Online Horoscope Mayo 5, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Mayo 5, 2021, Miyerkoles  – Dahil kaarawan mo ngayon, ito ang isa sa pinakamapalad mong araw, kaya naman wag mong sayangin ang araw na ito na isa sa iyong masusuwerteng araw. Mangarap ka ngayon at makaasa ka na anuman ang iyong papangarapin at seryosong isiping makamit ay tiyak na mapapasa iyo at matutupad.  Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  5,  18, 23,  28, 31, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Isang mahiwagang pangyayari ang mararanasan mo. Sa pagdapo sa iyong pisngi ng mainit-init na hangin, kasabay nito papasok sa buong katauhan mo ang hindi mabilang na mga suwerte na magpapasaya sa iyo sa mahabang panahon. Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero  3, 17, 22, 26, 38, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi ka dapat mapabilang sa mga taong pabago-bago ng pangarap. Tapusin mo muna ang isa at saka ka mag iisp ng iba. Kapag natatapos mo ng maayos na maayos ang anumang gawaing inatang sa iyong balikat, makikita mo, magsisimula ka ng suwertehin ng suwetehin hanggang sa umunlad ng umunlad at magtamo ng mas marami pang magagandang kapalartan.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 12, 18, 24, 33, 39.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi mo ba napapansin, habang tanong ka ng tanong kung ano ang mabuti at kung ano ang hindi, lalo kang hindi makakilos? Kaya ang payo, kumilos ka ngayon ayon sa iyong gusto at intuition dahil yon ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  7, 14, 25, 28, 33, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kaya hindi ka pa gaanong umaasenso dahil kulang ka sa pagaanalisa ng mga pangyayari sa iyong kapalaran. Muli mong pag-aralan ang iyong mga nakaraan dahil ang sikreto ng iyong tagumpay ay nasa mga aral ng buhay, na nakalakip ng iyong mga karanasan. Pag-aralan mong lahat ng ito at saka ka magpasya, sa ganyang paraan susuwertehin at magtatagumpay ka na. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 7, 14, 25, 28, 32, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Lihim kang ngumiti kapag may naiinggit sa iyong buhay at sa iyong kagandahan,  dahil habang ganon sila, ikaw naman ay patuloy na huhulugan ng mga grasya ng nasa itaas, hindi ka maghihirap at laging aagapay sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 7, 10, 13, 19, 28.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kahit na sabihin pang malakas ang iyong loob, sa araw na ito hindi matapos tapos ang iyong kaba at hindi maipaliwanag na konting nerbyos. Magkagayuman, kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa buwang ito ng Mayo nagdadatingan na naman ang iyong mga suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad  ang kulay na dark green. Masuwerteng numero 5, 7, 9, 14, 19, 29.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Isa kang taong malihim, kaya hindi mo sinasabi sa iyong mga nasa paligid na mataas ang iyong pangarap. Lihim ka ring aalalayan ng langit kaya makakamit mo ang anumang iyong nais at hinahangad sa buhay. Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero  3, 6, 24, 29, 32, 44.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Naiinip ka, hindi ba? Ang masuwerteng balita para sa iyo, ang araw na ito ay nagsasabing tapos na ang iyong paghihintay, kusang gaganda ang iyong kapalaran, kaya sunod-sunod na suwerte ang bigla mong matatanggap. Mapalad na kulay ang purple.  Masuwerteng numero 6, 9, 13, 22, 36, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Kung ang iba ay hindi mo pinapakinggan, at ito ay okey at ayos lang. Pero sa araw na ito may iniuutos sa iyo ang nasa itaas, ganito ang utos: Pakinggan mo ang payo para sa iyo ng mga bituin. Kapag inilagay mo sa iyon isip na gaganda ang anumang pangit sa buhay mo, tiyak na tiyak na gaganda nga ito at ikaw ay labis na matutuwa. Anumang magandang bagay na isipin mo ay magkakatotoo. Kaya mula ngayon iwasan ng mag isip ng mga negatibong bagay, dahil baka pati yon ay magkatotoo.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  6, 18, 21, 33, 40, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Pagpapalakas at pagyaman! Ito ang isa pang pangalan ng araw na ito para sa ‘yo. Lalakas ka tulad ng isang kabalyerong mahaharap sa mga hamon ng kapalaran na siya ay tiyak na mananagumpay at yayaman sa takdang panahong ang langit ang naglaan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 8, 19, 22, 38, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dumating na naman ang araw at ito ay ang ngayon na kung kailan ay nasa malakas na level ang iyong pandama. Ito rin ay nagsasabing ang magaganap pa lang ay maaga mong masasagap at malalaman.  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  2, 7, 16, 21, 27, 35.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag ka ng umarte-arte pa, hindi na uso ang bait-baitan, sa halip, ngayon na ang tamang araw upang mapagtimbang-timbang mo ang mga oportunidad na nasa iyong harapan. Kung saan ka makikinabang ng malaki at sasaya ka pa, iyon ang piliin mo. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 1,  10, 14,  26,  34,  40.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here