Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 11, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 11, 2020,  Martes – Dahan dahang napupuno ang ilog sa pagbuhos ng ulan. Ganyan din ang iyong buhay.  Suwabeng-suwabe at dahan-dahang darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero ang 1, 9, 19, 25, 28, 44. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kapag kumukulo ang tubig, umuusok. Ganon din ang darating sa iyong suwerte at magandang kapalaran, mainit at umuusok-usok pa. Ipamahagi mo ito sa iba, lalo na sa mga taong malalapit sa iyo. Wag kang matakot na maubos, dahil mas marami pa ang paparating. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  6, 9,  21, 24, 39, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kung mapapansin mong tila walang pag-galaw ang orasan ng iyong pag-unlad wag kang mabahala. Kumukuha lamang siya ng buwelo upang bigyan ka ng mas malaki at dambuhalang suwerte, mangyayari bago matapos ang taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  3, 16, 27, 34, 43, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Tapusin mo muna ang nasimulan mo. Hindi ka puwedeng magpalipat-lipat ng hindi pa tapos na tapos ang mga nauna mong ginagawa. Kapag nagawa mo yan, tinatapos mo muna ang isang gawain bago magsimula ng bago, tuloy-tuloy ng darating ang mas marami pang  suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 29, 32, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag mong ipilit ang sarili mo sa nagpapakita sa iyo ng hindi maganda. Maraming naghihintay sa iyo at maraming nagmamahal sa iyo. Sa kanila ka sumama at masusumpungan mo ang suwerte at ang tunay na ligaya. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 7, 16, 23, 28, 34, 40. ©PhilippineOne.com  2020

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang mga suwerte mo ay agad na magdaratingan kapag pinanatili mo ang mabilis na pagpapatawad sa mga taong nakagagawa sa iyo ng pagkakamali at mga kasalanan. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 21, 33, 28, 31, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw upang humalakhak. Tawanan mo ang iyong mga kabiguan at babalik siya sa kanyang pinanggalingang sukat. Hindi ka na maaapektuhan, puro tagumpay na at magagandang kapalaran ang sa iyo ay darating. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1, 5, 18, 28, 31, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Lalapitan ka ng hire-hirerang  magkakasunod na mga suwerte. Kaya lang kapag natagpuan kang  hindi masaya, aalis sila at maghahanap ng taong masayahin. Dapat alam mo na ang gagawin mo? Alam mo na ba? Kailangang  maging masaya kang lagi – umpisahan mo na ngayon, mag-Tiktok! Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 13, 24, 33, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Masusuot ka sa intriga. Pero ikaw ang magwawagi. Dahil ang makakalaban mo ay talaga namang may masasamang ugali at inaayawan ng mga tao. Iba talaga ang tulad mo, na malalim ang kabutihan na taglay ng iyong puso, laging sinusuwerte at patuloy na pinagpapala ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 18, 27, 33, 39, 45. ©PhilippineOne.com  2020

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Wag mong pagdamutan ang sarili mo. Mas maganda na nag-iisa ka. Bumili ka ng bagong damit, mga pampaganda at kumain ka ng kumain ng masasarap.  Matutuwa sa iyo ang langit, dahil binubusog at pinasasarap mo ang iyong sarili mas marami pang mga biyaya at magangandang kapalaran ang bubuhos sa iyo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9,  14, 18, 27, 33, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Itodo mo na ang iyong lakas. Ngayong may pandemiya, kailangang madoble ang kinikita. Napapansin naman ng langit ang iyong mga pagsisikap. Kaya bago dumating ang saktong araw ng may naimbento ng gamot sa Covid 19, kasabay ng pagsigla ng ekonomiya, ikaw naman ay mayamang-,mayaman na. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 4, 13, 19, 31, 40, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw upang ituon ang isip sa pag-iipon. Wag na wag kang gaanong gagastos ngayong panahon ng pandemiya, sapagkar sa pahaong ito sadyang napakahalaga ng marami kang ipon. Kapag marami ka ng ipon, kusang ma-aakit ng ipon mong pera ang iba pang materyal na bagay hanggang sa ikaw ay tuloy-tuloy ng yumaman.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 5, 19, 22, 34, 38, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maghahanap ka ng panibagong pakikipagsapalaran dahil ang kailangan mo ngayon ay bagong kapaligirang malapit sa nature. Kapag nandoon ka na dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang lulukob sa iyong pagkatao.  Mapalad na kulay ang  green. Masuwerteng numero 2, 7, 25, 34, 40, 43. ©PhilippineOne.com  2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here