Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 24, 2019

1
452
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 24, 2019, Miyerkoles  –  Maraming biyaya ang darating sa iyo ngayon. Hindi mo ito dapat na sarilinin. Ibahagi mo ito sa mga taong malalapit sa puso mo. Kapag ganyan ka, kahit ano ang lagay ng panahon, tag-ulan man o tag-araw, tuloy-tuloy ang dating sa iyo ng magagandang kapalaran. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  3, 18, 27, 33, 39, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Tuloy-tuloy ang dating ng suwerte sa iyong buhay. Suwerteng pang-pinansyal, suwerteng pampamilya at suwerteng pang-damdamin. Ngunit sa masayang panahong ito ng iyong buhay, may paalala sa iyo ang langit. Ingatan mo ang mga pagkaing hindi dapat, dahil may posibilidad na makalimot ka at kainin mo ng kainin ang mga pagkaing makasasama sa iyong kalusugan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 27, 29,  35, 39, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kapag hindi ka nainip, malaking suwerte ang mapapasa iyo. Pero kapag nagmadali ka, malaking pag-atras ng kabuhayan ang maaaring maging kasunod. Kaya sa panahong ito ng tag-araw, matutong maghintay. Kapag nagawa mo yan, kusang dadarapo sa iyo ang magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerte ang numerong 5, 14, 23, 32, 40 at 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Sa nalalapit na kaarawan mo at sa panahong ito, hindi lang isa at hindi rin dalawa ang matatanggap mong regalo mula sa mga nagmamahal sa iyo ngayong kapaskuhan, kundi marami. Pero ang higit na pahahalagahan mo ay ang regalo ng isang pusong may lihim na pagtingin sa iyo. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 2, 17, 23, 37, 40, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagbabala ang araw na ito na ikaw ay maaaring maisahan ng mga mandaraya. Makabubuti na huwag kang basta-basta na lang maniniwala sa mga magagandang salita. Mapalad ang kulay na gray. Masuwerte ang numerong 9, 14, 23, 27, 35, at 42. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hiniling mo sa langit na magkaroon ng pag-unlad at ligaya sa inyong pamilya. Pakikinggan ka!  Kaya ang biglaang pagbabago ng takbo ng buhay nyo ay mapapa sa iyo, upang sa panahong ito ng tag-araw, ang inyong pamilya ay tuloy-tuloy ng umunlad at lumigaya. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 7, 18, 25, 28, 31, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw at ito rin ang panahong ikaw ay dapat na magtipid. Dahil sa panahong ito ikaw ay maeengganyo na kung saan hindi ka maaawat sa kapapamili na sa katotohanang ubos na pala ang pera mo sa kabibili. Kaya ang dapat matutong mag-ipon at magsinop upang ang inyong kabuhayan ay hindi na muling masaid. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  18,  24, 34, 36, 43.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Napakalakas ng kapangyarihan ng iyong mga mata sa araw na ito. Ang bawat sulyap mo ay magiging isang sibat na sapat upang maakit mo ang mga taong matititigan mo. Sa sandaling sila ay natitigan mo, ang mga suwerte at magandang kapalaran na dapat ay sa kanila ay kusang mahihigop mo at mapupunta sa iyo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerte ang numerong 7, 16, 25, 34, 42 at 44.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Malaki ang madadagdag sa hawak mong pera sa ngayon. Kaya lang ito ay mapapansin ng mga taong nakapaligid sa iyo. Kapag napansin nilang mapera ka, malamang na ikaw ay mautangan na naman ng walang bayaran. Piliin lang ang mga taong dapat na pahiramin ng pera – silang alam mong may mga pambayad. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerte ang numerong 3, 12, 15, 24, 33 at 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Marami na ang humahanga sa iyo. Hindi nila maiwasang masabi sa kanilang sarili na higit kang mapalad at higit kang mas maganda kaysa sa kanila. At habang gumaganda ka, tuloy ang dating ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa iyong karanasan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 16,  27, 29, 34, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ngayong panahong ito ng tag-araw, mas magtatamo ka ng suwerte at magagandang kapalaran kung mag-iisip ka ng diskarte kung paano mo mapapaligaya ang mga mahihirap at mga kapos palad. Isagawa mo na ngayon at sa araw ng bukas upang ang iyong mga suwerte ay magsimula na ring dumatal. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 3, 18, 28, 39, 42, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kahit na ano pa ang kalagayan mo sa buhay sa ngayon, magsaya ka! Makipagbiruan ka sa iyong mga kasama. Ang anumang lungkot, kahit gaano pa kaliit sa ngayon ay hindi makabubuti sa mga taong nakapaligid sa iyo, sa iyong pamilya at maging sa iyong kalusugan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  4, 19, 28, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Wag kang papayag na mangulila ngayong panahon ng tag-araw, Puwede ka namang maki-join sa iyong mga kaibigan at sa mga mahal mo sa buhay. Tandaang ang masayang desposisyon sa buhay, lalo na sa panahong itong mainit ang kapaligiran  ay siyang magiging pasimula ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalarang malapit na malapt ng dumating. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 14, 25, 30, 39, 43.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here