Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 9, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 9, 2020,  Huwebes – Mararanasan mo ngayon ang kabaitan ng langit, kung saan, kahit siya ay pinag-aalinlanganan mo, hindi ka nya matitiis. Dahil kahit magulo ang isip mo at kung ano-ano ang mga plinaplano at binabalak mo, isa-isang ipagkakaloob sa iyo ito ng nasa itaas, sa kundisyong  wag kang lang magmamadali at wag maiinip. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) May mga taong ginigipit ang kanyang sarili, dahil hindi naman niya kaya ay pilit na kinakaya. Wag kang tumulad sa kanila, kung ano ang kaya mo yon lang ang gawin mo. Dahil ang para sa iyo ay dadagdagan pa ng langit ng doble-doble at mas marami, kaya patuloy kang sasagana at magtatamo ng malalaking tagumpay. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Naaakit at naglalapitan ang mga suwerte sa masayahin. Kaya dapat may masayang kang personalidad. Sa mga malungkutin, naaakit nila ang mga negatibong bagay. Kaya ang payo, hindi ka dapat maging malungkutin, sa halip patuloy kang ngumiti, magsaya at magdiwang. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Madali lang upang ikaw ay suwertehin sa buhay. Kailangang ikaw ay laging may kasama. Kapag may kasama ka lagi kahit na medyo magkalayo kayo dahil paiiralin pa rin ang social distancing mesures para iwas Covid 19, magbabago ang iyong kapalaran puro suwerte at magagandang kapalaran na ang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag na wag mong papapangitin ang iyong buhay. Ganon din wag na wag mong papapangitin, ang sala ng inyong bahay, ang kusina, ang iyong silid at maging ang CR na madalas mong pinupuntahan. Kapag maganda ang nasa paligid mo, walang tigil paganda din ng paganda ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 13, 25, 26, 31, 41.  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Tuloy ang init ng ulo ng mga kasamahang walang pera. Iwasan mong magdidikit sa kanila baka ikaw ang mapagbalingan. Ugaliing magsuot ng protective mask upang maiwasan magka-Covid 19. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Matamis ang bunga ng hindi pinilit kunin. Wag kang magmadali yumaman. Dahil kapag napaaga ang iyong tagumpay, maaga din itong mawawala at matutunaw. Hayaan mong hinugin ng tadhana ang iyong pagasenso at magandang kapalaran. Ang mahalaga sa  ngayon wag kang lumabas ng bahay upang hindi ka tamaan ng Covid 19 at ng humaba pa ang iyong buhay. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Taglay mo ang malikhaing kaisipan, kaya hindi nakapagtatakang kaya mong solusyunan ang anumang uri ng mga problema at suliranin. Ibahagi mo sa mga nalulungkot at namumroblema ang iyong galing, dahil iyan mismo mo ang misyon mo sa mundo. Habang ginagawa mo ang iyong misyon, pagpapalain ka ng langit, at pagkakalooban ng maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung ano ang tanong dapat yon din ang sagot. Kapag sumobra, ito ay hindi na maganda, dahil ang anumang sobra ay pang-uuto na. Mag-ingat ka dahil maraming ang gusto ay ikaw ay mabola. Gamitin mo ang talas ng iyong pakiramdam upang hindi ka nila maisahan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ang may alam ay dapat turuan silang mga walang alam. Ikaw ay may alam, ang totoo nga mas maalam ka kaysa sa iba. Wag ipagdamot ang iyong karunungan at kaalaman, ipagpatuloy mong ibahagi ito sa iba. Makikita mo, ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran ay tuloy-tuloy na mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang taong masipag hindi takot sa trabaho kaya siya ay umaasenso. Samantalang ang tamad kahit madali lang ang trabaho ayaw pa ring mag-trabaho. Pero ang kapalaran mo ay kakaiba, kahit na magpakatamad ka, lagi ka pa ring bibigyan ng suwerte a buenas, dahil habang ikaw ay binubuo sa sinapupunan  ng iyong ina,  idinesenyo na ng langit ang upang suwertehin at magtagumpay. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Lagi namang may kontrabida, kaya wala ka ring magagawa kundi ang harapin ang mga nagsisikontra sa kagustuhan mo. Hanggang kontra lang naman sila, dahil anu’t-anoman ang mangyari, ikaw ang laging papabora ng langit, kaya ang mga nagsisikontra sa iyo ay mabibigo, habang ikaw ay patuloy na susuwertehin.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9,  18, 19, 27, 33, 45.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mahal ka ng nasa itaas, dahil ikaw ay sanga na dinadaluyan ng wagas na pagmamahal at pagmamalasakit sa iyong kapwa. Ipagpatuloy mo ang iyong kabutihan, at wag kang mag-alala, dahil saan ka man ipadpad ng tadhana, lagi ka pa ring padadalan ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here