Online Horoscope Marso 31 2018

Online Horoscope April 11 2018

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang ating Online Horoscope ngayong Marso 31 2018,  Sabado de Gloria  – Ito ang araw na marami sa mga biyaya at grasyang ihuhulog ng langit ay makikita sa mga kamay mo magsisidapo. Upang lalo pang magtuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran bahaginan mo ang mga malalapit sa iyong puso.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kung ano ang magbibigay saya at ligaya sa iyong mga mahal sa buhay ay yon mismo ang ibigay mo sa kanila. Samantalahin mo ang masasayang araw na ito para sa pagpapatibay ng relasyon ng pamilya at sa pagmamahalan ng mag-anak. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12,  17, 27,  34, 42.   

TAURUS  (April 20 – Mayo 20) Huwag mong ipagdamot ang mga biyayang iyong natanggap nitong nagdaang araw. Ipamahagi mo ngayon ang ilan sa mga mahihirap at labis na nangangailangan. Kapag nagiging palabigay ka sa karapatdapat pagbigyan, marami pang biyaya at pagpapala ang darating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Pinagkalooban ka ng mayamang kaisipan, wag mong sayangin ang regalong ito sa‘yo ng kapalaran. Wag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob, gamitin mo sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan hanggang sa ganap at lubusan kang yumaman. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na ang pinakamahigpit mong kalaban ay ang pagpapantasya. Huwag mong angkinin na sa iyo na ang mga bagay na hindi mo pa nahahawakan o nakikita ng iyong mga mata. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kakaiba ang suwerteng sasaiyo ngayon dahil ang pangyayari sa biglang tingin ay minalas ka ay yon pa pala mismo ang magiging dahilan ng pagkakaroon mo ng mas maraming buenas at magagandang kapalaran hindi mo inaasahang  magdaratingan na ngayon. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung sino ang pinanggalingan ng iyong saya at sigla siya ang lagi mong isasama. Ang mga nagsisikontra sa ‘yo ay layuan mo. Sagabal lang sila sa unti-unti mong pagunlad at pagyaman. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Huwag ng magdalawang isip kung papasyalan mo o hindi ang isang malapit sa puso mo na siya ring madalas na makakuwentuhan mo at madalas ding nakakatulong sa iyo sa panahong ikaw ay gipit at may suliranin.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Pagpapatibay ng relasyon sa mga taong nakatulong sa iyo ang kailangang magawa mo sa ngayon. Dahil nahaharap ka sa isang napakagandang kapalaran pero bago mo makamit iyan, dadaan ka muna sa mga mabibigat na pagsubok, na kayang-kaya mo namang lusutan at mapagtagumpayan. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Dadalhin ka ngayon ng iyong mga paa sa isang lugar na ngayon mo pa lang mararating. Mahaharap ka sa mga naggagandahang oportunidad na puwedeng maging dahilan  ng mabilis mong pag-unlad at pagyaman. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

CAPRICORN  (Disyembre 22 – Enero 19) Maaakit ka ng mga taong may masayang personalidad. Huwag mong aakalain na sila ay magbibigay sa ‘yo ng masarap na buhay at pag-unlad, dahil ang mga taong masasaya na tulad nila ay kulang sipag, kulang sa sikap at kulang sa tiyaga. Wag mo silang tutularan at mas mainam na lumayo at umiwas ka sa kanila. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Babalikan ka ngayon ng isang taong tinulungan mo. Magugulat ka, kakabigang suwerte at gantimpala ang ipagkakaloob nya sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Malayo ang mararating ng iyong isip sa ngayon. Ang iyong mga pinapangarap ay kakaiba sa ganda, ang mga ito ay mga bagong pangarap. Marami sa mga pangarap mong ito ay isa-isa ng matutupad.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here