Online Horoscope Marso 23 2018

Online Horoscope April 11 2018

Ang ating Online Horoscope ngayong Marso 23 2018,  Biyernes –  Mula sa maliliit na suwerte na mapapasaiyo, lalago ito ng lalago at darami ng darami. Hanggang sa mapabilang ka sa hanay ng mga mayayaman at angat sa buhay. Hindi mo ito mahahadlangan, dahil ito na ang nakatadhana sayo bago ka pa isinilang. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magpapatuloy ang magandang takbo ng pang-pinansyal na aspeto sa iyong buhay. Lalago ng lalago ang iyong kinikita. Ingatan mo at sinupin ang iyong kabuhayan at hindi ka dapat tumulad sa mga taong sobrang galante. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) – Ito ang araw na patuloy na magniningning at titingkad ang iyong ganda. Ang ganda mong ito ang aakit kaya’t dadapuan ka ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Sa araw na ito at sa lahat ng araw, bawal na bawal kang pumangit. Lagi kang ngumiti at magpaganda upang ang suwerteng dumapo sa iyo ay hindi na aalis kailanman.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Napakabilis ng kilos mo ngayon. Kaya wala kang magagawa, bibilis din ang takbo at ikot ng iyong tadhana, kasabay ng pagbilis nito, bibilis din ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Huwag kang makisali sa problema ng ibang tao dahil maaaring malipat sa ‘yo ang kanilang mga problema at ikaw ay mahihirapan ng todo. Sa halip, ang pakialaman mo ay ang sarili mong buhay at kung paano mapauunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya. Kapag nagawa mo ‘yan, magdaratingan ang suwerte sa iyong harapan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Huwag mong pagdudahan ang kagandahang loob ng isang bagong kakilala. Siya ay tapat at mabuti ang kanyang motibo sa pakikipagkaibigan sa ‘yo. Ang bagong kakilala ring ito na hulog ng langit ang magdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Pinagkalooban ka ng malakas at matibay na katawan, kaya mabilis mong tinatalo ang mga karamdaman. Nawa ay gamitin mo ang regalong ito ng langit sa pagpapayaman. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) – Kusang pagagandahin ng langit ang iyong kapalaran dahil kabilang ka sa iilan na kung tawagin ay mga pinagpala. Huwag mong kakaligtaan na tulungan ang mga mabababa at mga mahihirap upang lalo ka pang bigyan ng maraming suwerte ng langit. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Maging mahinahon ka sa ngayon. May babala na kapag hindi mo napigil ang iyong emosyon at katarayan, mahahalagang bagay ang masisira at malalaking transaksyon ang maaaring mapurnada.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Walang tigil ang hindi maawat na paglalakwatsa ang magaganap sa iyong karanasan. Magkagayunman sa labas ng bahay ay may magsisidapong mga suwerte at magagandang kapalaran para sa ‘yo.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Nagbabadya ang araw na ito ng pagbabago. Maraming magbabago sa iyong buhay, kabilang na rito ang iyong career at kabuhayan. Habang nagaganap ang mga pagbabago, sasabay din rito ang maraming bagong suwerte at magagandang kapalarang magdaratingan na naman sa‘yo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Nangangako ng masayang kaganapan ang araw na ito para sa ‘yo, sa kondisyon na ang isasama mo ay ang matalik mong kaibigan at hindi ang iyong mahal.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  – Iwasan mong magpabago-bago ang iyong gusto sa buhay. Kung ano ang unang pinangarap mo, dapat ay ito rin mismo ang iyong tutukan ng husto. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy na darating sa buhay mo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here