Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Abril 11, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Abril 11, 2021, Linggo – Dahan dahang napupuno ang ilog sa pagbuhos ng ulan. Ganyan din ang iyong buhay.  Suwabeng-suwabe at dahan-dahang darating ang suwerte at magagandang kapalaran sa panahong ito ng tag-init. Hindi ka dapat  mag-apura. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero ang 3,  11, 10, 19, 26, 34.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kapag  kumukulo ang tubig, umuusok. Ganon din ang darating sa iyong suwerte at magandang kapalaran, mainit at umuusok-usok pa. Ipamahagi mo ito sa iba, lalo na sa mga taong malalapit sa iyo. Wag kang matakot na maubos, dahil mas marami pa ang paparating. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 6, 9, 15,  24, 33.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kung mapapansin mong tila walang pag-galaw ang orasan ng iyong pag-unlad wag kang mabahala. Kumukuha lamang siya ng buwelo upang bigyan ka ng mas malaki at dambuhalang suwerte sa malapit na hinaharap.  Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero 3, 4, 16, 24, 33, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Maghahanap ka ng panibagong pakikipagsapalaran dahil ang kailangan mo ngayon ay bagong kapaligirang malapit sa nature. Kapag nandoon ka na, makikita mo,  dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang lulukob sa iyong pagkatao.   Mapalad na kulay ang  aquamarine. Masuwerteng numero 4, 18, 22, 36, 40, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) May dapat kang layasan at ito ang pinasasabi ng iyong kapalaran. Ito ang araw upang layasan mo ang kaiisip sa nakaraan. Ituon ang isip sa future. Gawin mo na ngayon ang mga bagay na noon mo pa balak na gawin pero hindi mo mapasimulan. Sa lahat ng nasabing ng proyekto tutulungan ka ng langit upang suwabeng-suwabe mong matapos at mapagtagumpayan.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 2, 5, 11, 20, 29, 34.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Dahil maganda ka, may kakaibang kislap at karisma ang iyong pagkatao. Sa panahong ito ng tag-init, ang mga suwerte mo ay agad na magdaratingan kapag pinanatili mo ang mabilis na pagpapatawad sa mga taong naiinggit at mga naninira sa iyo, ganon din sa mga taong nakagagawa sa iyo ng pagkakamali at kasalanan. Oo, patawarin mo sila at ang suwerte at magagandang kapalaran ay walang tigil na magdaratingan sa iyo ng siksik-liglig at umaapaw. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 10, 13, 19, 28, 36.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tapusin mo muna ang nasimulan mo. Hindi ka puwedeng magpalipat-lipat ng hindi pa tapos na tapos ang mga naunawa mong ginagawa. Kapag nagawa mo yan, tinatapos mo muna ang isang gawain bago magsimula ng bago, tuloy-tuloy na darating ang mas maraming  suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 8, 17, 23, 38, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Wag mong pagdamutan ang sarili mo. Mas maganda na nag-iisa ka. Bumili ka ng bagong damit, mga pampaganda at kumain ka ng kumain ng masasarap.  Sa ginagawa mong iyan, matutuwa sa iyo ang langit, sa panahong ito ng tag-araw mas marami pang mga biyaya at mga pagpapala ang bubuhos sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 9, 18, 20,  33, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Wag mong ipilit ang sarili mo sa nagpapakita sa iyo ng hindi maganda. Maraming naghihintay sa iyo at maraming nagmamahal sa iyo. Sa kanila ka sumama at masusumpungan mo ang suwerte at ang tunay na ligaya. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 9, 17, 25, 30, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Masusuot ka sa intriga. Pero ikaw ang magwawagi. Dahil ang makakalaban mo ay talaga namang may masasamang ugali at inaayawan ng mga tao. Iba talaga ang tulad mo, na likas na mabait, laging sinusuwerte at patuloy na pinapapala ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 6, 18, 27, 33, 36.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Itodo mo na ang iyong lakas. Kailangang madoble ang kinikita. Napapansin naman ng langit ang iyong mga pagsisikap. Kaya sa panahong ito ng tag-init, bago tuluyang bumuhos ang ulan maraming suwerte at mga biyaya ang sunod-sunod mong matatanggap. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 8, 13, 19, 35, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Lalapitan ka ng hire-hirerang  magkakasunod na mga suwerte. Kaya lang kapag natagpuan kang  hindi masaya, aalis sila at maghahanap ng taong masayahin. Kaya dapat alam mo na ang gagawin mo – sa panahong ito ng tag-init at panahon pa rin ng pandemya, dapat lagi ka pa ring mag-saya! Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 28, 32, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw upang humalakhak. Tawanan mo ang iyong mga kabiguan at babalik siya sa kanyang pinanggalingang sukat. Mula ngayon hindi ka na rin  maaapektuhan ng kalungkutan sa halip, puro tagumpay na at magagandang kapalaran ang sa iyo ay darating. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 1, 11, 13, 25, 29, 32

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here