Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 16, 2019

0
446
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 16, 2019, Martes  –  Kahit panahon na ng tag-araw at tumtindi pa ang init ngayong Mahal na Araw, patuloy pa hanggang sa ngayon ang pagbuhos sa ‘yo ng magandang kapalaran. Ang mga hindi mo gaanong kailangan ay dapat na ibahagi mo sa iyong mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  2, 8, 25, 28, 34, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi ka iiwan ng iyong mga suwerte. Nagsisikuha lang sila ng malakas na buelo ng sa ganon, ay hindi na makaporma pa ang mga naiingit sa iyo at ang mga lihim mong kaaway. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 6, 19, 28, 35, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hindi lang isa ang magbibigay sa iyo ng regalo sa nalalapit mong kaarawan. Sapagkat nagpasya ang langit na ikaw ay regaluhan ng marami.  Kaya makaaasa kang sa susunod na mga araw, at sa darating mong kaarawan, mas marami at mas hitik na mga biyaya ang makakamit mo at ng iyong pamilya. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 9, 18,  27, 35, 39, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Lilipad at bababa palapit sa iyo na tulad ng mga ibon sa langit ang suwerte. Pero may kundisyon, para ito ay mangyari, kung saan, dapat mong itapon ang mga negatibong laman ng iyong puso at isipan,  upang makapamugad ng husto ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  4, 18, 22, 31, 39, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ginhawang pangdamdamin na matagal mo ng inaasam-asam ang ireregalo sa iyo ngayon ng langit. Hindi ka makadarama ng pagod sa isip at ang iyong puso ay mapapahinga sa mga pagalala at sa lahat ng mga suliranin na hindi pa naman dumarating.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 8, 17, 29, 31, 34, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Wag kang manghinayang sa mga nagastos mo na salapi para sa iyong pamilya.  Makaaasa ka na aayon sa mga plano mo ang mga pangyayari, kaya mabilis at muling madodobe ang mahahawakan mong salapi na magiging sobra-sobra talaga sa iyong mga pangangailangan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  18,  22, 33, 38, 44.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Pagbuhos ng mga suwerte mula sa langit ang kahulugan ng araw na ito at para sa iyo, pag-apaw naman ng mga kagalakan ang kasing kahulugang nito. Ibahagi sa kapwa ang ilang mga grasya na mapapasa kamay mo. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 5, 16, 23, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Sino ang masaya at binubuwenas pero panay pa rin ang dating ng kanyang mga suwerte sa buhay? Ikaw! Huwag mong kalimutan ang mga naging dahilan ng iyong  magagandang kapalaran. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  6, 15,  24, 33, 39, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na pasasayahin ka ng langit. Kaya ang mga nagtatangkang bigyan ka ng mga problema ay mapapahiya sa kanilang sarili. Magpasalamat ka sa nasa itaas, dahil hindi lang saya ang ipagkakaloob sa iyo, pagkakaloob ka rin ng mga biyayang may kaugnayan sa materyal na bagay.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 2, 10,  25, 28, 33, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Alisin mo kahit na pansamantala lamang ang sobrang kaseryosohan sa iyo ng mukha, dahil sa mga sandali na ikaw ay may mga ngiti sa iyong mga labi doon lamang babalik at muling magsisimulang pumasok sa iyong pagkatao ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 9, 27,  36, 39, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Balikan mo ang iyong mga nakaraan. Sa pagbabalik mo, huminto ka  sandali sa mga masasayang karanasan. Ito ang susi upang muli ring magbalik sa iyong buhay ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 12, 33, 39, 41, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kunin mo ang mga suwerteng idinaan ng langit sa iyong mga kaibigan at kasama, sa pamamagitan ng pagdikit ng iyong balat. Ginamit sila ng iyong kapalaran upang maunawaan ninyo na habang buhay kayong magsasama-sama at magmamahalan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 18, 23, 32, 34, 44.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag malulungkot kapag hindi napasa iyo ang ilang suwerteng hinihiling mo sa langit. Dahil ang ipagkakaloob sa iyo ay higit na marami kaysa sa hinihingi mo. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 2, 16, 23, 28, 34, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here