Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Agosto 14, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 14, 2020,  Biyernes – Dahil mabait ka naman kahit na papaano, babait din sa iyo ang langit. Kaya hindi ka matutulad sa iba na kahit ano ang gawin ay hindi makahanap ng solusyon sa kanilang problema. Sa iyo ay kakaiba, kahit matulog ka maghapon, kusang malulutas ang iyong mga suliranin at ito ay papalitan ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang whie. Masuwerteng numero 1, 14, 24, 34, 37, 40. ©PhilippineOne.com  2020

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang patakaran sa mundo, natatalo at naghihirap ang umaayaw. Alalahanin mong hindi ka isinilang para matalo. Ikaw ay ipinanganak upang  magwagi. Kaya anumag hirap ang nararansan mo, wag kang aayaw. Magpatuloy ka lang lagi, dahil sa ngayon abot kamay mo na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero 3, 6, 9, 13, 27, 44. ©PhilippineOne.com  2020

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi ka makakaiwas sa mga gastusin kahit ito kung tutuusin ay pag-aaksaya lang ng pera. Sa bagay akala ng iba mapera ka naman talaga. Pero ano’t-anuman ang katotohanan, ngayon pa lang dapat nagpa-practice ka ng magtipid at magsavings, dahil sa panahong ito parang lalo pang humihirap ang buhay hatid ng hindi pa rin nasusugpong pandemiya. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 27, 36, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Mabilis ka sa lahat ng bagay. Kaya minsan, mabilis ka ring hinahatak ng katamaran. Pero kapag ginusto mo talaga, mabilis ka ring yayaman.  Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 5, 9, 14, 23, 31, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Lumalaki at lumiliit ang tubig sa dagat. Ganon din ang mga prolema. Kusa na itong liliit o kakati, hanggang sa tuluyan ng mawala, upang palitan nang malalaking alon ng suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 20, 29, 34.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi ka mabubuhay at hindi ka magiging maligaya kapag hindi ka nagmamahal. Kailangang magkaroon ka ng love interest o sa ibang salita ay inspirasyon. Kapag may tinatangi-tangi ka, mas magaang ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 15, 18, 24, 33, 39. ©PhilippineOne.com  2020

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tinatanong ka ng langit, ano ang gusto mong regalo ngayong nalalapit na ang iyong kaarawan? Kung wala kang maisip, hindi pa sapat ang iyong dedikasyon upang lumigaya at umunlad. Ganon paman, binibigyan ka ng pagkakataon, upang magdesisyon, hanggang bukas, kung ano ba talaga ang “birthday  wish” mo na gustong-gusto mo talagang matanggap o matupad?  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 9, 10, 19, 27, 28.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  May lihim na nagkakagusto sa iyo. Actually noon pa siya may pagtingin sa iyo. Kapag nalaman mo lang ang balitang ito, “may nagkakagusto sa ‘yo” maa-uplift ang iyong pagkatao, sisigla ka, kaya sasagapin nito ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 3, 6, 21, 33, 39, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kapag lagi kang nagmamadali, lalo ka lang male-late sa anumang lakad mo.  Mas mainam na mag-relaks-relaks ka lang upang hindi ma-pressure at ma-stress.  Kapag lagi kang relaks, madali mong maaakit ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 9, 21, 27, 30, 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kung saan madaragdagan ang iyong kaalaman at kung saan ka kikita ng mas malaki, doon ka. Hindi ka dapat magpabago-bago ng isip at ng plano. Ipirmis ang dati ng nasimulan. Ang taong mabilis ay pingapapala ng langit, habang ang babagal-bagal, mabagal din ang dating sa kanya ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 5, 9, 18, 25, 28, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Talasan mo ang pakiramdam mo. Una pakiramdaman mo kung paano ka magkakapera ng malaking halaga. At pangalawa pakiramdaman mo kung paano makakatipid at kung paano madodoble ang iyong kinikita. Kapag naging matalas ka, tuloy-tuloy ng darating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 10, 13, 22, 24, 37

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaiba ngayon ang iyong karisma. At kakaiba rin ang lakas ng sinag ng iyong aura, kaya naman ang bawat madikitan mo ay nagiging masaya. Ang hindi nila alam “deep inside” ay malungkot ka.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1, 4, 10, 19, 25, 41. ©PhilippineOne.com  2020

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi pa man natapos ang iyong proyekto ay may kasunod na naman. Mas malaki ang kikitain mo dito, kaya magpasalamat kang lagi sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 7, 10, 17, 28, 31, 45.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here