Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 15, 2019

0
434
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 15, 2019, Huwebes  –  Matamis ang iyong personalidad kaysa sa pangkaraniwang tao. Kaya tulad ng nakakaakit na nektar, aakitin ng pagkatao mo ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran sa araw na ito. Kahit itaboy at tanggihan mo pa ito, ang lahat ng suwerteng ito ay didikit at babalik-babalik pa rin sa iyo. Mapalad ang kulay na pula. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 33 at 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Nasa todong lakas ngayon ang iyong karisma. Puwede na nga rin masabing ikaw ngayon ay sobrang nakagagayuma. Dahil dito, magagayuma mo rin ang suwerte at magagandang kapalaran kaya ito ay isa-isa ng magsisilapitan sa ‘yo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kumuha ng buwelo! Ibig sabihin mamahinga ka muna at tumigil sa paglalakwatsa at limitahan ang iyong mga kilos at pagpapasya. Dahil magagandang kaganapan ang nakaumang sa ‘yo sa susunod na mga araw kung saan, mas malalaking mga suwerte at buenas ang darating kaya muli bumuwelo ka muna. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Mabilis ang mga pangyayari sa ngayon sa iyong harapan, kailangang sabayan mo sila, magmadali at bilisan mo rin ang mga pagkilos at aksyon. Dahil kapag mabagal ka ang ibang mga suwerte na para sa iyo na sana ay sa iba pa mapupunta. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag mong isara ang pintuan ng iyong puso. Isang naging bahagi ng iyong matamis na nakaraan ang nagbabalak na sa iyo ay muling makipag-ayos. Tanggapin mo siya ng buong puso at pagmamahal, tulad ng dati upang tuloy-tuloy ng dumating sa ‘yo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kakaiba ang suwerteng sasaiyo ngayon dahil ang pangyayari sa biglang tingin ay minalas ka ay siya pala mismong magiging dahilan ng pagkakaroon mo ng mas malalaking buenas at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mahiwaga ang mga pangyayaring lulukob sa iyong katauhan sa mga panahon ito. Hahanapin mo ang mga sandali na ikaw ay nalulungkot. Hindi mo ito makikita dahil ang saya at ligaya na iyong madarama ay sapat na para maalala ang lungkot, pero hindi mo madarama. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mamamasyal sa ‘yo ang mga dati mong tauhan at mga nakasama kaya paghandaan mo rin sila ng magandang pakikitungo. Pakisamahan mo silang mabuti, dahil ang totoo maraming suwerte at magagandang kapalaran silang ipagkakaloob sa ‘yo. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mataas ang iyong personalidad kaysa sa mga pangkaraniwan. Kaya anumang sandali na gustuhin mong umangat ang iyong kalagayan sa buhay o anumang sandali na nais mong paunlarin ang iyong career o kabuhayan ay walang pagaalinlangang matutupad. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Magiging huwaran ka ngayon ng mga nabigo sa buhay pero hindi nagsisisuko sa hamon ng kapalaran. Dahil sa ‘yo at  dahil naging ganon ka rin naman dati, lalakas ang kanilang kalooban at ikaw ang magsisilbing inspirasyon nila upang patuloy na lumaban hanggang sa manaig at tuluyang magtagumpay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag kang mag-alala kahit anupa ang nararanasan mong problema, mula sa araw na ito ang mga suwerete mo ay gaya ng mga naggagandahang dalaga na isa-isang lumalagay sa iyong harapan. Ibig sabihin hindi mapapatid ang dating ng iyong mga suwerte. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaiba ngayon ang dating mo sa mga malalapit sa iyo dahil ang dating mga negatibong kilos mo ay mapapalitan ng mga positibong pagpapasya. At dahil unti-unti ka ng nagiging positibo sa iyong mga ginagawa at iniisip, ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa na uling babalik at magsisilapitan sa ‘yo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Muli mong mararanasan sa ngayon ang kasabihang mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap. Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang iyong buhay, matulungin ka kasi at mapagbigay. Dahil sa ugali mong ito lalo ka pang bibigyan ng maraming suwerte at mga pagpapala ng langit.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

PhilippineOne Youtube

PhilippineOne Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here