Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Abril 1, 2020

Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Abril 1, 2020,  Miyerkoles – Sa araw na ito nagbukas na ang pintuan ng grasya ng langit para sa iyo. Tuloy-tuloy ang malakas na agos ng salapi papasok sa iyong kabang-yaman. Bukod sa materyal na bagay, marami pang suwerte ang walang tigil na ipagkaloob sa iyo. Panatiliin ang ugaling laging nagpapasalamat  at wag kalilimutang ibahagi sa mga kakilala mong naghihirap ang ilang mga biyayang iyong natatanggap. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 4, 17, 23, 28, 37, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magiging makulay ang buhay mo. Sa ‘yo ang saya, ang ligaya, at ang katuwaan ay sa ‘yo rin. Lagi kang dadatnan ng suwerte at buenas. Makaranas ka man ng kalungkutan kabiguan sa panahong ito ng Covid 19, sa huli, ikaw pa rin ay may sobrang magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 15, 23, 26, 35,  43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ipapamahak ka na naman ng isang dati ng negatibo mong ugali na noon mo pa balak tanggalin – ang hindi mo masasabi-sabi ang iyong gusto at ang totoong laman ng puso mo. Wag kang matakot na ipagtapat at sabihin kung kanino man ang iyong problema at hinaing. Kapag naibulalas mo na ng malaya ang iyong damdamin, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 19, 21, 32, 37, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ano ang kahihinatnan ng pagtulong mo sa mga kaibigan kung kapag ikaw naman ang nangangailangan ay tinatangihan ka nila? Wala! Hindi masama kung mula ngayon piliin mo lang ang iyong tutulungan, silang may maitutulong din sa iyo pagdating ng araw. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 10, 28, 33, 40, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) ‘Wag mong isiping ikaw ay duwag. Ang totoo, matapang ka at malakas ang iyong loob, kaya lang ayaw mong ilantad. Bilang panimula, gamitin mo ang iyong tapang at lakas ng loob sa pagnenegosyo at yayaman ka. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 7, 14, 18, 27, 33, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Magsaya ka, dahil kapag masaya ka, lalo ka pang pasasayahin ng langit. Kaya ang kabiguan at mga problema ay huwag mong pansinin. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 8, 24, 29, 36, 43.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tama ang ginagawa mong diskarte. Kung hindi ka magdedesisyong mag-isa at kung hindi ka kikilos ayon sa iyong kagustuhan, kailan ka pa mabubuhay ng malaya. Ngayon na ang araw upag ipakita mo sa buong mundo na magaling ka, iba ka sa lahat at kaya mong umunlad at umasenso sa kakaibang paraan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7,  10, 19, 27, 42, 44.  

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Habang pinapagana ang isipan, tuloy-tuloy namang magkakamali sa mga pagdedesisyon. Paganahin mo ang puso at damdamin sa araw na ito, upang mas madali mong masagap ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  14,  26,  33, 39, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sa panahon ngayon talagang mabagal ang itatalang pag-unlad sa larangan ng materyal na bagay. Dagdagan pa ang pagsisikap at pagiipon ng pera, wag ka nang gumastos pa ng gumastos. Upang pagkatapos ng problema sa Covid 19, matupad ang pangarap mong makapagnegosyo hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 17, 23, 26, 33, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ngayong pumapasok na ang tag-init, uulanin ng suwrte at magagandang kapalaran ang iyong karanasan, higit lalo sa damdamin at materyal na bagay. Sa panahong ito na kalat ang Covid 19, manatili na lamang sa loob ng bahay at doon ka  mamanata at manalagin. Sa ganyang paraan marami pang suwerte at magagandang kapalaran anng darating. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 17, 33, 39, 43, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Malakas ka ngayon dahil kung uutusan mo ang iyong mahal siya ay susunod sa ‘yo pero ikaw din ay mahina, dahil may lihim kang takot na baka makahalata na siya na ina-under de saya mo, magalit siya sa iyo at tuluyan kang iwanan. Kaya hinay-hinay lang sa paguutos upang maging habang buhay ang inyong masaya at nakatutuwang pagsasama. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 8, 12, 25, 36, 41, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi pupuwedeng manahimik ka na lamang, hindi kumibo at hindi kumilos. Ikaw ay nilikha upang makialam at makisali.  Sa sandaling nakilahok ka sa mga gawaing may kaugnayan sa pagsugpo ng Covid 19 tulad ng pagdo-donate ng mga goods at pagkain, malaking suwerte at magandang kapalaran ang isa-isa ng darating at magniningning sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 11, 27,  28,  32, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Masosulusyunan na ang suliranin mo na may kaugnayan sa pera. Isang maangas na nilalang ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa sandaling nagkapera, konting pagtitipid ang dapat upang tumagal naman ng ilang araw man lang ang salaping hawak-hawak. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1,  16, 19,  20, 37, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here