Online Horoscope Mayo 16 2018

0
896
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang ating Online Horoscope Mayo 16 2018,  Martes –  Taglay mo ang malikhaing kaisipan at taglay mo rin ang pagnanasa na makarating sa malalayong lugar. Kaya ikaw ay itinalaga ng langit upang makapag-abroad na iyong ikayayaman.  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 9,  25, 34, 41, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi mo dapat sayangin ang mga biyayang magaan na dumarating sa iyong mga kamay. Kapag naging masinop ka at mapagpahalaga sa mga nasa sa iyo na, magkakaroon ka ng seguridad para sa iyong kinabukasan.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  6, 18, 21, 27, 33, 45.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) – Kailangan mo ng saya. Kaya anumang ang tinatrabaho mo ngayon kailangang maging masaya ka. Nanonood sa iyo ang nasa itaas, kapag ginagawa mo ang mga bagay na may saya, pagkakaloob ka ng langit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran.Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  2, 10,  20, 29,  31, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Sa ibayong dagat o sa pag-a-abroad mas madali mong matutulungan ang mga mahal mo sa buhay at ito rin ang paraan upang matupad mo ang iyong mga pangarap. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 1,  7, 16, 29, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mula sa malayong lugar may darating sa iyo, dala niya ang susi upang ikaw ay lalo pang umunlad at magtagumpay. Kapag inabot sa iyo ang mahiwagang susi, sundin at sunggaban mo agad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 24, 27, 30, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Suwerte ka ngayon! Sino naman ang mamalasin? E di sino pa, kundi sila na pumapangit ang buhay na nagsikontra at kumalaban sa’yo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 10, 22, 28, 34, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Magiging palakuwento ka at mawiwili sa pagbahagi ng iyong karunungan. Kaya lang, bihira sa mga kuwento mo at kaalaman ang mauunawaan at masasakyan ng iyong kausap. Magkaganunman, ang mga maririnig sa iyo ay sobrang nakamamangha at magpapasaya sa kanila.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 32, 41, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Sa isang pagtitipon, may isang tao na matagal mo ng hindi nakikita ang muli mong makikita. Pagsikapan mong kontrolin ang iyong damdamin at mag-ingat na baka madala ka sa mga sulsol at tukso ng iyong mga kasama. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   7, 16, 25,  36,  37, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Magiging palahanap ka ngayon at para bang madali mong mapansin ang pagkukulang ng mga nasa paligid mo. Mas mabuting sarilinin mo na lang ang iyong mga napupuna, upang wala kang makasamaan ng loob. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 8,  23, 32, 35, 41.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang ibang tao ay nag-iisip ng matatayog at matataas na pangarap ngunit hindi naman nila ito nakakamit. Ang sa’yo ay sadyang kakaiba, idinisenyo ng langit na maabot mo ang mataas at maluluho mong mga pangarap. Kaya naman panahon na upang mangarap at mag-ambisyon ka na ngayon ng mataas.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 12, 21, 33, 43, 45.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) -Kahit masyado kang busy, pagtuunan mo pa rin ng pansin ang iyong kalusugan. Alalahanin mong ang malusog na pangangatawan at maraming pera ang tatawaging tunay na masuwerte. Panatilihin at pilitin mo na maging ganoon ka!  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  9, 15, 21, 23, 34, 42.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Dapat panatag ang kalooban mo sa ngayon. Dahil may nag-aabang na suwerte sa iyo na darapo sa katawan mo kapag payapa ang iyong isip at damdamin. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 13, 28, 31, 40, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tinatanglawan ng langit ang iyong mga pinagkakaabalahan. Kaya kung patuloy ka sa pagawa ng kabutihan, mas maraming mga premyo at mga biyaya ang iyong matatanggap, higit lalo sa aspeto ng pag-ibig at pang-damdamin. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 26, 27, 35, 41.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here