Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 23, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 23, 2019, Martes  – Mabilis na guguhit ang liwanag ng bulalakaw sa langit, kasabay ng pagguhit nito, guguhit din ang kasikatan mo habang ang mga pangkaraniwang tao ay tila ba nawawalan na ng pag-asang umasenso. Naiiba ka sa kanila dahil ang mga suwerte ay kusang magdaratingan hanggang sa ikaw hindi lang umasenso bagkus ay yumaman pa. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 14, 28, 32, 39, 44.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Maliit na suwerte muna ang mapapasa iyo pero kung gagamitin mo ang mga ito  sa negosyo lalago ito tulad ng punong kahoy na nagmula sa maliit na buto, at pagdating ng tamang panahon ay makikitang hitik na hitik sa matatamis na bunga. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 12, 19, 32, 33, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Bawat lakas ng loob na iyong ipamamalas ay may katapat na suwerte. Kaya wag kang matakot, dahil bukod sa magbubunga ng magandang kapalaran ang iyong tapang may dagdag pa ito na masasayang kaganapan. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 1, 19,  26, 31, 33, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Bilang paalala sa iyo ngayong nalalapit na ang karawan mo, hindi naman kailangang magkaroon ng magarbong handaan. Kahit pangkaraniwang pansit lamang at konting inumin ay sapat na, para sumaya naman ang mga taong babati sa iyo. Ang mabuting balita sa kaarawan mong ito ay ganito: “sa bawat bati na mula sa puso na maririnig mo, may katumbas itong mga biyaya at pagpapala na ang langit mismo magkakalooban sa iyo.” Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 27, 29,  35, 39, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagyon pa lang kahit malayo-layo pa ang kaarawan mo. magsuot ka na ng mga damit na masasaya ang kulay. Makaaasa ka na ang mga magagandang kapalaran ay maaga mong matitikman, lalo na sa pag-ibig at sa materyal na bagay. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  5, 17, 27, 35, 39, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Tulad ng tala sa silangan, magiging makislap ang iyong buhay ngayon. Masisilaw maging ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Kaya ngayon pa lang magsisigawa na sila ng paraan para mapalapit sa iyo. Ngunit hindi ka dapat magtiwala ng basta-basta dahil marami rin sa mga magiging kaibigan mo ang magte-traydor sa iyo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 18, 23, 39, 42, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ikaw ang tagapagbigay ng mga ideyang magpapaganda at magpapasaya sa lahat. Ito ang papel mo sa mundo. Inaasahan lilitaw ang iyong mga espesyal na talino at kahusayan. Kasabay nito, sa sandaling lumitaw ang mga espesyal mong talino at kahusayan, lalo kang susuwertehin at magkakaroon ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 13,  25, 29, 31, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Habang naiisip mo ang mga bagay na magaganda, makipagsapalaran ka, dahil tiyak na mananalo at magwawagi ka. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 2, 7, 25, 37, 40, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mapapasa iyo ang mga suwerteng pinakaaasam ng marami dahil sa pamamagitan ng iyong malakas na kutob matsatsambahan mo ang kumibinasyon ng mananalo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 9, 14, 25, 32, 39, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Lubos kang pagpapalain sa araw na ito. Habang patuloy ang pag init ng panahon, dating naman ng dating sa buhay mo ang ibat-ibang uri ng suwerte, hindi lamang sa career at sa salapi, kundi maging sa biglaan at hindi inaasahang masasarap at nakapananabik na romansa. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero ang 3, 6, 15, 21, 30, 33 at 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Maiiba ang mga pangyayari sa iyong buhay at medyo malilito ka. Pero kapag napawi na ang iyong kalituhan, sa bandang huli papabor din sa iyo ang lahat ng mga pangyayari at sitwasyon. Malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang tuloy-tuloy mong makakamit.  Mapalad na kulay ang olive green. Masuwerteng numero ang 7, 16, 25, 28, 31 at 34.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Napakalakas ng iyong karisma. Pero puwedeng ito rin ang magbigay sa iyo ng problema, dahil marami sa mga madidikit sa iyo ay pangangarapin na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 34, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Habang siniskap mong lutasin ang iyong mga suliranin, lalong bumibigat ang iyong mga pasanin. Kapag hinayaan mo lang ang mga ito, magugulat ka pa, parang lagay ng panahon, ang malakas na bagyo ay tuluyan na riing mawawala at tatangayin ng hangin, kamugat-mugat mo wala ka naman pala talagang problema. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 4, 8, 22, 28, 31, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here