Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 8, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 8, 2020,  Miyerkoles – Ang sandata na kaloob sa ‘yo ng Dakilang Maylikha ay mabuting puso. Sa ganito, hindi ka dadapuan ng anumang karamdaman,  magtatagumpay ka, uunlad, liligaya at yayaman.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 25, 28, 37, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang ihip ng hangin sa panahong ito ng tag-init ay mas masarap kaysa sa anumang uri ng pagkain. Sa pag-ihip ngayon ng iyong kapalaran, matapos na matapos ang suliranin ng buong mundo sa Covid 19, ipagkakaloob sa iyo ang malaki mong suwerte at ang tunay mong kaligayahan.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ang iba ay bumibili pa ng kung ano-anong palawit, kuwintas at dekorasyon bilang pampasuwete. Pero ang sa iyo ay kakaiba, lahat ng magagandang bagay  at lahat ng  masasarap na pagkain ang magsisilbi mong lucky charms na magbibigay sa iyo ng sigla, ng susnod-sunod na suwerte at ng magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27,  30,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Naglalaro ang tubig at hangin sa ibabaw ng dagat. Maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo sa panahong ito ng tag-araw, dahil aktuwal na bibigyan ka ng mga biyaya at suwerte ng tubig at ihip ng hangin.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi nabubuhay ang tao sa tinapay lamang dahil kailangan din niya ang tubig na espiritwal. Lumayo ka muna sa ngayon sa mga bagay na ang katawan lamang ang nasisiyahan. Sa halip, magnilaynilay ka ngayon upang magkaroon ka ng peace of mind. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Walang makagagapi sa iyo sa lahat ng mga pakikipagtunggali mo sa buhay. Dahil matutupad sa kapalaran mo ang sinasabing ang nagmamahal sa kapwa at sa pamilya ay ipagtatanggol mismo ng nasa itaas. Kaya anumang gawin mo sa ngayon ay tiyak na aani ng malalaking tagumpay.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 13, 25, 26, 31, 41.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May kakayahan kang baguhin ang anumang gusto mong baguhin. Kaya anuman ang nangyayari sa buhay mo ngayon, wag kang malungkot. Baguhin mo ang iyong kapalaran. Pinapanood ka ng nasa itaas,  at habang pinapanood ka ikaw din ay papatnubayan ng langit, kaya lahat ng pagbabagong sisimulan mo ngayon ay siya na ngang matutupad at mananaig.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Hindi mo maiiwasang makipagtalo sa mahal mo, dahil marami kang nakikita na kanyang mga mali, kahinaan at pagkukulang. Pero hindi mo ito dapat na ipamukha sa kanya, lagi-lagi at araw-araw, dahil hindi mo ba napapansin ang kanyang mukha, lagi na siyang mukhang kaawa-awa.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  17, 26,  34, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kapag ang tao ay umaakyat walang pumipigil sa kanya. Ang mataas ay inaakyat. Kaya simulan mo nang akyatin ang iyong ambisyon at mga pangarap. Makaaasa ka na makakamit mo ito, dahil ang umaakyat ay nakaaabot sa tuktok. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 18, 24, 26, 35,  43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Higit kang magiging mapalad sa araw na ito, dahil ang hindi mo hinihiling ay ipagkakaloob. At ang hinihiling mo ay pinagpasyahan din ng langit na ipagkaloob na rin sa iyo.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9,  18, 19, 27, 33, 45.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang handang matalo ay mahilig sa sugal, hindi ka sugarol kaya nararapat lang na ang bawat kilos mo ay tiyak at sigurado. Bumuo ka muna ng magandang plano bago mo isagawa ang iyong proyekto, kapag ganyan ka tiyak na magtataunpay ka. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5,  8, 19,  23, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang masarap na kuwentuhan ay mabisang panlaban sa kalungkutan. Mapapansin mo na maghahanap ka ng kakuwentuhan dahil kapag masaya ka sisigla ang iyong buhay. At kapag masigla ka,  maraming suwerte at magagandang kapalaran ang magsisidatingan.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kapag nalalagas ang mga dahon ng halaman, mga ilang araw lang ito ay pinapalitan ng kalikasan, kaya makikitang may mga panibagong dahon uli na nag uusbungan. Wag mong ikalungkot ang mga bagay na nawawala sa iyo dahil darating ang araw, papalitan ito ng langit ng mas magaganda pa at ng mga bagay na higit mong pakikinabangan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 14, 23, 32, 43, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here