Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Abril 26, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Abril 26, 2021, Lunes – Minsan pa muli mong ilabas ang lakas ng iyong loob. Gamitin ang lakas ng loob na ito at makakaasa ka na ang malaking tagumpay na noon mo pa gustong-gusto makamit ay ipagkakaloob na sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 9, 18, 27, 37, 45.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Babantayan ka ngayon ng mga anghel sa langit. Hindi ka maaano kahit na magsilabasan pa ang mga lantad at lihim mong kaaway. At dahil binabantayan ka ng iyong “anghel dela guwardiya” anumang kailangang-kailangan mo ang hilingin mo ay tiyak na magkakatotoo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 4, 12, 24, 33, 36, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nagdaratingan na ang maraming magagandang kapalaran na tanging laan sa iyo. Pahalagahan mo at ingatan. Para sa iyo ang mga ito at hindi para sa ibang tao. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero  1, 6, 12, 19, 37, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Oo medyo nakukulangan ka pa sa mga biyayang natatanggap mo at alam yan ng nasa itaas. Kaya naman kikilos ang langit at magdadagsaan ang suwerte at magagandang kapalarang darating sa iyo sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5,  14,  23, 35,  39, 43. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pahalagahan mo ang mga munting tulong na iyong natatanggap. Ganon din ang mga biyayang dumarating sa iyo kahit anupa ito. Habang pinapahalagahan mo ang lahat ng bagay at tanggap lang ng tanggap ng may pasasalamat, darami iyan ng darami, hanggang sa maging isang dambuhala at napakalaking suwerte.  Mapalad na kulay ang white.  Masuwerteng numero 2, 7,  16,  22, 34, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nagbabalak kang ibagsak ng mga naiingit sa iyo at ng mga nakaka-intrigahan mo. Ngunit  sa panahong ito mananaig pa rin ang iyong karisma at kakaibang ganda. Hindi sila mananaig at dahil mabagsik ang iyong kapangyarihan sa ngayon, sila na nagbabalak ng masama sa iyo ang ibabagsak ng langit – sila ang mapapahamak at malalagay sa sobrang kahihiyan.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 37, 42, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Iinit ang iyong pakiramdam, aakalain mong ito ay dala lamang ng mainit na panahon, ngunit namamali ka. Sapagkat ang kakaibang init na iyong nararamdaman ay may pangako ng katuparan ng mga dati mo ng pangarap. Magdiwang at magalak ka ngayon, dahil lahat ng ninanais at plinano mo noong nagdaang mga araw ay isa isa ng magdaratingan ngayon. Mapalad na kulay ang purple.  Masuwerteng numero 2, 5, 17, 33, 36, 40.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Inuutasan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang mga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihn, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. Gawin mo ang isang bagay na nagpapasaya sa yo – mag-shopping, kumain ng marami o kaya’y mamasyal kung saan-saan. Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero 6, 12, 21, 27, 33, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Iyong iba ay sinusubok kaya kaunting problema lang ay madaling sumusuko at nabubuwal. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang sinusubok ka ng langit, lalo ka namang tumatatag at tumatapang. Ang isa pang magandang balita, ang lahat ng pagsubok ng darating sa iyong buhay, ay magagawa mong oportinidad upang lalo pang gumanda ng gumanda ang iyong kapalaran.  Mapalad ang kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 8, 11,  22,  38, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Mapaparam at mawawala na ang mga hinanakit mo at mapapalitan ng labis na kagalakan sa sandaling dumating na ang malalaking suwerte na regalo sa iyo ng langit. Basta maging madasalin ka at alisin ang hinanakit at sama ng loob sa iyong puso at isipan, makikita mo, ang regalong ito ng langit ay agad mong matatanggap. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero  6, 15, 18, 25, 36, 42.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Matapos kang subukan ng tadhana, ikaw ay tila muog na bakal, lalong titibay. Ang tibay mong taglay ang magsisilbing puhunan upang matupad mong lahat ang iyong inaambisyon sa buhay hanggang sa ikaw ay yumaman. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 14, 22, 27, 31, 43. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Matatag na pagkatao ang regalo sa iyo ng langit. Gamitin mo ito sa bawat hamon ng kapalaran. Makaaasa ka na susuko sa iyo ang lahat ng pagsubok at mga problema. At dahil susuko sa harapan mo ang mga problema, sa dakong huli malaking pagwawagi ang iyon maiuuwi. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 4, 13, 25, 28, 39, 45.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nagsisimula muna sa ambon ang ulan bago tuluyang lumakas ng todo. Parang hindi kapani-paniwala pero ganon talaga ang mangyayari, ganon din ang iyong suwerte, paisa-isang patak muna, pero habang nagtatagal, dadami na ng husto ang buhos ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na ang kulay na green. Masuwerteng numero 2, 11, 20, 25, 29, 34

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here