Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 6, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 6, 2020,  Lunes – Hindi pangkaraniwan ang itinakda sa iyo ng langit. Kaya ang iyong kapalaran ay hindi rin pangkaraniwan. Dahil dito hindi mo dapat na hangarin ang maliliit na buenas, dahil hindi iyan para sa iyo. Sa halip ang para sa iyo talaga ay ang malalaking tagumpay at malalaking suwerte na matagal ng inilaan ng langit sa iyong kapalaran.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 24, 29, 37, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Isang malaking suwerte ang mapapasa kamay mo. Magkagayuman man, bilang pagtatapat sa iyo ito ay daraan lamang sa mga kamay mo, dahil kusa at bukal sa loob na ipagkakaloob mo ito sa mga taong malalapit sa puso mo.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 15, 33, 39, 43, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Talas ng pakiramdam ang kaloob sa iyo ngayon ng langit. Magagamit mo sa mga lalapit sa iyo na ang layunin ay maisahan ka at makunan ng malaking halaga. Ngunit dahil nga sa talas ang pakiramdam mo, malabo at hindi talaga sila makapananaig ng basta-basta laban sa iyo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 18, 28, 33, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Darapo sa balat mo ang masarap  at sariwang hangin na may dalang bago at magandang kapalaran. Dahil dito gaganda nang gaganda ng iyong kalagayan sa larangan ng pinansyal at aspeto ng pang damdamin. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 19, 21, 33, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagmumula sa isip ang dikta kung ano ang ating dapat na gawin. Dapat maganda lagi ang laman ng iyong isipan at magaganda bagay lamang ang iyong iisipin. Ito ang iyong sikreto para gumanda pa ng lalo ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 4, 14, 23, 28, 37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Itataas ka ngayon ng langit kung saan ay mapapasa ilalim mo ang iyong mga karibal. Ang iba sa kanila ay magnanasang makasama ka at maging kaibigan mo. Ngunit hindi dapat mangyari, dahil ang mga karibal mong ito sa sandaling naging kaibigan mo ang sisira sa iyo upang ibagsak kang muli. Kaya laging mag ingat sa mga kaibigang plastik at hindi totoo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  26,  33, 34, 42.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Guguhit ngayon araw na ito sa iyong kapalaran ang masasaya at nakatutuwaang kaganapan na magiging sanhi upang lalo ka pang magtamo ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga buwan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 11, 27,  28,  32, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Lalakas ang iyong pang-akit. Kasing lakas ng pulot na nilalapitan ng mga bubuyog. Magtataka ka rin sa sarili mo, mabibihag mo ngayon ang isang nilalang na parang malayo ang loob sa iyo sa nagdaang mga araw. Kusa siyang magpapakita at bibigay sa lahat ng iyong mga kagustuhan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1,  8, 19,  20, 37, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kikilos ang mga kaaway mo ng lihim laban sa iyo pero kikilos din ang langit at sila ay sama-samang magbubuhulin at mapapahiya sa kanilang mga sarili dahil sa halip na malasin ay lalo ka pang susuwertehin. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7,  10, 19, 27, 43, 45.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi ka mauubusan ng mga kaibigang handang magbigay sa iyo ng pag-alalay. Ang totoo nga, bukod sa sila ang tunay mong lakas, sila din ang iyong lucky charms. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 9, 12, 25, 36, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lilitaw ang mapang-akit mong personalidad. Ang sinumang makausap mo at makatabi ay magagayuma sa iyo. Magkagayuman ang payo gamitin mo lang sila para pagkakitaan habang ang tama ay manatili ka pa rin sa iyong tunay na mahal.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 17, 23, 26, 31, 41.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) May lihim na gustong malaman ang iyong mga lihim na akala nila ay makasisira sa ‘yo  pero ang kanilang matutuklasan ay ang mga magagandang katangian mo na magpapahanga pa sa kanila ng husto sa iyo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 16, 23, 26, 35,  43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon, dahil sa iyong pananahimik at kawalang kibo, ikaw ang mapipili ng langit upang bigyan ng malaking  suwerte at magandang kapalaran.  Kapag may sumobra, ibahagi mo ito sa mga taong mahihirap at mga kapos-palad upang lalo ka pang suwetehin at pagpalain. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 14, 18, 27, 33, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here