Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 5, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 5, 2020,  Linggo – Pagpapalakas at pagyaman! Ito ang isa pang pangalan ng araw na ito para sa ‘yo. Lalakas ka tulad ng isang kabalyerong mahaharap sa mga hamon ng kapalaran na siya ay tiyak na mananagumpay at yayaman matapos na matapos ang problema sa Covid 19. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 19, 21, 33, 37, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi matapos tapos ang iyong kaba at hindi maipaliwanag na konting nerbiyos. Magkagayuman, kaya ka nagkakaganyan ay dahil nagdadatingan na naman ang iyong mga suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 14, 18, 27, 33, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Naiinip ka, hindi ba? Ang masuwerteng balita para sa iyo, ang araw na ito ay nagsasabing tapos na ang iyong paghihintay, kusang gaganda ang iyong kapalaran, kaya sunod-sunod na suwerte ang bigla mong matatanggap. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 9, 12, 25, 36, 41, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi ka dapat mapabilang sa mga taong pabago-bago ng pangarap. Tapuisn mo muna ang isa at saka ka mag iisp ng iba. Kapag natatapos mo ng maayos na maayos ang anumang gawaing inatang sa iyong balikat, makikita mo, magsisimula ka ng suwertehin ng suwetehin hanggang sa umunlad ng umunlad.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 18, 28, 33, 40, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dumating na naman ang araw at ito ay ang ngayon na kung kailan ay nasa malakas na level ang iyong pandama. Ito rin ay nagsasabing ang magaganap pa lang ay maaga mong masasagap at malalaman.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 16, 23, 26, 35,  43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Lihim kang ngumiti kapag may naiinggit sa iyo yo dahil habang ganon sila, ikaw naman ay patuloy na huhulugan ng mga grasya ng nasa itaas, hindi ka maghihirap at laging aagapay sa iyo ang suwerte at magagandang kapalatan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7,  10, 19, 27, 43, 45.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Pakinggan mo ang payo para sa iyo ng mga bituin sa araw na ito. Kapag inilagay mo sa iyon isip na gaganda ang anumang pangit sa buhay mo, tiyak na tiyak na gaganda nga at ikaw ay labis na matutuwa. Anumang magandang bagay na isipin mo ay magkakatotoo. Kaya mula ngayon iwasan ng mag isip ng mga negatibong bagay, dahil baka pati yon ay magkatotoo.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 15, 33, 39, 43, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Wag mong sayangin ang araw na ito na isa sa iyong masusuwerteng araw. Kahit na nasa bahay lang, mangarap ka ngayon at makaaasa ka na anuman ang iyong papangarapin ay mapapasa iyo at matutupad.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1,  8, 19,  20, 37, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Isang mahiwagang pangyayari ang mararahnasan mo. Sa pagdapo sa iyong pisngi ng marahang dampi ng hangin, kasabay nito papasok sa buong katauhan mo ang hindi mabiling na mga suwerte na magpapasaya sa iyo sa mahabang panahon. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 17, 23, 26, 31, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Muli mong pag-aralan ang iyong mga nakaraan dahil ang sikreto ng iyong tagumpay ay nasa mga aral ng buhay, na nakalakip ng iyong mga karanasan.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 4, 14, 23, 28, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Isa kang taong malihim, kaya hindi mo sinasabi sa iyong mga nasa paligid na mataas ang iyong pangarap. Lihim ka ring aalalayan ng langit kaya makakamit mo ang anumang iyong nais at hinahangad sa buhay. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 24, 29, 37, 43.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ngayon ang tamang araw upang mapagtimbang-timbang mo ang mga oportunidad na nasa iyong harapan. Kung saan, makikinabang ka ng malaki at sasaya ka pa, iyon na ang piliin mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7,  14,  26,  33, 34, 42.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi mo ba napapansin, habang tanong ka ng tanong kung ano ang mabuti at kung ano ang hindi, lalo kang hindi makakilos? Kaya ang payo, kumilos ka ngayon ayon sa iyong gusto at intuition dahil yon ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 11, 27,  28,  32, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here