Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 3, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 3, 2020,  Biyernes – Sadyang malalaking tagumpay sa buhay ang sa ‘yo ay nakalaan. Kaya nga mapapansin mo na iyong inaayawan ang maliliit at mga walang kuwentang mga proyekto at trabaho. Wait ka lang, pagkatapos na pagkatapos ng Covid 19, anglahat ng ito ay magdaratingan na.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  6, 15, 21, 27, 33, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi papayag ang langit na manatili ka sa kalungkutan at sa kahirapan. Isinilang ka para magkaroon ng masarap na buhay. Kaya magmula ngayon, dahan-dahan ng mawawala ang Covid 19 na labis na sa iyo ay nagbibigay ng problema at kalungkutan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 16, 33, 39, 43, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Makinig ka sa mga payo na manggagaling sa malalapit mog kaibigan. Higit na mas maganda ang sinasabi nila kaysa sa sarili mong diskarte.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 7, 10, 18, 27, 37, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Tulungan mo ang isang kaibigan na lalapit sa iyo. Ang gagastusin mo sa pagpapasarap at paglalakwatsa ay ibigay mo muna sa kanya. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3,  16, 19,  20, 37, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Alisin mo ang sama ng iyong loob dahil ang isa sa kundisyon para gumana ang mga suwerte mo ay ang payapang kaisipan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 22, 28, 33, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Tatalunin ka ngayon ng hindi maipaliwanag na lungkot pero pansamantala lang dahil ikaw na rin ang makadarama na ang buhay mo ay paganda na ng paganda.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 8, 13, 25, 36, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Iwasan mo ang maging tagapamagitan sa mga hindi nagkakaintidihan kung ayaw mo na ikaw mismo ay masangakot sa malaking kaguluhan. Ang mas magandang pagtuunan mo ngayon ng panahon upang ikaw ay palarin ay ang personal mong buhay. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 4, 17, 23, 32, 37, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sobrang gastos mo. Oo may umaalalay sa ‘yo pero maaaring naisip niya na sobra ka na! Magtipid muna at huwag bumili ng hindi naman mahalaga. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  14,  21,  33, 39, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi masaya ang mga kasama mo sa bahay dahil waa na silang naririnig sa iyo kundi ang mag-utos. Mas maganda kung ikaw naman ang gagawa habang sila ay nagpapahinga lang. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 11, 27,  28,  36, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Matutuwa at susuwertehin ka ngayon dahil ang mga tao sa iyong paligid ay makikitang nagsisikilos ayon sa iyong mga kagustuhan kahit na ikaw ay nasa bahay lang. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 12, 24, 29, 36, 43.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Maging praktikal ka upang umunlad at magkaroon ng savings, kaya nga bago mo tulungan ang isang tao, kailangang makita mo muna na hindi makakaapekto sa iyong kabuhayan ang ipagkakaloob mong tulong sa kanya. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 14, 19, 32, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) May bukas pa, baka nakakalimutan mo. Bawasan ang sipag dahil ang kailangan mo ay lakas ng katawan para sa mga araw-araw na darating pa.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 17, 23, 26, 35,  43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sanayin mo ang iyong sarili na makisalamuha sa mga pangkaraniwang mga tao. Sa kanila mas maiging masaya ka kaysa sa madalas na pagsama sa mga may sinasabi pero hindi ka naman tunay na masaya. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7,  15, 19, 27, 42, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here