Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Abril 8, 2021

Ito ang ating Online Horoscope Abril 8 2021,  Martes  –  Kakayahang paramihin ang lahat ng bagay, ito ang espesyal mong galing. Kaya humayo ka, walang pag-aalinlangan na ang iyong barya o ang iyong piso ay magiging milyon-milyong halaga balang araw. Ibig sabihin, hindi mapipigilan ninuman ang iyong pagyaman, dahil ‘yan na talaga ang nakatakda sa iyong kapalaran, bago ka pa isinilang. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Kayamanan ang kahulugan ng iyong pagsilang. Kaya, magpayaman ka ng magpayaman. Wag kang magdalawang isip pa at kumontra, magpayaman ka ng magpayaman hanggang sa ang mga ari-arian mo ay hindi na mabibilang. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

TAURUS  (April 20 – Mayo 20) Magtiwala ka sa iyong sarili at wag kang magpakita ng panghihina ng loob. Kapag nagawa mo ‘yan, makikita mo na ang mahal mo ay lalo pang magsisikap para sa lalo pang ikauunlad at ikaliligaya ng inyong samahan at ng inyong kabuhayan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Kaya mo ang mga pagsubok na nasa iyong harapan. Alam ng nasa itaas na magiging matatag ka  at lalo kang titibay kaya wag kang aatras sa laban ng iyong buhay. Kapag hindi ka umatras at sumuko, mas malaking gantimpala ang matagal ng inilaan sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Nasa labas ng bahay ang iyong mga suwerte kaya mamasyal ka kahit hindi tiyak na lugar ang gusto mong puntahan. Ang mahalaga ay ang hindi ka magkukulong at magmumukmok sa loob ng iyong kuwarto. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Masuwerteng panahon mo ito para sa career, sa hanap buhay at sa pagnenegosyo. Itutok ang iyong lahat ng lakas sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Wag na wag mong pagkaabalahan pa ang ibang mga bagay na hindi mo naman pagkakaperahan, masasayang lang ang iyong enerhiya at panahon dito. Tandaan mo, ito ang panahon ng pagpapaunlad at pagpapayaman.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Kakaiba ang talino mo dahil mas mautak ka kaysa sa iyong kapwa. Gamitin mo ang katalinuhang ito sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan at ginagarantiyahan ng langit na ikaw ay tiyak na yayaman.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) – Tularan mo ang mga langgam. Nakagagawa sila ng bundok ng pagkain mula sa mga maliit na mugmog ng pagkain na kanilang napupulot. Kaya ngayon na, wag na wag kang mag-aaksaya ng panahon, mag-ipon ka ng mag-ipon para sa iyong kinabukasan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Wag mong pansinin ang mga naiinggit sa ‘yo. Mas maganda na pakisamahan mo ng husto ang mga taong ito. Dahil sa bandang huli, ang mga naiinggit sa’yo at ang mga naninira sa’yo ay sila ring magtutulak sa’yo at magbibigay ng malaking oportunidad upang ikaw ay lalo pang magsikap at magpayaman.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Ito ang araw na hindi pa tapos ang iyong kaibigan sa pinaplano ninyong pamamasyal ay agad kang sasang-ayon. Masuwerte ka sa mga kaibigang nag-aanyaya sa’yong gumala at mapalad ka dahil ang paglalakwatsa ang talaga namang nagpapasigla sa iyong katawan at buong pagkatao. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CAPRICORN  (Disyembre 22 – Enero 19)  Hindi masasayang ang mga pagod at hirap mo sa kasalukuyan. Dahil pinapanood at nakikita ng nasa itaas kung gaano ka kapursigidong nagsisikap. Walang alinlangang gagantipalaan ka ng langit ng mga biyayang siksik, liglig at umaapaw hanggang sa ikaw ay yumaman ng yumaman ng ubod ng yaman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

AQUARIUS  (Enero 20 – Pebrero 18) Nagmamadali ang langit na pawiin ang iyong lungkot kaya mabilis na darating sa buhay mo ang nilalang na magpapasaya sa ‘yo at mabubura ang lahat ng iyong pagaalinlangan at pagaagam-agam sa buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Kapag ayaw na sa‘yo ayawan mo na rin. Wag mong pahirapan ang iyong sarili at wag mong pilitin ang iyong sarili na mapasaiyo ang isang tao o isang bagay na hindi naman talaga inilaan ng kapalaran para  sa’yo. Kapag bukal sa loob na hinayaan mo na silang mawala, may mas maganda at mas masayang pangyayaring ipapalit at  ipagkakaloob sa iyo ang langit. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here