Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 2, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 2, 2020,  Huwebes –  Kabilang ka sa mga masusuwerteng nilalang. Kaya kahit ano pa ang maranasan mo ang mga suwerte ay magpapabalik-balik sa iyo. Kaya kahit na may mga pagsubok na dumating hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, dahil ang kasunod ng mga pagsubok ay pagdating na mas malalaki pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7,  10, 19, 27, 42, 44.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Bumabagal ang takbo ng iyong kapalaran dahil kailangang mong magpahinga muna, para sa marami pang bukas kung kailan magiging sobrang abala ka dahil mas maraming mas magagandang oportunidad ng pagkakaperahan ang darating pagkatapos na pagkatapos ng problemang sa Covid 19. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 11, 27,  28,  32, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na matutupad sa iyo ang sinasabi nilang “stay at home”. Pero ang kakaiba, kahit na nasa bahay ka lang, tuloy-tuloy na darating sai yo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 33, 42 at 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  May ilang suwerte na humahabol para sa iyo. Ito ang mga suwerteng hindi napupunta sa ilang malalapit sa iyo dahil hindi naman para sa kanila ang nasabing suwerte at hindi sila hanad para dito. Kaya naman ang suwerte, ay para sa mga taong nakahanda lamang tulad mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  14,  26,  33, 39, 42.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na isa-isa ng matutupad ang iyong mga plano at inaambisyon sa buhay. Ang mahalaga, wag kang manghihinaan ng loob. Tuloy-tuloy mo lang ang iyong ginagawa, kahit pa may mga komokontra at humadlang sa iyo. Ang lahat ng iyan ay pansamantala lamang at sa bndang huli ikaw pa rin ang mananaig at magtatagumpay. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1,  16, 19,  20, 37, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Umiinit na ang panahon at ang pagiging malaya ang sa’yo ay nagpapasigla. Ngayon, aayawan mo ang mga bagay na masisikip na parang sumasakal sa ‘yo, kahit ang iyong damit ay huhubarin mo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 17, 23, 26, 33, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na sinasabing iwasan mo ang mga malungkutin dahil baka mahawa ka. Lumayo ka sa mga may negatibong pananaw baka manamlay ang iyong sigla. Kaya nga kahit na nasa bahay ka lang, ugaliin mong maging amsaya, upang ang iyong kapalaran ay lalo pang gumanda.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 8, 12, 25, 36, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Makakabangga mo ngayon ang ilan sa mga mahal mo sa buhay, pero sa bandang huli ikaw ang mananaig. Dahil hindi naman nila makakayang ikaw ay nalulungkot. At habang pinagbibigyan ka ng mga mahal mo sa buhay, patuloy ang dating sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 17, 33, 39, 43, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mabilis ang pasya mo at kung minsan ay pabago-bago pa. Pero wag kang mag-alala, dahil ang ugali mong ito ay siya ring magdadala sa maraming suwerte at tagumpay sa iyong buhay.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 8, 24, 29, 36, 43.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Sumisikat ang Haring Araw sa silangan kaya nagkakaroon ng bagong umaga na kay ganda pero para sa iyo may araw man o wala, ayon sa kapalaran mo laging magagandang bukas ang nakalaan sa iyo. Wag kang mag alala, pagkatapos na pagkatapos ng suliranin sa Covid 19, lalo pang gaganda ang kapalaran mo. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 4, 17, 23, 28, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kakasyahan ka ng nasa itaas, kaya sa araw na ito malaya mong magagawa ang anumang gusto mong gawin ngayon. Nagbabantay ang mga mata ng langit at hindi mananaig  ang mga karibal mo na nakalantad at maging ang mga lihim mong kaaway. Pag-alis na pag-alis ng Covid 19, siguradong ikaw ang mananaig at magtatagumpay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 15, 23, 26, 35,  43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon, dahil sa iyong pananahimik at kawalang kibo, ikaw ang mapipili ng kapalaran upang bigyan ng malaking suwerte na hindi mo inaasahan. Sa sandaling dumating na ang malaking suwerteng ito, at kung may sosobra sa mga pangangailangan mo, ipamahagi mo sa mga kapos-palad upang ang magandang kapalaran ay tuloy-tuloy na dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 19, 21, 32, 37, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) May makukuha kang suwerte sa mga kakilala mong nasa malayong lugar. Makipagugnayan ka sa kanila. Matutulungan ka nila at maaaring sa tulong nila, mas bibilis na aasenso ang iyong buhay. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 7, 14, 18, 27, 33, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here