Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 12, 2019

0
271
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 12, 2019,  Biyernes  –  Ikaw ang dapat manguna sa iyong mga kasama. Kapag pinangunahan mo sila at pinamunuan, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay ngayong papasok na ang Mahal na Araw. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 9,  27, 34, 39, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ngayong malapit na ang Mahal na Araw katahimikan ng puso ang kailangan mo ngayon. Kapag payapa ang iyong isip at kapmpante ang iyong damdamin, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusa at agad-agad na darating. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 7, 14,  24, 36, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Payag ngayon ang kapalaran na ikaw ay magdikta ng kung ano ang gusto mong mangyari. Puwede ka ring magdikta ng kung anong wish mo sa nalalapit mong kaarawan. Kapag may hiniling ka, isa alang-alang mo dapat ang kaligayan ng iba. Kapag ganyan ka, mas marami pang biyaya at pagpapala ang darating sa iyong buhay. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 11, 21, 31, 35, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Patatagain ng husto ng langit iyong buhay, kaya ang mga dahilan ng panghihina ng loob mo at mga pag-aalala ay madali ng lilisan. Kaya magkakaroon ka na ng kapanatagan at mula ngayon ang kapanatagan na ito ang sasagap ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  9, 13, 21, 28, 39, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag kang mag-alinlangan sundin mo ang laman  ng iyong isipan. Dahil ang iyong isip at pag-aanalisa, ang tunay na nakakaalam kung saan mo matatagpuan ang iyong ikauunlad at ang iyong ikaliligaya. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 4, 25, 32, 41, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi ka mawawalan ng mga taong laging handang sumunod sa iyong mga utos, dahil ikaw ay isinilang sa mataas na posisyon. Oo mas mataas kaysa sa mga pangkaraniwang tao, kaya naman ang suwerte mo at magandang kapalaran ay mas mataas din kaysa sa iba. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  6, 12, 19,  37,  39, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay hahangaan ng iyong mga makakausap. Pero ikaw mismo ay nakakaalam na hindi mo kayang gawin at sundin ang iyong mga pinayo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 13, 25, 32, 34, 44.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Huwag kang makinig sa sinasabi ng iba. Wag mo ring intindihin at wag mo rin pansinin ang mga nagsisikontra sa iyo. Sa halip,  kung saan ka liligaya, yong ang gawin mo, yon ang piliin mo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 2, 16, 29, 31, 34, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung ano ang gusto mo yon ang gawin mo. Hindi ka dapat mag alinlangan sa iyong kakayahan. Dahil kapag nabuo na ang iyong loob, ang suwerte at magandang kapalaran ay buong-buo ring mapapa sa iyo. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 8, 10, 23, 26, 39, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Higit sa inaasahan mo ang mapapasa kamay mo ngayon. Ibig sabihin ang ibibigay sa iyong suwerte ng langit ay mga biyayang ngayon mo lang matitikman. Ipamahagi mo ito sa iba, upang ang nasabing suwerte at mga biyaya ay lalo pang dumami ng dumami. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5, 16,  27, 35, 38, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag kang mabagsik, sa halip, gandahan mo ang iyong paraan ng pamumuno sa mga tauhan. Kapag napalapit ang loob nila sa iyo ay tatanggap ka ng mga grasya at maraming mga suwerte na magmumula mismo sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 9, 27,  33, 38, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Bawal na bawal sa iyo ngayon ang magalit. Dahil ang suwerte ay darapo sa iyo sa mga sandaling payapa ang iyong kalooban at sa mga sandali na masaya ka. Kaya alam mo na ngayon ang gagawin mo? Alam mo na ba? Wag kang magagalit at lagi kang magsaya! Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 4, 17, 25, 35, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Susuwertehin ka ngayon,  sa kahit na anong larangan, pero may kondisyon na nagsasabing ngayong panahon ng tag-araw tumulong ka sa isang taong hirap na hirap ang pamumuhay at halos walang pambili ng makakain sa araw-araw at walang pang-swimming man lang. Kapag matulungin ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay aapaw sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  8,  22, 38, 40, 44.   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here