Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 11, 2019

1
212
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 11,  2019,  Huwebes –  Hindi pupuwedeng habang buhay kang nasa sariling bayan na iyong sinilangan. Kaya sundin mo ang utos ng iyong kapalaran, na ikaw ay mangibang bansa. Hinihintay ka na ng magandang kapalaran sa malayong lugar. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 17, 28, 31, 37, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iyo ang araw na ito. Humingi ka ng para sa iyo at para sa mga mahal mo. Makaaasa ka na ikaw ay pakikinggan ng langit at sa malapit na hinaharap, tutuparin ang iyong kahilingan. Mapalad na kulay ang lavender.  Masuwerteng numero 5, 12,  24, 36, 38, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mapapansin mong unti-unti ng sumasaya at sumisigla ang iyong kapaligiran. Ito ay tanda na sisigla na rin ang iyong kapalaran, hanggang sa tuloy-tuloy mo ng makamit ang suwerte at magandang kapalarang matagal mo ng hinihintay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 2, 9, 28,  34, 38, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nagbabalita ang araw na ito na kapag hindi mo pinairal ang ugali mong mahilig maghanap ng kapintasan ng isang tao, darating sa iyong buhay ang napakaraming suwerte at magandang kapalarang hindi mo inaasahang mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 4, 22, 32, 40, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagkukubli sa maliit ng problema ang malaking tagumpay. Kaya anuman ang pinoproblema mo sa ngayon, umasa kang ang kasunod nito sa araw ng bukas ay malaking suwerte at maningning na kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 2, 16, 20, 25, 34, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kaya lang naman matamis ang tagumpay kapag ito ay pinaghirapan. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi mo paghirapan ang tagumpay, matamis ang magiging lasa nito, dahil noon pa man isinulat na sa aklat ng kapalaran ang iyong pangalan sa mga matatagumpay na nilalang. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  3, 9, 14,  33,  38, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ikaw mismo ang makakapansin na ang bawat iyong ginagawa ay hindi agad natatapos. ‘Wag malungkot, dahil kahit hindi mo agad natatapos ang mga gawain mo, may tatapos nito para sa iyo – ang langit. Dahil tatapusin ito ng langit, mas maganda ang mayayari at mas malaking suwerte at magagandang kapalaran ang mapapakinabangan mo. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  4, 9,  21, 34, 39, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Hawakan mong mahigpit ang mga tinamo mong magagandang kapalaran, dahil anumang sandali ay maaaring kumawala ito. Sa pag-iingat ng magagandang kapalarang iyong tinamo, dapat ding pagyamanin mo ito ng husto at kapag dumami na, ipamahagi mo ito sa iba lalo na sa mga mahihirap at sa mga kapos palad. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 14, 25, 31, 34, 44.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Susubukan ka ngayon ng iyong kapalaran kung gaano katatag at kung gaano katibay ang iyong pagkatao. Kaya ang payo, sa anumang aspeto ng buhay ay wag kang magbabago o magpapalit ng pasya.  Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 8, 10, 23, 25, 39, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mas masayang kasama ngayon ang kaibigan kaysa sa mahal mo sa buhay na hindi ka naman nauunawaan. Ituloy ang binabalak mong pamamasyal at pagsho-shopping na kasama ang iyong mga kaibigan, sapagkat sa gawain ganyan ka sisigla at magiging maligaya. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 8, 16,  27, 35, 38, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nagbabalita ang araw na ito na ikaw ay kikita sa pagbebenta. Ibig sabihin magagandang salita lang ang puhunan ay aangat na agad ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  14,  21, 38, 40, 45.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Mula sa malayo kakawayan ng kapalaran upang lumapit sa iyong harapan ang taong tatawagin mong kaloob sa iyo ng tadhana na matagal ng sa iyo ay nakalaan. Siya ang tutulong sa iyo at magpapabago ng malungkot mong buhay. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 11, 27, 33, 36, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Pag-ibig ang kailangan ng mundo kaya mag-mahal ka ngayon. Ang una mong mahalin bukod sa iyong pamilya ay ang mga kapos-palad at labis na ngangailangan. Regaluhn mo sila kahit walang okasyon. Kapag nagawa mo iyan, dobleng regalo ang ibabalik sa iyo ng langit. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  5, 13, 26, 28, 31, 45.

1 COMMENT

  1. Dear Maestro,

    Nanaginip poh ako ng maraming ahas ng kahiganti ang laki sa panaginip ko poh.. Kitang kita k bwat isa sa ahas minamartilyo ng Mr. Ko ang ulo at bwat isa nman ayes namamatay… Pero di poh ako nakaramdam ng takut sa panaginip ko.. Ano poh ibig ssbihin nun???

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here