘yong harapan ng kapalaran. Tapusin muna ang mga aturgahin bago sumama sa mga gimmick at lakad, dahil mas masarap mamasyal at maglibang kung wala ka ng iniisip na gawaing dapat na tapusin at kailangan pang balikan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Patuloy kang mangunguna sa lahat ng bagay at patuloy na aangat ang iyong kabuhayan kahit pa marami ang sa ‘yo ay naiinggit. Wala silang magagawa kundi ang sa ‘yo ay lihim na humanga, dahil sa tuos nila ikaw ay likas na suwerte at talaga namang lubos na pinagpapala. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwag mong akalain na nawawala ang mga suwerte mo, bagkus ang totoo kaya lang bumabagal ang galaw ng iyong sariling mundo ay dahil kumukuha muna ng malakas na buwelo ang iyong bueanas na sa malapit na hinaharap ay totodo na ng husto, kaya kumapit ka, dahil pagtodo  ng husto ng iyong suwerte, mayayanig sa tuwa at tagumpay ang buo mong pagkatao. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang tamang araw upang mapagtimbang-timbang mo ang mga oportuunidad na nasa iyong harapan. Piliin mo ang gawaing makikinabang ka ng malaki at sasaya ka pa, dahil kapag masaya ka, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang tuloy-tuloy na darating sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Isang mahiwagang pangyayari ang mararanasan mo. Sa pagdapo sa iyong mukha ng malamig na hangin at patak ng ulan, sa araw na ito  kasabay na papasok sa katawan mo ang hindi mabilang na mga suwerte at magagandang kapalaran na magpapasaya sa iyong buhay.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here