Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Agosto 11, 2019

0
610
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Agosto 11, 2019, Linggo –  Inuutusan ka ng iyong tadhana sa araw na ito na tulungan mo ang mga taong malalapit sa puso mo, dahil kung paano mo sila tinutulungan ganon ka rin iaaangat ng iyong kapalaran. Pagkakalooban ka ng langit ng mas marami pang mga suwerte at mga pagpapalang hindi mo halos mabilang. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa araw na ito nagpasya na ang nasa itaas.  Kung ano lang ang hiniling mo yon lang ang tatatanggapin mo. Kaya humiling ka ng mas malaki, mas marami at mas masaganang buhay, upang yon mismo ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Huwag kontrahin ang plano ng iyong mahal. Pagbigyan mo siya sa kanyang diskarte. Manood ka at makikita mong siya ang higit na mahusay kaysa sa iyong inaakala. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Wag mong pahirapan ang sarili mo. Gawin mo lang ng simple ang isang proyekto, ang mahalaga ay hindi ang ma-perfect mo ang iyong ginagawa, kundi ang makatapos ka. Kapag ganyan ka, nakakatapos ng mga gawain sa iyo ay inatas ng kapalaran, magtatagumpay ka,  magsisimula ka ng yumaman at magiging maligaya. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Minsan dumarating ang tunay na pag-ibig sa pagkakataong hindi inaasahan. Tulad ngayon, kahit hindi ka umaasa, wag kang magulat sa biglaang pagbabago ng takbo ng love life mo ng biglaang pagbabago ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Wag mong ipahamak ang iyong sarili. Kung ano lang ang kaya mo, dapat iyon lang ang iyong ipangako. Nasisira ang isang pagkatao kapag hindi niya natugunan ang kanyang mga obligasyon. Pinapalad naman at dinadatnan ng mas maraming suwerte ang taong tumutugon at tumutupad sa kanyang mga ipinangako. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang masuwerteng araw mo para maglinis at magayos ng mga gamit sa bahay. Makaaasa ka na matapos mong maglinis at mag-ayos ng bahay, ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran ay magsisimula ng magdatingan sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Magpasalamat ka sa masarap na buhay na sumasaiyo ngayon. Magpasalamat ka rin sa mga darating pang mga magagandang kapalaran na inilaan sa yo ng langit na malapit na malapit na ring dumating.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Punong-puno ka ng tapang at lakas ng loob, kaya walang dahilan upang ikaw ay mabigo. Gamitin mo na ngayon ang iyong tapang at lakas ng loob, dahil sa araw na ito, ginagarantiyahan ng langit ang iyong tagumpay sa lahat ng ambisyon at layunin mo sa buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Marami ang umaasa sa iyo. Hindi lamang ang mga malalapit sa puso mo kundi maging ang ibang mga tao. Pero wag kang mag-alala, dahil tutulungan ka ng langit upang ang lahat ng umaasa sa iyo ay matulungan mo at mapasaya mo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  5, 14, 28,  34,  37, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Napapansin mo ba na kahit saan mamasukan ay ikaw ay ang nagtitinda? Ito ang isang napakalinaw na palatandaan na ikaw ay isinilang para  magtagumpay at yumaman sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Inuutusan ka ngayon ng iyong kapalaran na isabuhay mo ang malinis na puso at pagiging matulungin sa kapwa. Kapag nagawa mo ‘yan, ginagarantsahan ng langit ang iyong pag-asenso at ang tuloy-tuloy mong pagyaman. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Minsan ang ating tinapon ay siya pala ang ating kailangan. Wag kang pabigla-bigla dahil sa huli, baka ang inayawan mo ang magbibigay pala sa iyo ng napakalaking suwerte.  Kaya maging mainngat ka sa pagbibitiw ng disisyon higit lalo kung may kaugnayan ito sa pag-ibig at pakikipag-relasyon. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here