Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 10, 2019

0
248
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 10, 2019,  Miyerkoles  –  Lagi kang mauuna sa lahat ng bagay! May pumapangalawa man sa iyo, malaki pa rin ang agwat mo. Kaya nga kung magpapayaman ka, ang iyong yaman ay hindi na nila maaabutan pa. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 19,  31, 34, 40, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) May gagambala sa iyo ngayon. Gagambalain ka ng maganda kapalaran. Kaya kahit saan ka magpunta, ang suwerte ay dating at dating pa rin sa iyo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 19, 28,  31, 34, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kembot ang suwerte mo sa araw na ito. Ang problema baka hindi ka marunong kumembot? Kaya kailangan marunong kang kumembot. Kapag maganda at malakas ang kembot mo, mas malaking suwerte at magandang kapalaran ang darating. Pero kung ang kembot mo ay simple lang at hindi bigay na bigay, sakto o medyo maliit na suwerte lang ang iyong matatanggap. Kaya anupa ang hinhintay mo, kembot na! Mapalad na kulay ang pula. Masuwerteng numero ang 6, 15, 24, 30, 33 at 45. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Gagana ang timbangan ng iyong kapalaran at ang makikitang mga kakulangan ay ipagkakaloob na sa ‘yo upang ang iyong buong pagkatao ay mabuo at labis na maging kahanga-hanga.  Kapag kahanga-hanga ang iyong pagkatao, hihigupin nito ang suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  7, 17, 27, 38, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sasamahan ka ngayon ng iyong kaibigan na malakas ang loob. Alam niya na naduduwag ka kaya hinid ka niya pababayaan. Kung hindi ka man samahan ng kaibigan mo sa ibang mga lakad, magpatuloy ka kahit nag iisa ka lang dahil may ibang sa yo ay sasama. Sasamahan ka ng suwerte at magndang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 9, 21, 23, 25, 29, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Bilis ang susi ng iyong buenas. Kaya hindi sa iyo puwede ang babagal-bagal. Kapag makupad ka hindi ka gaanong magtatagumpay habang mentras binibilisan mo ang iyong mga ginagawa, mabilis ding darapo sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 8, 16,  26, 35, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ang lahat ng mga kumikinang na bagay ang magiging lucky charm mo. Kapag ito ay ipinagkaloob mo sa iba, susuwertehin ka. Kapag ito naman ay iyong  natanggap, mas malaking suwerte at magandang kapalaran ang mapapa sa iyo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 17, 25, 38, 40, 44.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Isang nilalang ang sa’yo ay magbibigay ng ligaya. Wag mong mahalin dahil siya ay hindi naman magtatagal sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  7,  17,  24, 31, 39, 40.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag mong sayangin ang napakaraming suwerteng darapo sa iyo ngayon. Kung sakaling hindi mo masapong lahat o kaya naman’y kung sakaling hindi mo pa gaanong kailangan, iyo pa ring ingatan upang magamit mo sa susunod na mga araw.  Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  9, 13, 24, 29, 30, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hawak mo ngayon ang kapalaran mo. Dahil kung ano ang gusto mo, tiyak na mapapasa iyo ito. Kaya ang payo kailangan na may gusto ka, dahil kung wala, wala ring magbabago sa buhay mo kung wala ka namang talagang gusto. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 11, 28, 34, 36, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Iilan lang ang tinatawag na masuwerteng nilalang at ikaw ay kabilang sa kanila. Ibahagi mo sa mga kapus-palad ang ilang mga biyayang nagdaratingan na sa kasalukuyan.  Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 3, 12,  21, 36, 39, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sapat na, na makita kang masaya ng mga mahal mo sa buhay upang mawala ang kanilang pag-aalala. Maging matatag at dapat ding may matibay kang pagkatao. Kapag ganyan ka, hindi nabubuwal sa hamon ng buhay, lalo kang patatagin ng kapalaran at bibigyan ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 4, 17, 22, 25, 38, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Marami ang umaasa sa iyo. Hindi lamang ang mga malalapit sa puso mo kundi maging ang ibang mga tao. Pero wag kang mag-alala, dahil tutulungan ka ng langit upang ang lahat ng umaasa sa iyo ay matulungan mo at mapasaya mo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  5, 14, 28,  34,  37, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here