Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Agosto 15, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 15, 2020,  Sabado – Totoong maraming masusuwerteng tao. Pero sa dinami-dami nila, ikaw ay napabilang sa iilan na ang dating ng suwerte ay hindi matapos-tapos. Sobrang dami talaga ang mga nakaherera pang suwerteng darating sa iyo kaya dapat matuto kang magpasalamat sa nasa itaas.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 9, 13, 25, 28, 32, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Malakas ang kapangyarahin ng iyong pagkagusto. Kung ano ang gusto mo yon ang mangyayari. Yong mga hindi mo gustong bagay ay wag mo ng gagawin, habang iyong mga hindi mo gustong tao ay wag mo na ring papansin. Panatiliin mo sa isipan mo ang mga bagay at ang mga tao na gustong-gusto mo talaga at ito ay kusa ng mapapasa iyo.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 4, 8, 18, 26, 37, 43. ©PhilippineOne.com  2020

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Dumadapo ang mga paro-paro sa matamis na bulaklak. Dumating na ang araw na dadapo sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Wag maging malikot ang iyong isipan, sa halip, relaks ka lang, dahil baka mabulabog at mag-alisan pa ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 2, 15, 24, 32, 33, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Magpahinga ka. Matapos mong magpahinga, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang maguunahang dumating habang lumalapit na ng lumalapit ang panahon ng tag-ulan.  Mapalad na kulay ang white.  Masuwerteng numero 5, 9, 18, 23, 28, 32.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag aliwalas ang langit alam na alam mong hindi uulan. Aaliwalas na ang iyong kapalaran, kaya alam na alam mo na ring dapat ng kumilos. Ito rin ang panahong malulutas na ang iyong mga problema at isa-isa ng magdaratingan ang iyong mga kakampi – ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang metallic blue. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 32, 34, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Walang talab sa iyo ang negatibong mga bagay. Wala ring talabd sa iyo ang mga namimintas at naninira sa iyo. Ganon din wala ring talab ang mga taong nagkakalat ng intriga. Matagal mo ng napatunayang mas maganda ka kaysa sa kanila. At ang kagandahan mong ito ang dahilan kung bakit patuloy kang sinusuwerte at hindi nauubusan ng magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 28, 34, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ang mga napapagod ay sumusuko at ang mga natatalo ay nagrereklamo. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit na mapagod ka at matalo, hindi ka susuko at hindi ka magrereklamo. Kaya walang magagawa sa iyo ang langit, kundi ang pagkalooban ka ng mas malalaki at bonggang-bonggang suwerte na hindi natikman ng iba. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 7, 14, 25, 28, 41, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  –  Nalalanta ang mga dahon ng halaman kung ito ay hindi nadidiligan. Malalanta din ang iyong kasiglahan kapag hindi ka umibig.  Habang patuloy kang umiibig at nagmamahal, wala ding tigil na darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 12, 15, 27, 33, 45. ©PhilippineOne.com  2020

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Hindi mo makikita ang ligaya na hinahanap mo kung sa malayo ka nakatingin at nagkataong kung ano-ano pa ang tinitingnan mo. Nasa malapit lang ang tunay mong ligaya at katabi mo na siya ngayon. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerte ang numerong 1, 4, 13, 17, 23, 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Nagsisimula ng magdatingan ang ibat-ibang uri ng suwerte. Tuloy-tuloy na yan, hanggang sa sumapit ang buwan ng Setyembre, basta’t iwasan mo lang na pagsungitan ang mga mahal mo sa buhay at ang mga kasama mo sa bahay. Mapalad na kulay ang  blue. Masuwerteng numero 3, 18, 24, 34, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Susuwertehin ka ngayon ng napaka-suwerte, higit kailan man. Subalit may kundisyon. Iwasan mong pagsungitan ang iyong kasuyo, sa halip, ipadama mo sa kanya ang respeto at ang nag-aalab mong pagmamahal. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 7, 10, 25, 29, 38, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Puwedeng hindi matupad sa ngayon ang iyong kagustuhan. Dahil ang totoo nito, may mas malaking kapalit na ibibigay sa iyo ang langit. Hindi mo ito gusto, pero ito ang gusto ng langit para sa iyo.   Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 10, 22, 34, 38, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang prutas sa sanga ay nahihinog ng masarap sa iwi ng hangin at sa sinag ng araw lalo itong tumatamis. Ganon din ang pag-ibig na dapat mong ipagkaloob sa mga mahal mo sa buhay. Hinog at matamis, upang patuloy kang suwertehin at datnan ng marami pang magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na emerald green.  Masuwerteng numero 2, 7, 25, 24, 39, 43. ©PhilippineOne.com  2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here