Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 14, 2019

0
335
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 14, 2019,  Linggo  –  Ito ang araw na kusang lalapit sa iyo ang suwerte. ‘Wag mo ng bigyan pa ng ibang pakahulugan. Talagang ikaw ay aktuwal na lalapitan ng suwerte. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 14, 27,  33, 39, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) May naghahanap sa iyo! Hinahanap ka na ng suwerte at magandang kapalaran. Upang magtagpo kayong dalawa, sa panahong ito ng Mahal na Araw lagi kang maglalabas ng bahay. At sa sandaling nagkita na kayo ng suwertre at magandang kapalaran, hindi ka na niya hihiwalayn habang buhay na kayong magsasama. Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero 3, 7, 18, 25, 34 at 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Nabibigo talaga muna bago magtagumpay at lumuluha muna bago lumigaya. Panahon na upang ikaw ay tumayo at itaas ang iyong ulo, ang kabiguan ay ituring mong tuntungan na magiging hagdanan ng iyong tagumpay. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 13,  25, 31, 39, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ito ang araw na ikaw ay binabalaan na maaaring maging mabilis ang iyong pagpapasya na hindi dapat, na para bang nakalimutan mong isa alang-alang ang mga mahal mo sa buhay. Unahin mo muna sila bago ang iba, upang sa panahong ito ng Mahal na Araw ay lalo pang bumuti ng bumuti hanggang sa lumigaya ang inyong buhay at ang buhay ng iyong pamilya. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  7, 14, 19,  32,  35, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hayaan mo lang ang mga taong hindi makaunawa sa mga hangarin mo sa buhay. Walang pagdududa na makukuha mo ang lahat ng iyong gusto. At dahil makukuha mo ang lahat ng iyong mga gusto, sa bandang huli uunawain ka rin at maiintidihan ng mga taong umaayaw sa ‘yo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 3, 16, 27, 28, 35, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ngayon mo mapapansing mahal ka ng langit. Isa-isa ng mawawala ang mga suliranin mo, kasabay nito magdaratingan na ang mga taong makatutulong sa iyo. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  2, 19, 21, 29, 32, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na  kung kailan ikaw at ang mismong suwerte ay iisa. Kung nasaan ka, naroroon ang suwerte. Kung saan wala ka, roon ay wala ring suwerte. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  5, 14, 25, 32, 41, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ang iba ay nalilibang sa saya at ligaya, kaya hindi nakakaipon at hindi rin umuunlad ang kanilang kabuhayan. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit na malibang ka sa saya at ligaya, marami pa ring suwerte ang darating sa ‘yo,  kaya kahit anu pa ang gawin mo,  tuloy-tuloy na uunlad at sasagana ang kabuhayan mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  9,  12,  22, 31, 37, 44.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tandaan mo, ang pagiging abala ang susi upang ikaw ay umunlad ng umunlad. Ito ang araw upang abalahin mo ang iyong sarili sa lahat ng bagay na pagkakaperahan. Pinapanood ka ng langit, kung kaya’t habang nagaabala ka sa materyal na bagay, ipagkakaloob naman sa iyo ang pinagkakaabalahan mong ito. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 4, 16, 29, 31, 34, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na ang mga suwerte mo ay makikitang mula sa maliit ay magiging palaki ng palaki hanggang sa sobrang malaki na, na halos pati ikaw ay hindi makapaniwala. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 2, 13, 21, 28, 39, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) “May bukas pa!” Ito ang sabi ng mga tamad. ‘Wag mo silang tularan. Magpakasipag ka, dahil para sa iyo ang kailangan para mas mabilis na umunlad at yumaman ay ang katagang “Wala ng bukas!” Gawin mo na ngayon ang lahat ng kaya mong gawin. Sa ganyang paraan, makakamit mo ang isang napakasarap na tagumpay at ligaya. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 5, 18,  27, 35, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Iwasan ang matagalang pag-iisp sa mga nagaganap sa iyong buhay. Sa halip, tulad ng alon sa batis, sakyan mo lang ang agos ng kapalaran at ang mahalaga wag ka lang sasalungat, makikita mo dadalhin ka ng agos kung saan ikaw ay uunlad at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  7, 9,  24, 29, 31, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na tutumbasan ng langit ng doble ang anumang gagawin mong pagsisikap. Umpisahan mo na ngayon damihan pang lalo ang pagsisipag upang doble-dobleng biyaya at kasaganaan din ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 29, 32, 34, 44.   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here